Dedicated to Blemsue
***
It's been a week since we arrive here in Cateel.
I've been tracing Kreisha's location but I'm having a hard time locating her. Humingi na rin ako ng tulong sa mga malalapit kong kaibigan and even they, walang maisagot sa akin.
She's good at hiding, huh?
What are you trying to play, Kreish? Hide and seek? Tsk...
Kapag nakita kitang babae ka, sisiguraduhin kong pagbabayaran mo lahat ang paghihirap na pinaranas mo sa akin sa paghahanap sayo.
You're not even worth the time, but because of Vero, I'm doing this.
Sa loob ng isang linggo, hindi na rin ako kinulit ng anak ko sa paghahanap ng mommy niya.
Lagi kasi siyang wala sa bahay at naroon kanila Viviene, nakikipaglaro kay Diego. It's a good thing though, nakaka alis ako ng hindi ko pino problema kung sino ang maiiwan kay Vero.
As of Lucas, hindi kami masiyadong nagkaka usap but I think Vivienne already told him my relationship to his sister.
I was driving on my way to our subdivision when someone caught my attention. I quickly followed him at hindi ko namalayang nasa isang Mental Institution na kami.
My brows furrowed when I read the sign indicating that we're in Cateel Mental Institution.
Nang wala akong maisip na maaaring dahilan para mag punta rito ang matandang iyon ay dali dali kong ipinark ang kotse sa parking area at sinundan ang matanda.
Before I get in ay nagtanong muna ako sa guwardiyang nakabantay sa bungad ng institution. Kailangan kong makumpirma ang mga hinala ko.
"Good Morning, Sir. May bibisitahin po ba kayo?"
I nodded and he handed me a visitors card.
"Excuse me, can I ask you a question?" Tanong ko pagka abot niya sa akin ng identification card.
"Ano po iyon, sir?" Magalang niyang sagot, not minding our age gap na halos doble na ang tanda niya sa akin.
"Kilala niyo po ba si Don Agustin Dela Villa?"
"Ah! Si Don Agustin. Aba opo, isa siya sa mga regular na pumupunta po rito." Nakangiting sagot niya na nagpa kunot ng noo ko. Ibig sabihin, noong mga panahong nasa ibang bansa kami, narito pala sa Cateel si Lolo?
"Mawalang galang na po. Alam niyo po ba kung sino ang binibisita niya rito?"
"Hindi ko alam ang pangalan pero magandang babae dalaga iyon at kung hindi ako nagkakamali baka apo iyon ni Don, si Don din lang ang tanging bumibisita sa kaniya."
Lumalakas ang kutob kong si Kreisha ang tinutukoy ng guard pero hanggat hindi ko siya nakikita hindi ako maniniwala. At ano naman ang gagawin ni Kreisha rito? Hindi naman siya baliw at wala naman siyang problema sa pag iisip noong nagsasama pa kami.
"Ilang taon na po ba simula ng dumating rito ang babaeng iyon?" Tanong ko ulit kay Manong guard.
"Mahigit limang taon na ho ang nakakaraan, sir."
***
Pumasok ako sa loob ng institution at tumungo sa visiting area.
Hindi ko makita si Lolo pero ilang minuto and dumaan ay nakita ko siyang lumabas sa isang pintuan.
Agad akong nagtago sa isang pader at siniguradong nakalabas na siya ng visiting area bago tinungo ang pintuang pinanggalingan niya.
Saktong walang nagbabantay sa naturang silid kaya dali dali akong pumasok sa loob.
Akala ko madadatnan ko ang babaeng tinutukoy ng guwardiya pero tanging kamang walang laman lamang ang nadatnan ko pagka pasok ko.
Akmang tatalikod na sana ako at aalis na ng biglang bumukas ang isang pinto at lumabas doon ang isang babaeng nakasuot ng pajama at puting t-shirt. Kapansin pansin ang mukha nitong mugto ang dalawang mga mata, senyales na kagagaling lang nitong umiyak.
Malaki rin ang ipinayat nito at ang dating mala bewang niyang buhok ay wala na.
Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kaniyang mukha. Mukhang hindi na siya nagulat na makita ako. Pero wala rin akong makitang emosyon na bakas sa kaniyang mukha. Nakatitig lang siya sa akin at blanko ang ekspresyon ng mga mata niya.
"Nakita mo ba ang anak ko?"
Bumuka ang bibig ko pero walang salita ang lumabas dito.
"Alam mo, miss na miss ko na ang anak ko. Yung asawa ko kasi, akala niya niloloko ko lang siya. Pero promise hindi ko siya niloko. Nakipag usap kasi sa akin ang Lolo niya na ipakasal daw kaming dalawa, siyempre noong una hindi ako pumayag tapos sabi niya kapalit daw ng kasal naming dalawa ay ang bahay at lupa ng nanay ko na ilang taon ko ng binabayaran sa bangko pero malaki pa rin ang kulang na kailangang bayaran. Limang araw kong pinag isipan kung tatanggpin ko ba ang kasunduan na iyon at nang makapag isip na ako ay tinanggap ko na rin. Hindi lang kasi isang simpleng estranghero si Helius sa akin, matagal ko na siyang gusto. Simula high school pa lang ako. Nawalan na nga ako ng pag asa sa kaniya ng malaman kong may fiancee na pala siya. Hays... Akala ko magiging masaya ang buhay mag asawa namin kasi alam mo, naging mabait na siya sa akin. Hindi na niya ako sinasaktan at nag date pa nga kami, hihi. Noong malaman niyang buntis ako, nagbago na ang lahat. Kahit naiisip kong ginagawa niya lang ang mga iyon dahil sa anak namin ay masaya pa rin ako. Na kahit sandali, maramdaman ko man lang kung paano magmahal ang isang Helius Dela Villa. Teka lang, bakit ka ba nandito? Iniwan ka din ba ng mahal mo? Hehe pasensya na ha madaldal ako hehe. Gusto mong burger? Fries? Milk tea?"
What happened to her? B-bakit siya nagka-ganyan?
"Hala... kawawa ka naman. Halika, maglaro tayo para naman maging masaya ka na. Huwag ka ng umiyak, nakakasama yan sa katawan hahahaha." Saad niya sa akin nang makita ang mga luhaan kong mata na kahit siya man ay mugto rin ang mga mata sa kakaiyak. "Sayang wala dito sila Minmin, may kasama sana tayo pero okay lang marami naman akong mga laruan dito..." Nagpahila ako sa kaniya at pinaupo niya ako sa kama.
Hindi ko matiis kaya tinanong ko siya kung bakit mugto ang mga mata niya.
"Ah, napansin mo pala. Ang galing mo naman. Napaniginipan ko kasing umuwi raw ang anak ko at nagkita raw kami kaya napaiyak ako sa saya at sa lungkot kasi paggising ko wala naman siya. Niloloko ako ng panaginip ko, miss na miss ko na ang anak ko."
Shit!
Why the heck I'm crying?
Okay.
I'm guilty, fucking guilty as hell.
Hindi ko man alam kung bakit nagka ganito siya but a huge part of my conscience says na may kinalaman ako kung bakit naging ganito siya.

BINABASA MO ANG
Tears Of The Unwanted Wife [COMPLETED]
RomantizmWhat if yung taong mahal na mahal mo, ipakasal sayo? Would it be the best thing happened in your life or it'll be just your worst nightmare? Story started: September 21, 2020 Story ended: October 14, 2020 Book cover: JHRMNMNDZ