CHAPTER 35

182 7 0
                                    

SORRY

"Anong ginagawa niyo dito?" Seryosong saad ko sa dalawa nagkatinginan naman ito ramdam ko ang kaba ni Betty dahil tensyunado na si Andrei magsalita.

Isang irap ang pinakawalan ko at dinalatan silang dalawa narinig ko pang napasinghap si Betty.

At aba'y hindi nagsasalita ang dalawa kagaling samantalang kanina napakaingay at hinahanap pa ako ngayong nandito na e.

"Kung wala kayong sasabihin umalis nalang kayo aalis din naman ako mamaya may tinatapos lang akong trabaho--"

Agad nanlaki ang mga mata ko ng itulak ni Betty si Andrei dahilan para sa muntikan nitong pagtumba.

"Aray naman! Sandali!" He hissed at Betty pero inirapan lang siya nito at inginuso nito ang direksyon ko kaya nalilito na napatingin ako kay Betty.

"Ano bang meron? Bakit ganyan ang mukha niyong dalawa?"

Nagkatinginan sila isang awkward na ngiti ang iginawad ni Andrei sa'kin at lumapit ito bigla ako nitong niyakap ng mahigpit.

"Yla, sorry na, sorry sa nasabi ko kagabi ikaw naman kasi e napahiya ako doon hah inalisan mo ako tuloy--" naiiyak na saad niya natawa naman ako.

"Ano ka ba ayos lang, wala na sa'kin 'yun." Isang plastik na ngiti ang ginawa ko sa likod ni Andrei at nakita ni Betty yun kaya natawa siya.

"Sorry talaga pero--" agad ko siyang pinutol dahil may naalala ako.

"Tinawagan mo ba si Nicolas para sunduin ako sa Taxi kagabi?" Sa seryoso kong tugon agad naman kumunot ang nuo nito.

"Hah? Anong--"

"Wag kang mag-maangan hindi pa tayo okay hah kahit tinanggap ko na yang sorry mo," inis na tugon ko.

"Anong tinawagan? Si Nico? Nagkita na ba kayo ulit kelan at--"

Kinutongan ko na, he glared at me.

"Yla Aianna wala akong alam sa sinasabi mo, at bakit naman magiging taxi Driver si Nicolas Kheifer isa pa busy iyon kaya--"

"Nakita ko siya kagabi dinala niya ako sa bahay na sinasabi mo o kung saan mang lugar iyon at ang walang hiya nagdrama kaya galit na galit parin ako dahil--"

"Anong sinabi?" Tila nagkainteres bigla ito sa sasabihin ko, pinandilatan ko lang siya.

"Ayoko sakanya, manloloko siya! Tsaka ba't ko sasabihin sayo? Pinlano mo ba ito?" Seryosong tugon ko natawa naman siya bigla.

"Yla Aianna wala akong alam sa sinasabi mo, nagulat lang ako at dinala ka niya doon, ang taray hah!" Sa nag-aasar na tono niya inirapan ko lang ito pero nagsalita nanaman
siya, "magbabalikan ba kayo ng manloloko kong pinsan? Nako huwag kang kakagat doon matanda na 'yun--"

"Bakit ko gagawin 'yun? Hindi ako marupok no?"

Agad namang nasamid si Betty umiinom kasi siya ng tubig at tinitignan kami pareho kaya napatingin kami sakanya iniwas siya ang tingin sa'min.

Naningkit ang mga mata ni Andrei at dinaluhan ang kaibigan, agad niya itong dinuro, "Hoy Bettilina huwag kang traydor hah alam ko na magkaibigan si Lance at Nico kaya--"

"Ano? wala akong alam sa sinasabi niyo!" Despensa agad niya.

"Ako ang sinisisi ni Aianna dahil kamag-anak ko yung malolokong 'yun nako Bettilina malilintikan ka talaga sa'kin kapag may alam ka kung bakit kinidnap nito kagabi si Yla!" Asik niya at iniwan kami susunod sana ito kay Andrei pero tinawag ko agad siya.

Invisible Love String | COMPLETED ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon