CHAPTER 39

182 7 4
                                    

INSECURITY

"If you're looking for Nicolas, nasa kwarto niya pa ito, napagod sa mga nangyari kagabi." She giggled kumunot ang nuo ko, at may naisip pero di ko isinatinig iyon.

Kailangan talaga ipagsabi niya kung ano man iyon? Walang delekadesa girl? Wala naman akong paki sa ginagawa niyo!

Agad pinutol ni Andrei ang tensyon siguro nararamdaman niya na naiinis na ako, oo wala naman kasi akong pakialam kung namimilagro sila dahil mag-asawa sila sa'kin lang di na niya kailangan ipagsabi ang bagay na iyon sa mga taong bibisita dito.

Paki ko naman dyan.

"Ah, kasama ko siya-" Natural Andrei kasama mo ako helo? Umayos ka nga, siniko ko na kaya natigilan siya.

"I want to talk to him, but I'll leave pupunta nalang ako ulit kung kailan hindi siya pagod." Diniinan ko ang sinabi dahilan para magulat si Andrei sa sinabi ko.

Isang sarkastikong ngiti ang iginawad ni Amanda sa'kin, "I am his wife, pwede mo bang sabihin sa'kin ang rason kung bakit kayo mag-uusap? Kasi sa pagkakaalam ko hindi naman niya nabanggit na may kakausapin siya ngayong araw."

Napatikhim naman si Andrei, sa totoo lang ayokong maging bastos kasi wala ako sa teritoryo ko, pero ang babaeng ilusyunada na ito hindi ko gusto ang tabas ng dila.

"Dapat mo pa bang malaman iyon? Wala ka bang tiwala sa asawa mo?"balik na tanong ko sakanya.

"Wala akong tiwala sa'yo." Napasinghap ako sa sinabi niya agad na pumagitna si Andrei at pekeng ngumiti kay Amanda.

"Teka lang mga ineng hah, kasi may trabaho pa ako huwag naman kayong mag-away dito at mapagalitan pa ko nila Tito Imman." Pagpapakalma niya sa sitwasyon.

"Oh! Andrei nandito ka pala!" Napalingon kami sa tumawag si Mrs. Dela Vega iyon na napawi agad ang ngiti ng makita ako.

Napalunok ako, at nag-iwas ng tingin gusto ko nang umalis dito pero mukhang--

"You're with Yla pala, bakit ka nandito? May appointment ka din?" Sarkastikong pasada niya ng tingin sa'kin, agad nawala ang galit ko at napuno ng kaba ang sistema ko.

Napansin ni Andrei ang pananahimik ko dahil sa sinabi ni Mrs. Dela Vega, naramdaman ko pang nakatingin na si Amanda sa'kin at niyayabangan na ako sa nakakahiyang sa sitwasyon na ito.

"Or are you-" Andrei cut Mrs. Dela Vega.

"Sinama ko lang siya Tita Grace, aalis din kami kaagad pagkatapos ko makausap si Gavin."

Narinig kong napasinghap si Amanda sa sinabi ng kaibigan ko enjoy na enjoy ata sa pagiging tensyunado ko at pagkapahiya.

"Oh, I see hindi na kasi kami nagpapapasok ng mga kalaban sa pamamahay namin." Pahabol niya, "Make it quick I don't think Nico will be happy if he saw her." Napalunok ako dahil sa sinabi niya at pareho kaming iniwang tatlo doon.

Napatingin ako kay Andrei, masuyo na siyang ngumiti sa'kin samantalang isang ngisi ang iginawad ni Amanda bago sumunod kay Mrs. Dela Vega.

"Oh, I think Mommy Grace right you're--"

"Amanda." Si Andrei na pinipigilan ang ilusyunadang babae.

Inirapan niya lang ito bago umalis. Samantalang hinahamon niya ako ng tingin, ni hindi ko makuhang tumaray sakanya dahil napahiya na ako.

"I'll leave sa ibang araw na lang." Nang mapansin naming malayo na sila sa direksyon ko, tumango ako kay Andrei nagaalala para sa'kin, I assured him it's fine.

Hinawakan niya ako, kinagat ko ang pangibabang labi ko hindi ko inaasahang na sa pangalawang pagkakataong pupunta ako sa bahay na ito ganito na ang magiging tungo nila sa'kin.

Invisible Love String | COMPLETED ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon