Ito ang lahat ng nakasulat sa aking journal noong ako ay naka-admit sa hospital as COVID19 patient. Ang pagsusulat ng lahat ng mga naranasan at naramdaman ko sa loob ng COVID Ward ay nakatulong ng malaki sa pagbuti ng aking physical, emotional at m...
Nagising ako at napuna ko na naman na naalis ang face mask ko. Naka-face mask kasi kaming lahat kahit natutulog. Hindi ito ang unang beses na nangyari ito, sadyang napaka likot ko sa pagtulog kaya hindi ko namamalayang naalis ko ito. Salamat sa peace na binibigay ng Lord, I am able to sleep well sa loob ng covid ward na ito.
11am - I received a call from a doctor that they will extract blood again and it will be sent to the RITM for rapid testing.
6:25pm Magandang balita dahil nag-text sa akin ang anak ni nanay P at ibinalita nito na may mga bago nang kasama ang mama nya sa room. Masaya rin ako na malaman na nagka-usap na silang mag-ina.
Nalaman ko na sinisisi ako ng mga kamag anak namin sa Bicol sa lahat ng ito. They even sent hurtful messages sa mga magulang ko. Hindi ko akalain na gagawin nila iyon dahil sila ang mga unang tao na nagpakilala sa akin sa Diyos. Sila ang nagdala sa akin sa isang Christian church, umaasa ako na mas malawak ang pang unawa nila. Ganun pa man dinadalangin ko na sana magawa nilang magpatawad. Sana mapatawad nila ako...
Nag-text si mama at ibinalitang nag-disinfect ang mga Barangay staff sa mga bahay namin ng pinsan at tita ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Two (2) dgroup members left the group today. As a Discipleship leader, hindi rin ito magandang balita pero kailangan kong tanggapin. Ilang linggo narin akong hindi nakakapag-lead sa kanila dahil sa nangyaring ito sa akin. Mahirap kahit online meeting lang dahil wala akong stable internet connection dito sa hospital. Tinitipid ko lang din ang data ko at ayoko ring maka-istorbo sa mga nagpapahinga kong kasama sa loob ng ward. Ang isa sa umalis ay matagal nang hindi dumadalo sa dgroup meeting. Ang isa ay bagong sali lang at kahit kailan ay hindi pa dumalo sa dgroup meeting. Dalawang linggo narin akong nandito sa hospital, hindi ko masisisi ang mga dgroup members ko kung mawalan sila ng gana sa pag-attend ng dgroup meeting. Habang wala ako ay nag-delagate ako ng mga members na syang magpa-facilitate sa discussion. Masaya akong makita na nagpapatuloy ang karamihan sa mga dgroup members ko kahit wala ako sa meeting. Alam kong ang Panginoon ang nagsu-sustain sa amin.
Nakatanggap ako ng Financial gift from our Pastor and his family. Noong una ay ayoko sanang tanggapin dahil may sapat pa naman akong pera online pero nahiya rin akong tanggihan dahil alam kong gusto talaga nilang tumulong sa akin. Hindi lang sa pananalangin kundi tinulungan din ako ng aming Church sa mga praktical kong pangangailangan. Hindi parin ako pinababayaan ng Panginoon. Hindi kami pinababayaan ng Diyos. Kahit ang malalapit naming kaibigan ay nagdadala rin ng pagkain kina mama at papa. Iniiwan lang nila sa gate ang mga pagkain. Hindi nagkulang ng probisyon ang Diyos sa lahat ng aming pangangailangan.