¦THIRD PERSON'S POV ¦
"Ang sarap ng tulog-- b-bakit ako nakagapos?! K-Kami?" gulat na saad ni Sean habang napatingin din sa mga kasamahan niya.
"A-Ang ingay naman, a-no-- what the f*ck?! Ano 'to?!" naalerto si Frost.
"Calm down, bro. Hindi kami ang may gawa nito." kalmadong saad ni Kylar na katabi lang ni Frost.
Napahinga naman ng maluwag si Frost nang mapagtantong nakagapos din sina Sean at Kylar.
"Anong komosyon na naman ba ang nang-YAYARI?" nanlalaki ang mga mata ni Kai.
"A-Ate wag po, v-virgin pa ako." parang timang na sabi ni Sean.
Napatingin naman sina Frost, Kylar, at Kai sa kanya.
"W-What?" nagtatakang sambit ni Sean. Agad namang nagsi-iwas ng tingin ang mga binata kay Sean.
"W-Wahhh, look! Ate Vheronika, kuya Walter!" parang batang nakadungaw na saad ni Snow. Humangin naman nang malakas at nilapad ang mga buhok nito.
"H-Huh, a-nong," kinusot-kusot pa ni Vheronika ang kanyang mga mata.
"Walter look!" manghang saad ni Vheronika habang nakatingin din sa baba.
Maraming manta rays ang nakapalibot sa malaking barko na tila sinasabayan sila sa paglayag. Mga dambuhalang manta rays.
"Ang ganda, ate Aq--" natigilan si Snow nang mapadako ang tingin kay Aqua. Ngayon niya lang napagtantong nandun din pala sa Walter nakaluhod sa gawi ng kakambal.
"Anong nangyari ba Walter?" lalapit na sana si Vheronika nang mahagilap ng mga mata niya ang nakagapos na mga ungas. "T-Teka, bakit kayo nakagapos?" naguguluhang saad nito.
"V! Kalagan mo kami, now na!" parang baklang saad ni Sean.
"Snow," napalingon naman si Snow sa dako ni Vheronika. Gulat din na napatingin sa itsura ng mga kasamahan. "Halika, tulungan mo ako." tumango lang si Snow at tinulungan si Vheronika na kalagan sila.
Samantala sa dako nila Walter ay inayos at nilinis niya ang sugat sa tagiliran ni Aqua. Masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya. Inisip niya kung saan ba maaaring nanggaling ang sugat na yun.
Nakonsensiya naman siya sa nagawang pagsigaw rito kagabi. 'Sh*t, I'm sorry.' sa isip-isip nito. Pinadaluyan ni Walter ng tubig ang sugat niya habang kumakanta. An incatation, a healing incantation.
Napadilat naman agad si Aqua na tila hinihingal pa ito. Unang bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Walter. Inaaninag kung ano nga ba ang posibleng nangyari hanggang sa kumirot ang sugat niya sa tagirilan.
"F-F*ck," mahinang daing nito.
"Wag ka ngang malikot. Malalim sugat mo, maraming dugong nawala sayo." inalalayan siya ni Walter para umupo sa isang tabi. Samantalang, nakatingin lang si Aqua sa lahat ng ginagawa ni Walter.
"Take this, mapait yan pero mabilis kang makakabawi sa lakas mo." may hawak itong halaman na tila galing sa dagat. Tinignan lang ito ni Aqua. "Don't be stubborn, I know you're tired. Take that and rest." tumayo na si Walter. Nakatingin lang si Aqua sa halaman at kay Walter ulit.
BINABASA MO ANG
The Knightlock Twins : UNFOLDING SECRETS (COMPLETED)
FantasySTATUS: COMPLETED LANGUAGE: TAGLISH Come join the adventures of your not so ordinary twins, together with their friends and foes that will unfold the secrets that lies beyond and beneath. WARNING! : This story may contain strong languages, violence...