Beyond Repair

325 13 8
                                    

If I would think of a word that has various connotations, there is only one that I would easily think of: colors.

Colors cover a wide range of meanings. Colors can mean hues—something that gives life to black and white. Ang kulay ng buhok, kulay ng bestidang suot, kulay ng balat, kulay ng dagat, kulay ng puno o kulay ng dugo.

Colors are emotions. They often say that red means love as black represents anger. Yellow is the color of happiness, while blue is sadness. And, there's white that depicts purity.

Colors can also portray a figurative meaning. Madalas na nababasa sa libro o napapakinggan sa radyo ang gasgas na mga katagang: "Ikaw ang nagbigay ng kulay sa aking mundo." To have a colorful world is to live a colorful life. Ridiculous, yet fascinating to think how colors can embody more than what it literally means.

Colors represent us, people—our true colors. Palaging nagagamit ang kulay sa pagtukoy kung sino kang talaga, kung ano ang pagkatao mo o kung paano ka bilang tao. Ang kulay at ang tao ay konektado.

Sa apat na kahulugan ng kulay, una kong naintindihan ang unang konsepto. Napinta na sa utak ko ang nangyari noong apat na taong gulang pa lang ako.

"Dana! Ano'ng nangyari?" natatarantang tanong ni mama.

I fell off my bicycle. I went out of balance that led me to hurt my knees. Sa kasamaang palad, naging masama ang pagbagsak ko. Iyak ako nang iyak. Hindi ko kaya ang sakit. Maraming dugo ang tumakas na mas nagpalala lang ng pakiramdam ko.

Simula nang araw na 'yon, natakot ako sa dugo. Kapag may dugo, may sakit. Ayoko ng sakit. Ayoko ng dugo.

Doon ko rin nalaman na ang kulay pala ng dugo ay pula. Noon, tinuring kong kaaway ang kulay. Ayaw ko sa mga bagay na pula. Naaalala ko pa kung paanong nabahala si mama kaya ang ginawa niya, binilhan niya ako ng isang kahon ng krayola; iba-ibang kulay at lahat ay magaganda.

I fell in love with colors. I fell in love with art. It turned out to be my life's greatest passion. I was so in love with it that I appreciate the roles of every color. Eventually, I learned to accept red in my life. Red is a powerful color that is almost a necessity in creating a masterpiece. Hindi pwedeng mawala sa bawat sining kong nililikha.

Natutunan ko ang relasyon ng kulay at emotion noong grade 6 ako. I had my first ever crush. The emotion was so strong for my young self, that it had a big impact on me. Mas gumagawa na ako ng assignments at mas sinisipag sa lahat ng bagay. Ibang saya ang hatid sa akin sa tuwing nakikita ko siya.

Totoo nga. Ang pula ay tumutukoy sa puso. Hindi lang sa sakit at dugo.

Pero hindi lang kulay pula ang tunay na naunawaan ko. Nang nalaman kong may iba pa lang gusto ang crush ko, umiyak ako dahil nasaktan at nalungkot.

Naalala kong gumuhit ako ng dalampasigan, gabi at hindi tanaw ang buwan. The dark blue, deep ocean under the black, lonely sky made me understand the reason why they say that they feel blue when sad and wear black when they grieve.

"Ang ganda, lola. Sa inyo po ba ang gown na 'yan?" my 13-year-old self asked my grandmother.

"Oo, apo. Sinuot ko ito noong kinasal ako sa lolo mo," sagot ni Lola Celia habang nakangiti sa puting bestida.

"Puting-puti, hindi ba? Naniniwala kasi ako na ang birheng babae lang ang dapat magsuot ng puting bestida sa altar."

Kwestyonable, kataka-taka. Bagaman bata pa ay naging mahirap sa akin ang maniwala sa kaniya.

"Hangga't maaari, pangalagaan mo ang pagka-birhen mo, apo. Ibigay mo lamang ito sa lalaking pakakasalan mo," bilin niya.

"Si Lolo Andres mo ang una't huling pag-ibig ko at sa kaniya rin ako kinasal. Mas mainam 'yon, Dana. Sana ay iyon ang gawin mo."

Beyond Repair (Beyond Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon