¦THIRD PERSON'S POV¦
Nagising si Frost sa isang matinding sakit ng ulo. Nanginginig pa ang kanyang buong katawan sa 'di malamang dahilan. Napabangon siya sa kinahihigaan nang maramdaman nitong nauuhaw ang kanyang lalamunan.
Tinungo niya ang kusina para kumuha ng isang basong tubig. Saka napagdesisyunang pumunta sa sala para simulan ang kanyang umaga. Paliko na sana ito sa may sala pero agad ding napaatras sa bumungad sa kanya.
Ang kanyang taong pinakamamahal sa tanang buhay niya ay nakahiga sa sofa. Kasama ang ibang lalaki habang sarap na sarap sa kanilang ginagawa.
"Tasha..." nabitawan nito ang hawak niyang baso.
'P-Pero b-bakit? Paano mo nagawa sa'kin to Tasha? Paano?...'
Imbes na magalit at sugurin sila ay napatulala nalang ito. Tumakas ang isang butil ng luha sa kanyang mata. Dahan-dahang dumudulas sa kanyang pisngi. Hanggang sa nasundan pa ng isa. Sumunod ang isa pa. May sumunod pa. Isa pa. Isa pa. Dalawa. Tatlo. Apat- walang hupas ang mga luhang nangangarerang nagsisibagsakan.
Tumakbo pabalik si Frost sa kanyang kwarto. Marahas na sinarado ang pinto at dumiretso sa kanyang banyo. Nanginginig niyang binuksan ang gripo. Gigil itong napapahilamos sa mukha- napapahigpit ang kapit sa lababo. Marahas itong naghilamos muli na sana magising na siya sa isang bangungot. Pero hindi. Totoo ito. Nangyayari sa kasalukuyan.
Inis niyang sinuntok ang malaking salamin na kaharap niya. Nakikipagtitigan sa repleksiyon niyang wasak- ngunit wala ng mas wasak pa sa puso niyang nagdurugo. Napapasabunot nalang ito sa kanyang buhok at tuluyang dumausdos sa sahig.
'Gusto kong magalit sayo. Gustong gusto ko. P-Pero bakit ganito? Binabaliw mo ako,'
Napangiti ito nang mapait. Napansin naman nito ang sugatang kamao na pinansuntok sa salamin.
'Tasha, ikaw lang nakakapagpaganito sa'kin. Akalain mo yun, kitang-kita ng mismong dalawang mata ko pero sabihin mo lang na hindi mo yun sinasadya ay maniniwala ako. Maniniwala ako.'
"Frost?" napa-angat ito ng tingin.
'Tasha,'
Nanlalambot ang katawan ni Frost. Nakikipagtitigan lang ito sa taong kaharap niya. Maamo ang mukha nito na parang inosenteng bata. Tatayo na sana si Frost nang bigla nalang umiba ang eksena.
Nasa soccer field siya at kitang-kita ng dalawa niyang mga mata si Tasha sa may kalayuan. May kasama na naman itong ibang lalaki habang masayang nagtatawanan.
'Ano? Nasa bahay lang ako kanina- paanong napunta ako dito?'
Naguguluhan man ay umiba na naman ang eksena. Si Tasha sa café- ibang lalaki na naman ang kasama. Masayang nagkukuwentuhan nang bigla nalang hinalikan siya ng lalaking kasama. Hindi manlang nito tinulak ang lalaki kundi ay humalik pa ito pabalik.
'What on earth is happening, bakit pakiramdam ko nangyari na 'to?'
Kakaiba na ang kutob ni Frost sa mga nangyayari. Hindi niya maipaliwag pero alam niyang may mali. Muli ay umiba na naman ang eksena. Nasa may mall siya- nasa parking lot. Ang pinagkaiba lang ay sila na mismo ang magkasama ni Tasha.
BINABASA MO ANG
The Knightlock Twins : UNFOLDING SECRETS (COMPLETED)
FantasiSTATUS: COMPLETED LANGUAGE: TAGLISH Come join the adventures of your not so ordinary twins, together with their friends and foes that will unfold the secrets that lies beyond and beneath. WARNING! : This story may contain strong languages, violence...