Outside World

23 2 0
                                    

September 9, 2020


Maaga parin akong nagising, nasanay sa routine ko sa loob ng covid ward. Ipinagamit sa akin ang kama ng kapatid ng dleader ko. Sa paglabas ko upang magsipilyo ay nakita kong natulog pala sa sahig ng dinning room ang kapatid nya. Nahiya ako at nag-alala na baka matagalan pa bago ako maka-uwi. Hindi ako pwedeng magtagal sa tahanang ito. Ayokong maka-abala ng matagal sa kanila. Napakabuti nila at talagang may malasakit sa akin.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nagpa-araw ako nang makita kong sumikat na ang araw. Unang beses ito matapos kong ma-ospital nang 18 days. Wala kaming pagkakataon na masikatan ng araw sa loob ng covid ward kaya talagang na miss ko ang maarawan. Matapos mag-almusal ay naglinis ako ng lahat ng gamit ko. Sinabon at hinugasan ko ang lahat ng mga gamit na pina-iwan sa akin sa labas. Isinalang rin ng dleader ko ang mga labahin ko sa washing machine nila. Kahit naglalaba ako at naglilinis noon sa loob ng covid ward ay hindi ko parin maramdaman na talagang malinis ang lahat. Ngayon pakiramdam ko malinis na ulit ang lahat...


8:45pm lumabas na ang 2nd swab result ng pamilya ng pinsan ko, si ate na kagaya ko rin na na admit noon sa hospital. Ang asawa nya, mga anak at ang lola namin ay nag negatibo narin sa covid. Praise the Lord!

Magbabakasyon muna sila sa Antipolo. Maiiwan sa bahay nila si lola kaya sasamahan ko na doon si lola habang nasa Antipolo pa sila ate. Nahihiya rin ako na magtagal pa ng pag stay ko sa bahay ng dleader ko. Napakabuti nila sa akin pero ayoko naman na abusohin yun. Mabuti at nag negative na sila lola at pwede ko sya samahan doon. Ang bahay nayon nila ate ay malapit lang din sa bahay namin. Kahit hindi ko pa makakasama sa ngayon ang parents ko atleast mas malalapit na ako sa kanila kung doon ako pansamantalang mamanalagi sa bahay nila ate.

Nagsinungaling ako na ihahatid ako ng dleader ko sa bahay nila ate. Ang totoo, ayoko magpasundo gamit ang motor. Gusto kong mas maging maingat ngayon. Sa tingin ko mas safe ako kung sasakay na lang ako ng bus.




Journal ng COVID SurvivorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon