Day 6

22 2 0
                                    

August 27, 2020


5am ay ginising ako para i-swab sa ilong. Ramdam ko parin ang plema sa katawan ko ng umagang iyon. Pero umaasa ako na magiging negatibo na sa covid ang result nito. Ito ang unang swab test ko sa loob ng COVID ward. Nalaman ko na ang ilan sa mga kasama ko sa ward ay ilang beses nang nagpo-positibo sa kanilang swab test. May nabalitaan pa nga ako na mayroon daw na naka-anim na beses na positive swab bago nagkaroon ng negative swab result. Mahirap daw kasing matanggal ang mga remnant or tira-tirang traces ng virus sa katawan. May mga case na ang mga traces na iyon ang nade-detect parin sa swab test kahit lampas 14 days na ang nakalipas. May mga nandito sa loob ng ward na isang buwan nang naka-admit dahil wala paring nakukuhang negative result.


After lunch ay naka-receive ako ng tawag mula sa City Health Department. Isa itong phone interview na tumagal ng mga 20 minutes. Babae ang kausap ko sa kabilang linya at marami syang tanong tungkol sa mga detalye ng pagkakasakit ko. Tinanong nya kung kanino raw ako nahawa, taga saan ang nakahawa sakin, kailan ako nakaramdam ng sintomas, anong ginawa ko pagkatapos nun, nasaan ako ngayon, sino-sinong nakasalamuha ko, anong relasyon ko sa kanila, anong mga address at phone number nila, nasaan sila ngayon, etc. Nakakayamot na sagutin ang mga pinagtatatanong nya sa gitna ng sitwasyon ko dito sa ward pero sinagot ko na lang din. Wala naman akong magagawa kundi ang makipag-cooperate, baka makatulong pa ako sa pagpapadali ng trabaho nila.


11pm ay may dinala naman silang bagong pasyente sa room namin. Isa itong senior citizen na outsider. Ang akala ko ay para lamang sa mga gaya kong hospital employee ang room kaya nagulat ako nang dalhin nila ang outsider sa loob. Malakas ang ubo nya at halatang nahihirapan sya sa pag ubo. Ang sabi nya tatlong (3) taon narin syang nagda-dialysis at meron syang pulmunya. Sya si Nanay P ( hindi nya tunay na pangalan) kasing edad sya ng nanay ko kaya talagang naawa ako sa kania. Hindi ko makayanang isipin na ang isang senior citizen na nagda-dialysis at may pulmunya ay mapupunta pa sa isang covid ward. Katabi lang sya ng aking kama kaya nag-alala rin ako para sa sarili ko, dahil malakas nga ang pag ubo nya at ako naman ay wala ng anumang malalang sintomas na nararamdaman.  


Procedure:

5am - nose swab

6:20am - blood extraction

8:25pm - blood extraction


Journal ng COVID SurvivorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon