Chapter 7: Off limits

5 3 0
                                    

Aimi's Pov

Pagkatapos naming mag snack ay babalik na kami sa classroom. Nadaanan namin yung garden na meron yung dalawang pinto. Hmm. Wala naman mawawala kung subukan nating pumasok diba?

Malapit na kami sa classroom nang magsalita ako. "Uhh,guys? Mauna na kayo mag cr lang ako saglit. Sige!" Sabi ko sa kanila.
"Sasama ak-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Lyssia at tumakbo na ako papunta dun sa garden. Hingal na hingal ako kaya inhale...exhale...

Ok this is it. Ano kaya ang una? Yung pula o yung rainbow? Kung yung pula pag pumasok ako dun baka siguradong matutunaw ako sa kainitan. Pag dun sa rainbow sasalakayin ako nang mga evil fairies. Pero sa pagkakaalam ko mabait naman ang fairies ahh. Nang bigla kong naalala si Diana. Yes! She's a fairy!

Wala nang patumpik tumpik pa at pumasok na ako dun sa rainbow door. Pagkapasok ko... "WOW" I said. Napakaganda nung tanawin, tama nga si Jess napakaraming bulaklak na napakaganda at kumikinang pa. Ang mga puno ay punong puno nang mga prutas, at may ilog na may kumikinang sa ilalim na parang dyamante, at iba pa.

Wow napakaganda talaga. Mag imagine lang kayo nang napakagandang lugar yun na yun. Habang tinatanaw ko yung tanawin ay may narinig akong nagsasalita. Nang tumingin ako sa may puno ng mangga andun yung mga fairies!

"The lost princess has arrived!" Sabi nung naka white dress at colorful yung wings...wait hindi kaya si... nang makita ko ang mukha niya bigla ko na lang nasambit ang kanyang pangalan.

"Diana!" I said. Lumingon naman lahat sa akin yung mga fairies. Nag bow naman sila. Pagkatapos ay lumapit na sa akin si Diana. "Princess!" Sabi niya. Ay mukhang napagkamalan niya ako yung prinsesa na tinatawag nila na Ailee.

"Haha. I'm not that princess. My name is Aimi Hale. Haha sa wakas naman na nakita kita ulit." Me

"Me too princess" she said. Princess again. Hay bahala na sila kung ano tawag nila.

"So are you not going to give me some tour around?" Me

"Oh yes! Come I show you around!" She said. Lumapit kami sa may ilog na may dyamante sa ilalim kung bakit daw meron daw ganyan ay dahil ginawa ito nang asawa nung reyna para sa kanya nung unang panahon na nanliligaw pa daw yung hari sa reyna. Ganda naman.

Habang tini tour nya ako ay biglang may tanong na pumasok sa isip ko. "Diana, bakit off limits ang lugar na ito?" I ask her. She look at me.

"Dahil itong lugar na ito ay ang alaala nang pagiibigan nang hari at reyna ng Sakurai. At lahat nang nakikita mo sa iyong paligid ay ang kanyang mga kapangyarihan. Buod niyang pinakawalan ang kanyang kapangyarihan para magawa itong paraisong ito. Kaya ipinagbilinan kami nang reyna na bantayan ito at walang anumang papapasukin dito maliban sa kaniyang pamilya." Sabi niya. Naku po lagot hindi ko naman sila kamag anak.

"Bakit pinapabantayan ito? Wala  naman mawawala kung pumasok ang iba dito." I said.

"Dahil itong paraiso ito ay buhay niya ang nakataya. Kung may isang papasok dito na hindi niya kamag anak at mga masasamang nilalang pag sinira nila ito mapapa sakanila ang lahat nang kapangyarihan ng reyna at yung reyna ay mamamatay." Sabi niya.

Wahh. Grabe ang saklap naman. Pero wala naman akong intensyon na sirain ito eh. Eto ba namang napakaganda sisirain? Napakasama naman nung taong gagawa nun. Tumingin ako sa orasan ko. Cheese and sprinkle! Late na ako!

"Uhh... Diana pasensya na ahh kailangan ko nang umalis eh late  na kasi ako." Me

"You can go whenever you want princess. You can also visit here anytime you want" Diana.

"Hehe. Sige, see you later!" Sabi ko at  lumabas na ako dun. Aalis na sana ako nang makita ko yung pulang pintuan na naka bukas. Hala baka may nakapasok, tumingin ako sa orasan ko. Tss. Late na late rin lang naman ako eh edi lubuslubusin na natin. Pumasok na ako sa pulang pintuan.

Pagpasok ko kulay pula ang una mong makikitang kulay sa paligid. Pulang pula ito pero meron din namang blue,green ay basta mga kulay na meron sa apoy andito na. Mali pala ang pagkakabigkas ni Jess dito eh.

Yung mga bulaklak ay kumikinang, yung ilog kulay pula na merong blue. Ay basta napakaganda. Sabi nila mainit na mainit daw dito eh hindi naman eh.
May nakita akong may naka ukit na mga letra sa nag iisang kulay blue na puno. Nilapitan ko ito at binasa.

Ivan heart Maddie
  FOREVERMORE

tss. Walang forever! Pero sino kaya si Maddie? Hmm. Siguro jowa niya. Akalain mo yun nagka jowa pa yun. Nakatagal kaya yung babae kay Ivan na masungit at walang emosyon? Hay malay natin.

Hahawakan ko na sana pero biglang may humigit sa akin at napalabas ako dun sa lugar na iyon. 

"Ano ba sino ka b?! I-Ivan?!" Me

"What the hell are you doing there?!" Ivan.

********

Do you like the chapter? Sana nga.

I hope you like it.
Vote and comment.
Love you guys!!!

Sakurai Kingdom (The long lost princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon