"Wha-t do you me-an?" I asked as my tears continued to fall from my eyes.
Hindi niya ako sinagot bagkus ay tinitigan niya lang ako ng mariin ng ilang mga segundo. Akala ko wala siyang balak magsalita pero bahagyang umangat ang kaniyang labi at nauwi ito sa isang nakakakilabot na halakhak.
Humakbang siya papunta sa akin at hinaplos ang buhok ko.
Lalo akong kinakabahan sa ginagawa niya. He's not voicing out his thoughts but his actions are doing it all. He's angry at me and no time from now he's going to explode. At ang mas nakakatakot ay baka saktan na naman niya ako ng pisikal, I can't risk the safety of our baby.
"Alam mo ba kung bakit hindi kita kayang mahalin? ALAM MO BA?!" Sumigaw siya sa huling mga salitang binitawan niya. Bahagya akong nagulat at hindi gumalaw sa kinauupuan ko. Ayaw kong magsalita, baka hindi niya magustuhan ang sasabihin ko at saktan niya ako. Ayokong masaktan ang baby ko.
Umiling na lang ako at ipinikit ang aking mga mata habang patuloy sa pagtulo ang aking mga luha.
Anong klaseng tanong naman iyon. Akala ko pa naman minahal na niya ako, akala ko pa naman may puwang na ako sa kaniyang puso. Akala ko lang pala ang mga iyon.
"Bukod sa ayaw ko talaga sayo dahil sinira mo ang pangarap kong maikasal kay Freya, nararamdaman ko talagang may itinatago kang landi sa katawan mo. Alam kong ginagamit mo lang ako para yumaman ka. Pero hindi ko naman akalain na pati ang lolo ko, pinaikot mo!" Sunod-sunod niyang paratang sa akin habang mariing nakatitig sa aking mga luhaang mata.
Hindi iyan totoo! Hindi ko siya ginamit!
"Hel-ius! Hindi iyan to-too!" Pagpapaliwanag ko sa kaniya. Ngunit sarado na ang kaniyang isipan sa mga paliwanag ko.
Hindi niya ako pinaniwalaan!
Hindi na siya nagtitiwala sakin, wait- ni minsan ba nagkaroon siya ng tiwala sa akin?
Then, I remember the times na hindi siya pumapayag mag desisyon ako para sa bahay. Lalo na kapag kasama na ang pera sa usapan, hindi niya ako hinahayaang mag desisyon. Siguro iniisip niyang nanakawan ko siya ng pera na hinding hindi ko naman kayang gawin. Kahit mag dildil na lang ako ng asin para ulamin, hinding hindi ako magnanakaw.
Wala siyang tiwala sa akin. Scratch that, never siyang nagtiwala sa akin.
Ang sakit lang!
Sa loob ng labing-tatlong buwan na pagsasama namin, ako lang pala ang masaya.
"Hindi totoo?! Akala mo ba hindi ko malalaman? Ginamit mo ako para makuha ang pisteng bahay at lupa niyo sa bangko! Dahil sayo nasira ang mga pangarap namin ni Freya! Dahil sayo iniwanan ako ng babaeng pinaka-mamahal ko! Dahil sayo, nawala ang mga taong mahahalaga sa akin! At tandaan mo, sisiguraduhin ko ring mawawala ang lahat sa iyo! Tandaan mo iyang malandi ka!" Tuluyan ng naging pino ang aking puso dahil sa mga salitang ibinato sa akin ni Helius.
"At akala mo ba hindi ko alam na plinano mong may mangyari sa atin? Para ano? Para magkaroon ka ng parte ng yaman namin? Gagamitin mo ang bata para makakimkim ng pera namin?! Huh? Ganiyan talaga kayong mga hampaslupa! Gagawin ang lahat para makaahon lang sa hirap!" Hindi ko kinaya ang mga salitang binitawan ni Helius at nanlalatang napaupo na lamang sa kama. Anong klaseng lalaki siya at kaya niya akong pagsalitaan ng mga ganiyan? Nakalimutan ba niyang kabuwanan ko ngayon? Nakalimutan ba niyang tao rin ako at nasasaktan?
"Hindi iyan totoo! Hindi ko plinano ang nangyari sa atin! Wala akong planong ganon!" I said between my sobs.
Hinawakan ko ang aking tiyan at tiningnan siya ng nagmamakaawa.
Kahit ngayon man lang, iparamdam niya sa aking hindi ako nag-iisa. Kahit ngayon man lang iparamdam niya sa aking mahal niya rin ako! Sinabi na nga niyang hindi diba? Umaasa ka pa rin?
BINABASA MO ANG
Tears Of The Unwanted Wife [COMPLETED]
RomanceWhat if yung taong mahal na mahal mo, ipakasal sayo? Would it be the best thing happened in your life or it'll be just your worst nightmare? Story started: September 21, 2020 Story ended: October 14, 2020 Book cover: JHRMNMNDZ