August 22, 2020
Araw ng sabado. Tumawag ang hospital na susunduin ako ng ambulansya kaya maghanda na raw ako. Pinalabas ako para salubungin sa kanto 1pm daw ay susunduin na ako. Walang taong nasa labas nang mga oras na iyon. Tila ba binigyan ako ng oras para pasikretong masundo ako ng ambulansya. Matagal bago nakarating ang ambulansya 1:20pm ito nakarating sa kanto na malapit sa amin. Tahimik lang ang eksena ako at ang driver lang ang nasa kalsada noon. Oo driver ng hospital na naka ppe lang ang nagsundo sa akin. Sa tingin ko walang ibang nakakita dahil napaka tahimik lang ng sandaling iyon. Walang mga kapit-bahay na nasa labas, walang mga batang naglalaro sa kalsada at wala ring wang wang mula sa ambulansya. Parang hospital employee lang na nakisabay ng angkas sa ambulansya ang senaryo.
Iba rin pala ang pakiramdam sa loob ng ambulansya sa unang pagkakataon. Walang ibang laman iyon kundi ako at mga kagamitang pang emergency. Muntik pa akong mahulog sa pagkaka-upo ko dahil ang bilis ng patakbo ng driver. Naalala ko na ambulansya ito kaya sanay syang magmaneho ng mabilis para sa mga emergency cases. Gusto kong sabihin sa kania na "kuya nakakahinga pa ako ng maayos. Easy ka lang makakarating din tayo sa hospital". Kumapit ako ng mahigpit sa handle ng sasakyan. First time kong makasakay sa ambulansya kaya naman nag-selfie narin ako at kumuka ng mga larawan sa loob. Sana ito na ang una at huling sakay ko dito.
BINABASA MO ANG
Journal ng COVID Survivor
NonfiksiIto ang lahat ng nakasulat sa aking journal noong ako ay naka-admit sa hospital as COVID19 patient. Ang pagsusulat ng lahat ng mga naranasan at naramdaman ko sa loob ng COVID Ward ay nakatulong ng malaki sa pagbuti ng aking physical, emotional at m...