¦THIRD PERSON'S POV¦
Dahil mainit ang tension ng dalawa, mag-gagabi na rin kaya pinagpaliban na muna nila kung sino ang lulusong sa pusod ng bughaw na karagatan. Matapos ang tila mahaba at walang hanggang byahe, napagdesisyunan ng grupo na magpahinga muna sa isa sa mga kweba na nandun sa isla. Hindi gaanong malaki pero kasya naman sila lahat. Akalain mong camping lang ang peg. Gamit na rin ang mga pagkain na naitabi ng mga maglalayag na pirata sa barko.
"I can't use my fire." iritadong saad ni Firean. Kanina niya pa sinusubukan maglabas ng apoy pero maski maliit na alab wala talaga. Kung iisipin dapat nga na nag-aalab na ang ulo nito.
"Napapalibutan ka ng malawak na karagatan Fire, 'di mo man aminin, kahinaan mo talaga yan." saad ni Kai.
"Shut the hell Kalansay!" mataray na saad ni Fire at lumabas sa kweba kung saan ang mga kakambal nito.
"Kalansay," Vheronika muttered to no one.
"Yun tawag sa'kin ni Fire, Kalansay." napatingin si Vheronika kay Kai pero nakatingin lang ito sa labas.
"Ako na, magkagulo pa." presenta ni Sean.
"Nagpapakabayani na naman ang ating inlababong kasama. Cute." asar ni Kylar.
"Heh! Kesa naman walang apoy, edi hindi tayo makakaluto at kung hindi tayo makakaluto, walang pagkain, at pag walang pagkain, mamatay tayong lahat dito sa gutom!" depensa nito.
"You say lover boy."
Asar si Sean pero hindi na niya pinatulan pa si Kylar. Mang-aasar lang lalo. Sinubukan niya namang gumawa ng apoy pero wala pa ding nangyayari.
"Oh, san na ang apoy?" muli, hirit ni Kylar.
"Ang ingay mo e', ayan tuloy ayaw sumiklab!" maktol ni Sean at sinubukan muli. Tinawanan lang siya ni Kylar.
"Tss, move." utos ni Walter kay Sean na ngayong nasa tabi na niya. Hindi na ito nagreklamo pa at hinayaan nalang si Walter. Nagsalute lang ito saka pumaroon kay Kylar.
"Nyare dun? Bumalik sa pagiging masungit." kunot noo nitong bungad.
"Yaan mo na, nakahanap na kasi ng katapat." naglalarong mga titig ang sinukli ni Kylar kay Sean.
"Si Aqua?" ngumisi si Sean.
"Sino pa ba?" nagtaas baba pa ang kilay ni Kylar.
"Gag* ka Kylar-- Ay p*ta! Naman Walter, gagawa lang ng bonfire para sa pagluluto hindi ang itapon sa'min ang apoy. Tutustahin mo ba kami? Alam ko namang yummy talaga kami pero wag ngayon. Ang gwapo ko pa para mawala." nakaiwas si Sean at Kylar sa apoy na tinapon ni Walter sa kanila.
"Tss." Walter hissed at lumabas din agad sa kweba.
Nagkatinginan naman sina Sean at Kylar saka naghagalpakan ng tawa ang dalawa.
"Nyare sa kanila?" pansin ni Kai.
"Ewan." medyo ilang na saad ni Vheronika. Tango lang ang naisagot ni Kai.
BINABASA MO ANG
The Knightlock Twins : UNFOLDING SECRETS (COMPLETED)
FantasySTATUS: COMPLETED LANGUAGE: TAGLISH Come join the adventures of your not so ordinary twins, together with their friends and foes that will unfold the secrets that lies beyond and beneath. WARNING! : This story may contain strong languages, violence...