¦THIRD PERSON'S POV¦
"Holy cow! Slap me if I'm dreaming," kinakapa ni Sean ang kanyang sarili. "Aww! What was that for Annaise?" napahawak si Sean sa kanyang pisngi.
"Tse! Mag t-shirt ka nga!" masungit na sabi ni Leandrah at umalis sa pwesto ni Sean.
"A-Anong nangyari doon sa loob?" 'di pa rin makapaniwalang sabi ni Walter. Pero imbis na sagot ay matalim na titig lang ang binigay ni Fire.
Matapos ang nangyari sa bulkan ay lumabas na sila sa mainit na paligid na iyon. Sinagip ni Fire ang muntik ng na tustang si Sean sakay sa isang dambuhalang agila. Normal naman ang agila, sadyang malaking malaki lang talaga ito. Normal.
Nakahilata si Frost sa isang tabi. Kasalukuyan namang pinapagaling ni Aqua ang kakambal na lalaki gamit ang tubig na mula sa maliit na lawa. Sa tabi naman nito ay mahimbing na natutulog ang kakambal na si Ice.
"Jackass," mahinang sambit ni Fire habang tinititigan ang mukha ni Frost. "Kahit naman matagumpay yung plano niyong pagpunta sa kabilang banda, kung hindi ako dumating edi hindi ka na din naman makakatawid pabalik. You're all crazy." irap ni Fire kay Sean.
"You should be grateful, siguro kahit ganun. Handa si Sean na isugal ang buhay niya maligtas ka lang." mapait na ngumiti si Leandrah.
"Duh, edi parehas na kaming patay sa ngayon pag nagkataon." naka halukipkip na sabi ni Fire.
"Ladies, please. Wag niyo na akong pag awayan pa. Buhay na buhay pa ako. I owe you miss Fire." ngiting aso na sabi ni Sean.
"You're brave but," pabiro naman siyang sinuntok ni Walter sa braso. "Don't be stupid from now on wolf-man." sa pagkakataong ito, si Walter naman ang gumulo ng buhok ni Sean. Nginitian lang nito si Walter.
Lumapit naman si Sean sa agilang katabi lang ni Fire. Animo'y sinusuri ang bawat piraso ng anyo nito.
"Kraa!"
"Freakin' bird!" gulat na sambit ni Sean. Hinarang pa nito ang mga braso sa mukha.
"Lumayo ka nga sa kanya." irap ni Fire.
"Astig! Saan mo ba nakuha 'to?" namamanghang sabi ni Sean.
"A-Ate Fire!" 'di na napigilan ni Snow ang sarili. Sinunggaban na niya ng yakap ang kakambal.
"Snow." banggit ni Fire saka yumakap pabalik.
"Nag-alala ako Fire-nee." parang batang naagawan ng lollipop na mungkahi ni Snow. Tinapik-tapik lang ni Fire nang mahina ang ulo nito. Napangiti nalang si Fire sa inakto ng kakambal.
"Teka, ligtas na si Fire. Pero mukhang may nakakalimutan ata kayo?" Leandrah butted it. Napatingin naman sa kanya sina Walter at Sean.
"Here." hinawi ni Fire and mabalahibong agila sa kanyang bandang dibdib. Nandun naman ang isang pulang bato na may simbolo ng apoy ang nakaukit sa gitna nito. Maliit lang ang bato. Kasing laki lang ito ng palad ng isang tao.
Pasimpleng kinuha ito ni Fire at hinagis kay Walter. Natatarantang sinalo naman nito kaagad ang bato. "H-Hey! Careful will you?" masama nitong tinignan si Fire. Sinuklian naman ito ni Fire ng irap. Aba'y syempre, magpapatalo ba?
BINABASA MO ANG
The Knightlock Twins : UNFOLDING SECRETS (COMPLETED)
FantasySTATUS: COMPLETED LANGUAGE: TAGLISH Come join the adventures of your not so ordinary twins, together with their friends and foes that will unfold the secrets that lies beyond and beneath. WARNING! : This story may contain strong languages, violence...