Chapter 6

2.5K 121 2
                                    

Gun's POV

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat kaya naman agad ko siyang itinulak at pinunasan ko ang labi ko. Nasisiraan na ba siya ng ulo? Bakit niya ako hinalikan?

Sinamaan ko siya ng tingin. "Are you out of your mind?"

Ngumisi ito habang nakatingin sa akin. Inilagay niya ang kanang kamay sa bulsa niya habang ang isang kamay ay swabeng hinawi ang buhok niya at bahagya niya ring dinilaan ang labi niya. Napalunok ako. Those sinful lips.

"Out of my mind? Nah, matagal na." Anito sa mababang boses.

Bumuntong-hininga ako. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Give me my necklace at kakalimutan ko na lang ang nangyari kanina."

Tiningnan niya ang kamay ko bago ako. Umiling ito. "Nope. Not gonna happen."

Naiinis na tinalikudan ko ito at napapikit na lang ako sa inis. Nakakainis siya. Ang sarap niyang sapakin.

"Just take my offer at ibabalik ko din itong kwintas na bigay ng mommy mo. It's just a simple yes, Gun a simple yes and everything will be alright."

Hinarap ko siya. "Why?"

"I want you"

"Why?"

He smirked. Lumapit ito sa akin at bahagya akong hinatak palapit sa kanya. "I like you."

Natahimik ako. Napalunok ako ng i-angat niya ang mukha ko at pagdikitin ang mga noo namin.

"I'm serious. I like you Gunter. So? Can you be my boyfriend?"

____________________

Its been two weeks since that happen at two weeks ko na rin siyang pinagtataguan. Oo tinataguan ko siya. Alam kong marami siyang mata sa paligid but still ayoko siyang makita.

Kasalukuyan akong nagtatago dito ngayon sa library dahil nabalitaan ko na umaaligid na naman sa paligid si Cade. Hays. Late na ako sa class ko tapos si Summer walang kwentang kaibigan dahil iniwan ako at naghanap na ng ibang malalandi niya. Kesyo nasa akin na daw si Cade.

"Ang dilim naman dito ang lamig pa." Ani ko ng mapansing ako lang ang tao sa buong paligid.

Naglakad lakad ako habang sumisilip sa mga bookshelf. Sana naman wala siya dito.

Napatigil ako sa paglalakad ng may naramdaman akong nakatingin sa akin mula sa likuran. Napalunok ako at bahagyang napapikit.

Im scared of ghost. Fuck it.

Pinakiramdama ko ang paligid at maya maya pa ay may biglang—

"So? You are here. Hiding from me again, huh?"

His Secret Lover (His Series #1) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon