August 29, 2020
Masamang balita dahil positive parin daw ang result ng swab ko noong Day 6 ko, Aug 27. Nakakalungkot pero kailangan kong maniwala na matatapos din ito. Kailangan kong bigyan ng pag-asa ang sarili ko dahil walang ibang magbibigay non sa akin dito sa loob. I encourage myself in the Lord. Tuwing nagsu-suob ako, sa loob ng talukbong ko, I speak victory, I speak hope... Kahit ano pang nararamdaman ko, I speak life. I believed God is my healer and He has healed me, He has healed us all.
Naisip ko na huwag na uling gamitin ang toothbrush na gamit ko mula pa nang day 1 dahil baka nakatago lang doon ang virus. Wala akong dalang ekstrang toothbrush kaya toothpaste at daliri ang ginamit kong panlinis ng ngipin ko. Hindi ganoon ka-epektibong panlinis pero alam kong mas ligtas para sa akin. Binanlian ko rin ang mga thumbler, baso at mga bagay na madalas kong gamitin. Maaring sa bawat araw ay iba na ang kondisyon ng aking katawan kaya kailangan kong maglinis ng mga ginagamit ko.
Iyan ang nakikita ko mula sa aming bintana. Walang ingay ng mga oxygen tank ang maririning dito. Kung minsan naririnig lang namin ang ingay ng mga construction worker sa ibaba.
Procedure:
9:55am - Chest X-ray ulit
9pm - blood extraction
BINABASA MO ANG
Journal ng COVID Survivor
No FicciónIto ang lahat ng nakasulat sa aking journal noong ako ay naka-admit sa hospital as COVID19 patient. Ang pagsusulat ng lahat ng mga naranasan at naramdaman ko sa loob ng COVID Ward ay nakatulong ng malaki sa pagbuti ng aking physical, emotional at m...