STAY
"Ang lakas ng hangin at ulan, uuwi na ba talaga kayo?" Si Yaya Pam sa nag-aalalang tono.
Paano ba naman nagising ako kanina na malakas ang ihip ng hangin at umuulan napakaganda pa kahapon ng panahon pag-uwi namin kaso sa di inaasahan tumama naman ang bagyo dito.
"Huwag muna kayo umalis magpalipas kayo ng 3 araw pa." Pahabol niya.
Nagkatinginan kami ni Tita Laura, mabuti nalang talaga at may mga maisusuot pa kami.
Hindi ko nakita maghapon si Nicolas dahil ang sinabi ay umuwi daw hindi ko na sinabi kung babalik pa ba siya dahil baka mawirduhan sa'kin si Tita Laura, hindi niya alam ang relasyon namin ni Nicolas ni hindi ko kinwento sakanya ang parte na iyon dahil hindi ko naman inaasahan na babalik pa pala ako dito sa Pilipinas at sa Batangas pa talaga tapos makikita ko pa siya, isang napakagandang balita na hindi ko siya nakita ngayon.
"Kung ayos lang kay Yla--"
"Ayos naman po, dito nalang muna tayo." Putol ko sa sasabihin niya.
Tipid na ngumiti si Tita Laura sa'kin tila inaalala parin ang kalagayan ko I only nodded bago magpaalam sakanila para umakyat.
Sana huwag siyang dumating dito, hindi ko alam kung ano pang magiging reaksyon ko kapag nakita ko nanaman siya.
Sabi ni Andrei dito na nanirahan si Nicolas samantalang ang mga magulang nito nagstay sa Manila, ang sabi ang lupa na binanggit nito sa'kin doon na siya naninirahan hindi ko alam kung saan iyon dahil nung nagkausap naman kami ni Andrei tungkol sakanya hindi naman ako naging interesado.
Baka doon na sila ni Amanda nanirahan at may gana pa na dito talaga sa Batangas hah, natawa ako sa naisip hindi ko alam kung bakit biglang parang kumirot ang puso ko.
Nagulat ako sa isang katok sa pintuan kaya agad kong pinuntahan iyon, pagbukas ko si Tita Laura pala ang kumakatok agad ko siyang pinapasok sa loob.
Pareho kaming umupo sa kama habang inihilig niya ang ulo ko sa balikat niya.
"Yla, mauuna ako sa'yo anak, kailangan ko pang tapusin ang trabaho sa Mabini." Tugon nito na kinakunot ng nuo ko.
"Sasama ako sa'yo, ayoko dito." Despensa ko, "Hindi kita iiwan Tita, ayoko--"
"Yla, makinig ka sa'kin anak, may sarili kang buhay kailangan mo alagaan ang mansion dahil ito nalang ang naiwan sa'yo, huwag ka nang sumama sa'kin."
"Ayoko na dito, naalala ko lahat, lahat--"
"Yla, kaya nga inalis kita sa pagmomodelo diba kasi hindi ito ang gusto nang pamilya mo--"
"Wala na sila, iniwan na nila ako! Sasama ako sa'yo!" Naiiyak na tugon ko.
Bigla naman niyang hinawakan ang mga kamay ko umiiyak na din siya.
"Anak, hindi naman porke aalis ako hindi na ako babalik ang gusto ko lang dito kana tumira, mahal ka ng mga tao dito hindi ko---"
Umiiling ako habang naluluha na bakit ako titira dito? Ni kahit bumabagyo nga gusto ko umalis wala lang ako magawa dahil nangusap pa na magstay dito aalis naman si Tita Laura.
"Yla Aianna ito ang buhay mo, bumangon ka para sa sarili mo hindi yung--"
"Kailangan kita, sasama ako--"
"Yla."
"Please, Tita."
Napabuntong hininga siya napatingin naman ako sa nakabukas na pintuan hindi ko alam na nandoon pala ang mga tauhan namin lahat sila nakatingin sa'kin.
BINABASA MO ANG
Invisible Love String | COMPLETED ✔️
RomanceFernandez's is one of the richest family in businesses, "Yla Aianna Delacruz Fernandez" is a spoiled brat teenage girl who lives in the mansion of her grandparents with her Father and Mother, dalagitang hindi lapitan ng pag-ibig kahit nasakanya na a...