September 7, 2020
Nagulat ako sa respond ng LGU sa covid...no wonder the cases are still high. Ang sabi ng pinsan ko at sabi rin ng asawa ng pinsan ko (magkaibang city ang tinitirhan nila) ay tinawagan daw sila ng City Health Government office at sinabi na hindi na nila kailangang magpa-swab ulit. Basta tapusin lang daw nila ang 14 day period ng quarantine ay pwede na silang lumabas ulit. Isa iyong kalokohan dahil paano malalaman na negative, cleared or magaling na nga sila kung hindi sila magpapa swab ulit? Karamihan sa amin dito sa loob ng covid ward na wala nang sintomas at lampas 14 days na ay naghihintay parin na makakuha ng negative swab result. Bago kami palabasin sinisigurado na hindi na kami panganib sa komunidad. Ngayon ko nalaman na iba pala ang pag handle ng mga LGU sa mga COVID cases. Pinapayagan na nila na lumabas ulit at makihalubilo sa community ang mga taong nag positive basta natapos na nila ang 14 day quarantine nila at hindi na kailangan na magpa-swab pa sila ulit.
Dito na ako sa covid ward inabutan ng 5th year work anniversary ko bilang empleyado sa hospital. Limang (5) taon narin pala ang nakalipas. Hindi ko akalain na sa isang covid ward ako magse-celebrate ng anniversary ko. Hindi naman talaga ako nag-celebrate, may nangyari pa nga na nagpababa ng tingin ko sa sarili ko bilang empleyado. Sinabihan kami na kailangan naming ilipat sa ibang room dahil may VIP daw na gagamit ng room namin. Dalawang Nurse, isang relative ng nurse at ako na isang ring employee ng hospital ang nasa loob ng room na ito. Doon namin nabatid na hindi pa pala VIP ang tingin ng management sa amin - kami na employee at frontliner na na-infect ng covid19 habang ginagampanan ang aming tungkulin.

BINABASA MO ANG
Journal ng COVID Survivor
Non-FictionIto ang lahat ng nakasulat sa aking journal noong ako ay naka-admit sa hospital as COVID19 patient. Ang pagsusulat ng lahat ng mga naranasan at naramdaman ko sa loob ng COVID Ward ay nakatulong ng malaki sa pagbuti ng aking physical, emotional at m...