Day 13

23 2 0
                                    

September 3, 2020


7 days after the last swabbing.

Masakit parin ang parte na kinuhanan ng dugo ko kagabi.

Magandang balita dahil nalaman kong nag negative na sa swab nya si ate ang pinsan ko. Nadischarge na din sya kanina. Nabawasan na ang mga kapamilyang inaalala ko. Pero marami parin akong kapamilya na positibo pa sa ngayon. Sila ang laman ng mga dalangin ko.

May isa pa akong idinadalangin, isang bagay na alam kong kailangan kong gawin habang nandito ako sa loob ng covid ward. Kailangan kong ibahagi ang Panginoong Hesus sa mga kasama ko. Pero hindi ko magawa dahil may mga nakaharang na kurtina sa pagitan namin. Para bang ang mga kurtinang iyon ang humahadlang sa akin para makakuha ako ng tamang tyempo na kausapin sila tungkol sa Diyos. Kaya kasama sa dalangin ko na bigyan ako ng Diyos ng "opening", pagkakataon na makakwentuhan ng matagal at seryoso ang aking mga kasama. Hiningi ko na magbukas ang mga kurtina at magkaroon ako ng laya na kausapin sila ng heart-to-heart. Hindi ko na iniisip kung ligtas ba ang pakikipag usap ng matagal sa kapwa ko pasyente. Pero sigurado ako na iingatan ako ng Panginoon at alam kong kailangan ko iyong gawin. Ang totoo, sa loob pa lang ng ambulansa ay naiisip ko narin ito. Dahil wala naman akong masakit na nararamdaman sa katawan ko. Alam kong hindi ko naman kailangan ang hospital admission. Hindi ko kailangan ng oxygen tank sa hospital at hindi ko rin kailangan ng swero para i-admit pa ako. Naisip ko habang nasa ambulansya ako na papunta lang ako sa special assignment sa akin ng Diyos - ang ibahagi Sya sa mga COVID patients sa loob ng COVID ward...


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Journal ng COVID SurvivorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon