September 6, 2020
10 days after the lastswab.
12:25am - Ginising ako ng nurse para sa 2nd swab test ko. Nagulat ako dahil inasahan ko na kagaya ng naunang swab, ay ala- singko din ng umaga ako isasalang sa swab. Kaya binalak ko na mag suob ng 4:30am para sakaling makatulong sa pag negatibo ng result ko, pero hindi iyon nangyari. Na swab ako na walang suob, walang gargle. Naisip ko na lang bahala na... Kung ano man ang magiging result nito tatanggapin ko at patuloy lang na magtitiwala sa Panginoon.
=o=o=o=o=o=o=o=
Isang kasama ko ang nag negative na kaya na discharge narin sya kanina. Apat (4) na lang kmi ulit ngayon dito sa room.
=o=o=o=o=o=o=o=
Naiinis ako sa proseso ng pagpapa schedule for re-swab ng pamilya ko. Ilang araw na ang nakalipas pero wala paring reply sa email na ipinadala ko. That's a very sad reality sa sistema dito sa pilipinas lalo na sa mga ganitong pampublikong hospital. Public service should be quality service. Mabuti na lang at may kakilala (kumareng) nurse ang pinsan ko sa loob na syang gumawa ng paraan para makakuha ng schedule sa susunod nilang swab ang parents ko.
=o=o=o=o=o=o=o=
I've been added to a Bible study group of our hospital. It is a Christian Bible Study Group composed of hospital employees. What a joy to know that God is working in the hearts of my co-emplyees. Isa ito sa pinangarap kong makita sa work place ko at sa mga katrabaho - For them to know Christ and be committed to discipleship.
Procedure:
12:25am - Nose swab
8:53pm- Blood extraction na naman. Para saan? Hindi ko parin alam.
![](https://img.wattpad.com/cover/243186413-288-k858655.jpg)
BINABASA MO ANG
Journal ng COVID Survivor
NonfiksiIto ang lahat ng nakasulat sa aking journal noong ako ay naka-admit sa hospital as COVID19 patient. Ang pagsusulat ng lahat ng mga naranasan at naramdaman ko sa loob ng COVID Ward ay nakatulong ng malaki sa pagbuti ng aking physical, emotional at m...