Hanggang makauwi ako ng bahay hindi pa rin mag sink in sa utak ko ang nangyari kahapon.
Kung kailan maayos na ang buhay ko ay ‘tsaka naman dumating ang ganitong klase ng problema. Ayos lang sana kung mahal ako ni Helius eh, pero may mahal na iba yung tao. Kawawa naman yung fiance niya. Ano ba naman kasing pumasok sa ulo ng matandang 'yun at plano pa atang hadlangan ang pagmamahalan ng dalawa.
Well, alam kong pabor iyon sa akin. Pabor na pabor. To think that Helius is my all time crush slash love of my life, aba’t ako na ata ang pinaka masuwerteng nilalang sa mundo.
Pero mali eh.
May naa-agrabyado, kahit naman bitch iyong si Freya ay wala naman akong karapatan para saktan ang damdamin niya. Tao pa rin naman siya, nakakaramdam ng sakit.
Kaya palaisipan talaga ang biglang pag-alok sa akin ng matandang iyon. Noon kasi, isa siya sa mga taong total support sa relasyon ng kaniyang apo at ni Freya. Kung pwede nga eh, ipakasal agad niya ang dalawa sa tindi ng suporta niya rito. Pero totoo nga ata ang kasabihang bilog ang mundo at nagbabago ang isip ng isang tao.
Sumasakit ang ulo ko kaka-isip sa posibleng dahilan para ayain ako ng matandang Don ng ganoong kalaking pera at responsibilidad. Hindi naman ako gano’n kayaman, wala silang mapapala sa akin at ‘tsaka wala na rin akong mga magulang kung sakaling negosyo ang habol nila sa akin.
Bigla ko tuloy naalala ang mga magulang ko, kung sana nandito sila may masasabihan agad ako ng mga problema ko. Hays, kamiss naman ng bonding namin ni Mama.
Mama, guide me please.
Usal ko bago ipinikit ang aking mga mata.
Alas singko ng madaling araw nang magising ako dahil sa tunog ng alarm clock. Sumasakit pa ang ulo ko dahil sa puyat kagabi kaka-isip ng mga bagay-bagay.
Ayaw ko pa sanang tumayo at matulog na lang buong araw pero nang maalala kong may pasok pala ako sa trabaho ay agad na akong bumangon at naghanda para maligo.
Ayaw kong ma late, bago pa naman ang boss namin ngayon. Baka mabad shot agad ako, first day pa lang. Worst baka matanggalan pa ako ng trabaho.
6:30 ng umaga ng umalis ako ng boarding house. Medyo malayo pa kasi ang opisinang pinag-tatrabahuan ko kaya kailangan maaga akong umalis. Plus the traffic, kaya saktong sakto lang na ‘di ako ma late sa 8 am work ko.
Sa labas ng opisina, may mga design na balloons na nilagay. Parang opening lang ganon, eh magpapalit lang naman ng boss. Mukhang bago to ah, every end of contract naman nagro-rotate ang mga managers pero ngayon ko lang nakita ang ganito ka-engrandeng paghahanda.
Pagpasok ko sa loob nagulantang ang makinis kong mukha ng makita ko ang aking sarili sa mga tarpaulins.
What the? Anong nangyayari?
Last time I check, empleyado lang ako rito. Hindi ako boss or something. Baka nagkamali lang sila ng pag print gano’n.
Hindi ko na lang pinansin ang mga tarpaulins at diretso-diretsong naglakad papunta sa desk ko.
Kaliwa’t kanan naman ang pagbati sa akin ng mga kasamahan kong empleyado.
“Congrats, Ma’am Kriesha!”
“Good morning, ma’am!”
“Congratulations, Ma’am Kriesha!”
BINABASA MO ANG
Tears Of The Unwanted Wife [COMPLETED]
RomansaWhat if yung taong mahal na mahal mo, ipakasal sayo? Would it be the best thing happened in your life or it'll be just your worst nightmare? Story started: September 21, 2020 Story ended: October 14, 2020 Book cover: JHRMNMNDZ