Chapter 8

2.3K 104 2
                                    

Gun's POV

Nagising ako sa ringtone na nanggagaling sa phone ko. Inabot ko ito at sinagot.

"Hel— "

[ Nasaan ka ba ngayon Gun?! Si dad nasa hospital umuwi ka na dalian mo?! ]

Napabangon ako at mabilis na pinatay ang tawag. Hinagilap ko ang mga damit ko at nagmamadaling nagbihis. Tiningnan ko si Cade na mahimbing pa ring natutulog. Lumapit ako dito at hinalikan sa labi bago umalis.

Nasa hospital na ako at hinahanap ang emergency room.

"Kuya Trigger!"

Mabilis itong tumayo at lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at binusisi ako. "Are you okay? Wala bang nangyaring masama sayo?"

"Huh? Im fine kuya! How's dad?"

Umupo at napayuko na lang. "Hindi ko pa alam. Si Caliber ang nasa loob. Siya ang doctor na nag-o-opera kay dad."

Ng marinig kong si kuya Caliber ang nasa loob ay medyo napanatag ako.

"Si Kuya Caliber? Si mom nasaan?"

Umupo ako sa tabi niya. "Nahimatay si mom nasa room siya ngayon at nagpapahinga."

"Ano bang nangyari kay dad?" Nag-aalalang tanong ko kay kuya.

Bumuntong-hininga ito. "Someone tried to kill dad Gun. May taong gusto siyang pabagsakin. Sa ngayon isa lang ang kilala kong kayang gumawa nito satin."

Kumunot ang noo ko. "And who's that?"

"Ang mga Salazar."

Napatigil ako at natulala sa kawalan. Salazar? Pamilya ni Cade?

"P-Pero paano? Bakit naman nila gagawin yun?" Naguguluhang tanong ko.

"Simple. They want more power."

Lihim akong napamura. Kaya ba ayaw niya akong ipakilala?

"Gunter Hermosa. Alam ko ang namamagitan sa inyo ni Cade Salazar."

Nanlalaki ang mga matang napaharap ako sa kanya. "H-How?"

Pagak itong ngumisi. "Hindi ako tanga Gun saka ano pa't tinawag akong kuya mo kung hindi ko kayo susubaybayan di ba? Maging si Caliber alam 'to. Si mom hindi niya pa alam at wala na kaming balak na sabihin yun dahil relasyon mo yun pero uunahan na kita layuan mo na si Cade bago pa mahuli ang lahat. Sa bandang huli ikaw lang din ang magdudusa."

Magsasalita pa sana ako ng lumabas si kuya Caliber mula sa operating room. Mabilis akong tumayo at nilapitan si kuya.

"Kumusta si dad?" Agad kong tanong.

Umiling ito na dahilan ng kamuntikan ko ng pagbagsak mabuti na lang at naagapan ako ni kuya Caliber.

Napaiyak na lang ako. "K-Kuya! Buhay pa si dad, right?!"

"I'm sorry Gun. Ginawa ko na ang lahat. I'm sorry. Sorry." nanghihinang napasalampak sa sahig si kuya Caliber.

Napahagulgol ako. "No! Si dad!"

Napaiyak na lang ako kay kuya Caliber. Ti-nap niya ang ulo ko. "Si Cade Salazar ang nasa likod ng lahat. Siya ang utak ng lahat sa pagpatay kay daddy at sa kamuntikan ng pagbagsak ng kompanya natin. Siya ang dahilan ng lahat Gun. Kaya gusto ka niyang mapasakanya dahil gusto ka rin niyang gawing pambayad utang ni daddy sa pamilya nila. Gumising ka Gun papatay ka lang din niya. I'm sorry Gun pero iyon ang totoo."

Si Cade?

His Secret Lover (His Series #1) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon