§CHAPTER 24§ : AN AQUATIC SPIRIT

10 1 0
                                    

   ¦AQUA'S POV¦

The fish escorted me to the deepest part of the ocean. You can tell, medyo madilim at malimig na ang tubig dito. I don't care. I'm not scared.

Nang bigla nalang huminto ang isda sa isang tabi. Naaninag ko ito na parang may rehas? Agad kong tinungo ito. Winasak ko ang akalain mong parang selda gamit ang espada ko. Laking gulat ko nalang sa tumambad sa'kin. Pumasok ang isda sa loob dahilan para mas mabigyan ako ng ilaw upang maaninag ang laman nito.

Sirena na walang malay, puno ng galos at sugat ang katawan. Pinagmasdan ko siya, may pagka-berde at pagka-asul ang kulay nito. Imbes na tenga ng tao ay palikpik ang meron nito. Maraming kaliskis sa buong katawan.

Magkakadikit ang mga daliri animo'y sa isang paa ng bibe at mahahaba ang mga kuko. Maski ang mga ngipin niya ay naka-usli. May hasang din ito sa magkabilang parte ng leeg niya. Gumagalaw ang mga hasang niya kaya alam kong buhay pa siya. Naglaho naman ang isdang gabay ko.

***

"I-Isang kalahating tao?" matapos ang paghihintay ay nagising din ang sirenang tinulungan ko. Inihiga ko muna siya sa isa sa mga batong akalain mong hugis higaan.

"Gising ka na. Mabuti naman." ginamot ko na ang mga sugat niya. Hinintay ko lang siyang magising para makabawi ng lakas.

"N-Naniniwala akong ikaw na ang tulong na sinasabi niya." ngumiti ito nang bahagya. Naguguluhan man ay tinulungan ko muna siyang umayos ng upo.

"Tulong? Sinong 'niya' ang tinutukoy mo? Sino ang nagkulong doon sayo?" atat na kung atat pero kailangan ko ng tapusin 'to.

"Ikaw na nga," humigit muna ito ng isang malalim na hininga. "Tahimik pero masayang namumuhay ang mga lahi namin sa siyudad ng Thyslu. Pero may isang sirenong ang nagtraydor at kumampi sa mga shokoy. Habang nagsasaya ang lahi namin sa isang selebrasyon, doon sila sumugod at umatake. Hinuli nila ang inang reyna at ang iba pa naming mga kasamahan." malungkot ang tono nito wari'y inaaalala ang nangyari sa nakaraan.

Teka, shokoy?

"May nagtraydor? Ano ang motibo nito? Saan dinala ang iba mo pang mga kalahi?"

"Hindi ko rin alam, ang masamang sireno ang nagpatapon sa kanila sa kung saan... Nang mamatay ang amang hari, nagtapat ang sirenong yun sa inang reyna ng pag-ibig niya. Subalit, tinanggihan siya ng inang reyna. Paulit-ulit ang nangyari pero sadyang mahal na mahal lang talaga ng inang reyna ang amang hari kaya sumumpa siya na hindi na iibig pang muli."

Pag-ibig. Ganun ba talaga kasaklap dahilan para mag-udyok sa isang nilalang na gawin ang masasamang balak nila? Ganun ka desperado? Gagawin ang lahat kahit ikakasira ng sarili niya?

"Ang korona ng inang reyna, siya ang may hawak sa bato ng tubig."

Napatigil ako sa pag-iisip at napatingin muli sa kanya. Teka, bato ng tubig? Kailan pa nangyari yun? Kung nasa kanila na iyon simula pa noon, ano yung batong hinahanap namin ngayon? Iisa lang ba? O' dalawa? Naguguluhan ako sa mga naiisip ko ngayon.

"Makapangyarihan ang bato kaya kinuha iyon ng kalaban at tinarak sa noo ng hydra upang mapasunod ito sa kung ano man ang kanyang ipag-uutos. Subalit, bigla nalang naging mailap ang hydra sa kanyang amo sa hindi malamang dahilan. Sinira nito ang kaharian namin. Kinitil nito ang lahi ng mga shokoy. Ang nagwawalang hydra ngayon ay kinakatakutan ng lahat ng nilalang dito. Wala ni isang may lakas ng loob na kalabanin ito."

The Knightlock Twins : UNFOLDING SECRETS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon