Ito ang lahat ng nakasulat sa aking journal noong ako ay naka-admit sa hospital as COVID19 patient. Ang pagsusulat ng lahat ng mga naranasan at naramdaman ko sa loob ng COVID Ward ay nakatulong ng malaki sa pagbuti ng aking physical, emotional at m...
Nareceive ko ang electric kettle na padala sa akin, kaya sa araw lang na ito ako nakapag steam inhalation ulit. May katagalan ang proseso ng padala ng mga gamit sa hospital. Inaabot din ng isang araw bago mo mareceive ang item. Kung pagkain naman mga tatlong oras bago makuha. May nagreklamo nga na napanis daw ang pagkaing padala sa kanya dahil umaga iyon pinadala pero gabi na nya nakuha. Mayroon ding nagsabi sa akin na kaibingan na may ipinadala raw sya sa akin pero hindi ko naman natanggap, hindi ko narin inabala pa ang sarili ko na ipagtanong iyon. May electric kettle ang dalawa kong kasama sa room pero gamit din nila iyon sa paggawa nila ng tea. Kahit pinapahiram nila ay nahihiya rin akong alisin sa kettle ang mga nakababad nilang lemon tea at wala rin akong mapapagsalinan ng mga 'yon.
May nararamdaman akong plema sa lalamunan ko kaya't nakakaramdam ako ng ginhawa sa tuwing nag-susuob (Steam Inhalation) ako. Maraming sipon at pawis ang lumalabas kapag nagsu-suob at talagang magaan sa pakiramdam.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sa araw na ito bukod sa electric kettle ay na-receive ko din ang balitang nagpositibo sa swab test nya ang aking pinsan. Hindi nila sabay sabay na-swab ang buong pamilya ko. Ang iba ay nang sumunod na araw pa na-swab. Kitang kita ko nang pumasok ang pinsan ko dito sa covid ward. Ang room ko ay katapat lang ng rampa kung saan pumapasok at lumalabas ang mga pasyente kasama ng hospital staff. Sa left wing ito ng hospital at marami akong nasasaksihan dito. Nakita ko nang inihatid nila ang pinsan ko sa loob. Kitang kita ko ang hirap nya sa paghinga at talagang hinang hina sya. Sya ay empleyado rin dito sa hospital kaya for admission din sya. Kinailangan syang lagyan ng oxygen at iswero.
Ngayong araw na ito ay ipina-alam ko narin sa malalapit kong kasama sa Church ang aking sitwasyon. Nakakahiya man pero alam kong kailangan ng pamilya ko ang panalangin. Tiwala akong makakatuwang ko sila sa pananalangin. Bumuhos ang mga mensahe ng pagmamahal at pagmamalasakit para sa akin at sa pamilya ko. Marami ang nagpahatid ng tulong at suporta. Hindi ko lubos akalain na marami pa lang tao ang nagpapahalaga sa amin. Sila ay pagpapala ng Diyos sa buhay ko.
Nakikita ko ang mga aktibidad ng mga nursing attendant sa rampa. Sila ang nagpaparo't parito sa pag dadala ng mga oxygen tank at mga gamit sa ward. Sila ang palaging abala sa pagdadala ng mga kagamitang kakailanganin. Nakita ko na pagod narin sila. May isa akong nakita na sa sobrang kapaguran ay sumakay na lang sa ibinababa nyang wheel chair at nagpadala sa pag andar nito pababa ng rampa. Mayrong isa na bigla na lang umupo sa gilid ng rampa, nagpahinga at sandaling huminto. Talagang hindi matatawaran ang mga sakripisyo ng ating mga frontliners. Sila ang nagdadala sa mga pasyente sa ward for admission at naglalabas din sa kanila kapag pwede nang madischarge.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.