A year ago, I’m just a normal person na kumakayod sa pang-araw araw na buhay.
Trabaho at Bahay.
‘Yan lang ang kadalasang routine ko sa buong araw, kaya wala na akong time para sa “lovelife” kuno.
Kahit papaano may natitipuhan rin naman akong lalaki, gustong-gusto. Highschool crush ko nga siya eh, umabot ng college at hanggang ngayon. Pero hanggang tanaw sa malayo na lang ako, kasi may mahal siyang iba. Balita ko nga, ikakasal na sila.
Marami rin namang gusto mag-tangka pero never ko silang binigyan ng chance. Except sa ayaw ko talaga sa kanila at may nagmamay-ari na ng puso ko ay wala na akong time para sa ganoong bagay dahil malaki-laking pera rin ang kailangan ko para matubos ang nakasanlang bahay ng aking ina.
Nagkasakit kasi si Nanay kaya wala akong ibang choice kundi isangla ang bahay na iyon, pero wala pang sampung araw ay iniwan niya na ako. Hindi na nakayanan ng katawan niya ang sakit.
Malungkot at nanghihinayang ako ng mga panahong iyon. Hindi ako pumapasok ng trabaho at nilango ang sarili ko sa mga walang kwentang bagay. Ginawa kong escape ang alak at pagmumuk-mok para mawaglit sa isip ko ang problemang dinadala ko. It lasted for months at nang matauhan ako.
Pumasok na uli ako sa trabaho at unti-unting binalik sa dati ang buhay ko.
Bumalik na sa normal ang lahat nang biglang isang araw may matandang lumapit sa desk ko at sinabing ikakasal na ako.
At worst, sa highschool crush ko pa. Paano iyon nangyari?

BINABASA MO ANG
Tears Of The Unwanted Wife [COMPLETED]
RomanceWhat if yung taong mahal na mahal mo, ipakasal sayo? Would it be the best thing happened in your life or it'll be just your worst nightmare? Story started: September 21, 2020 Story ended: October 14, 2020 Book cover: JHRMNMNDZ