Ito ang lahat ng nakasulat sa aking journal noong ako ay naka-admit sa hospital as COVID19 patient. Ang pagsusulat ng lahat ng mga naranasan at naramdaman ko sa loob ng COVID Ward ay nakatulong ng malaki sa pagbuti ng aking physical, emotional at m...
5pm Nagkausap kami sa cellphone ni nanay P. Mabuti at natanggap narin nya ang padalang cellphone ng anak nya at natutunan na din nya na gamitin iyon. Masaya akong makausap syang muli at malaman na hindi na sya masyadong umuubo ngayon.
5:30am - May pasyente na namang dinala sa room namin. Nurse din sya sa hospital na ito at galling din sya sa kabilang building. Nagpalipat sya ng room dahil na-discharge na ang mga kasama nya at mag-isa na lang syang natira sa room. Natatakot syang mag-isa dahil may nararamdaman daw syang kakaiba sa loob ng room na iyon. Kaya naman lima (5) na kami sa loob ng room ngayon.
9pm - blood extraction ulit. Hindi bihasa ang kumuha ng dugo ko. Ang sakit, para bang ilang beses syang nagtutusok at kinakalikot nya pa bago kumuha ng dugo. Alam kong hindi rin madali para sa kanila na kumuha ng dugo suot ang kanilang PPE with eye and face protection. Hindi ko lang maiwasang ikumpara sya sa mga naunang kumuha sa akin ng dugo. Sa kanya lang ako nasaktan ng sobra. Hindi ko ininda ang mga naunang extraction sa akin dahil magaan ang kamay ng mga kumuha at nakita kong alam nila ang ginagawa nila. Sa tingin ko baguhan lang sya sa trabaho. Matagal ang pagkuha nya ng dugo at bawat galaw nya ay nasasaktan ako na para bang unti-unti nya akong tino-torture.
Masyado akong nahirapan kaya pag alis nya bigla na lang akong umiyak. Naisip ko kung gaano kahirap ang sitwasyon ko dito:
Postive result parin ang last swab ko..
Ilang beses na akong kinukuhanan ng dugo..
Ilang beses nang na- Xray at na-ECG..
Naka-asa ako sa pagkaing rasyon at mga padala ng kaibigan dahil
Buong pamilya ko ay positibo rin sa covid..
Kailangan ko ring harapin ang mga paninisi sa akin ng mga kamag-anak ko.
Sa masakit na pagkuha ng dugo mas lalo kong naisip ang masakit na kalagayan ko dito sa loob ng ward at ang kalagayan din ng pamilya ko sa loob ng bahay namin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Matagal at mapait ang naging pag-iyak ko. Pero alam ko na lahat ng ito pagsubok lang. O di kaya ay gawa ng kaaway para pahinain ako at patigilin na sa pagtupad ko ng aking misyon. Maaring lahat ng ito ginagamit ng kalaban para makalimutan ko kung sino ang Diyos sa buhay ko at makalimot ako kung sino ako. Ganun pa man alam kong "God is good" at hindi mababago ng anomang problema ang katotohanang iyon. Mabuti ang aking Diyos at Sya ang aking tagapaglitas. I am a beloved child of God, a Christ's ambassador and I have a mission. Alam ko kailangan kong magawa ang misyon ko kahit sa ganitong lugar, kahit sa ganitong kalagayan...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.