September 4, 2020
8 days after the lastswab.
4am - Nasanay na akong gumising ng maaga para mag suob, gargle at uminom ng tubig at vitamins. Sa loob ng Covid ward ang mga ganitong home remedy ang panlaban namin para manatiling malakas ang aming immune system. Umaasang sa susunod na swab ay negative na ang result.
Lumipas na naman ang isang araw sa loob ng ward. Walang anomang nangyayari dito sa loob. Nakaka-inip ang maghintay. Lahat ay naglilibang lang gamit ang mga dalang cell phone. Kung minsan tumatawag kami sa mga kapamilya at kaibigan, madalas ay nanood lang kami ng mga videos o pelikula online o di kaya naman ay bumibisita sa mga social media accounts. Kung minsan tulog lang kami ng tulog. At kung minsan nakakapag-usap din kami kahit sa pagitan ng mga kurtina pero hindi sapat para sa isang heart-to-heart talk na nais kong simulan.
BINABASA MO ANG
Journal ng COVID Survivor
No FicciónIto ang lahat ng nakasulat sa aking journal noong ako ay naka-admit sa hospital as COVID19 patient. Ang pagsusulat ng lahat ng mga naranasan at naramdaman ko sa loob ng COVID Ward ay nakatulong ng malaki sa pagbuti ng aking physical, emotional at m...