§CHAPTER 34§ : GRAND BALL

15 2 0
                                    

¦THIRD PERSON'S POV¦

@|GRAND CENTRAL|

"Bakit nga ulit tayo nakasuot ng ganito?" Aqua sighed, checking out on her outfit. "Required ba talaga to?"

Suot ni Aqua ang isang simple but elegant blue tube fitted dress na below the knee na kumuha ng kurba ng kanyang katawan. Kapares naman nito ay isang three inches glass slippers na may heels. Her short-length hair braided on one side of her head, pinning it above her ear. Blue earrings na pa-alon ang istilo at may light make-up din itong in-apply enhancing the beauty of her eyes na animo'y kalmado lang.

"Duh? Alangan nakadamit pantulog ka sa isang Ball? Tanga tanga nito." Fire rolled her eyes.

Sizzling hot naman ito sa kanyang fiery red dress na abot hanggang lupa. May pa-diagonal ito na parang slit mula sa gitna ng dibdib nito na umiikot sa kanyang bandang tagiliran dahilan para ma expose ang kanyang balat. Her hair tied into a high ponytail. Matching red killer heels naman ang suot nito. Bold and fierce make up na hindi overdo na bumagay sa awra ni Fire.

"Bad mo naman Fire-nee," Snow pouted.

Nakasuot ito ng medyo loose na off-shoulder dress with the color of ombre of greens at dilaw naman pababa na abot two inches above the knee. Naka brown strapped sandals naman ito na abot ang straps hanggang tuhod na animo'y mga halaman na nakapulupot sa kanyang binti. Her hair was on the both sides of her shoulders loosen up. Light make up na nagpatingkad ng inosenteng mukha nito with matching flower crown na gawa sa sanga ng mga kahoy at buhay na mga bulaklak.

"Sa gabing to, ako ang pinakagwapo." Frost smirked.

Arogante pero galanteng look naman ang istilo ni Frost sa pananamit. A white suit under a black blazer, red rose in his suit's pocket paired by a white silky pants with series of gold and silver ornates embedded on the side of his pants. Of course, natural messy hair na di na pinag-abalahang suklayin. Pinaresahan naman ito ng itim at makintab na sapatos. His like the prince charming of your dreams, minus the kahanginan at kayabangan.

Hindi na daw niya kailangang magmake up pa, dahil aniya kahit may panis na laway pa siya sa kanyang mukha ay di mababawasan ang taglay niyang kagwapuhan.

"Hangin," Fire and Aqua muttered.

"Okay lang ba na iniwan natin si Ice-nee dun?" pansin ni Snow.

"Hahabol din yun." kaswal na ani Frost.

"Alam niyo anong sinabi sakin?" Aqua paused. "She said, 'I'm not a twelve year old to attend in that silly prom of yours'." Aqua, trying to mimic Ice's voice.

"So sinasabi niyang isip bata tayo ganun?" Fire, rolling her eyes.

"Baka magtampo yun satin." Snow pouted.

Fire snorted. "Ang sabihin niya, bitter siya dahil walang umaya sa kanya." maarteng aniya.

"Haluh, grabe ka sa kakambal natin Fire-nee," saway ni Snow.

Aqua shrugged. "Well, what do you expect from Ice? Lagi ngang humihiwalay satin yun kahit di ganitong okasyon."

"Hoy tubig! Ang maton mong kumilos, nakadress ka kaya. Duh?" pansin ni Fire.

"Ako pa rin naman to." muling kibit-balikat ni Aqua.

"Sayang naman outfits niyo kung hindi kayo sinundo ng mga escorts niyo." Frost mocked.

"Ha!" Fire hissed. "Edi rawr sa kanila. Sorry nalang sila. Pagsisisihan nilang iniwan nila tayo sa ere pag nakita nila ang beauty ko." Fire smirked.

The Knightlock Twins : UNFOLDING SECRETS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon