Chapter 27: I'm sorry

3 2 0
                                    

Aimi's Pov.

Pagkadilat ko nang aking mata ay bumungad sa akin ang napakaliwanag na ilaw. Ba yan nakakasilaw!

Umupo ako nang biglang may nagsalita. "Aimi..." he said. Hay buti naman at gumaan na pakiramdam niya at hindi na siya katulad kanina na parang hindi siya. Yun siguro yung itsura niya nung nagalit siya sa bf ng kapatid niya.

"Hi, welcome back. Buti naman at huminahon ka na" I smiled at him. Ibinaling niya ang tingin niya sa baba at ayaw akong tingnan.

"Aimi... I-I'm really sorry for what happen yesterday. H-Hindi ko lang kasi mapigilan ang galit ko." He said. Huh. So kahapon pa ako tulog. Hayy...

"It's ok, besides when you can't really control your emotion, it will control you no matter what you want to stop it." I said. Grabe haba ng english ko. Kailan pa ako natutung mag english. Nakaka nosebleed eh.

Nakita ko naman siyang ngumiti. Huh. "Marunong ka naman palang ngumiti eh" pagkatapos kong sabihin yun ay biglang niya binago ang expression niya na emotionless again.

"I think I will get going now. May klase pa ako eh. Bibisitahin ka na lang namin pag uwian nanamim." He said at dumeretso sa pintuan pero bago pa siya umalis ay nagsalita ito.

"And also... stay here, huwag kang aalis dito na mag isa." He said at umalis na nang tuluyan. Sa sinabi niyang yun parang may nagtalon talon ang puso ko sa sinabi niya.

Aish! Wala lang siguro yun siguro may sira lang puso ko oo nga ganun nga!

Tumingin ako sa labas parang ang aga pa lang bago sila umuwi siguro matutulog muna ako. Tama. Tulog is the key to success.
Hmm. Tama ba yung sinabi ko? Ay bahala na tulog na tayo! Zzzzzz....

------
Hayy...

Andito ako ngayon I mean kami sa practice room for magic ang stuff. Nag prapractice na silang lahat except ako.

Hay gusto ko din mag practice pero pinagbawalan ako ni Ivan. Ewan ko lang kung may care siya sa akin o ayaw niya lang akong nag practice para wala akong grade aish.

Biglang may tumapik sa kin na ikinasakit konti ng aking puso pero nawala agad. Lumingon ako sa tumapik sa akin at ngumiti naman ako dahil kilala ko ito tumabi siya sa akin.

"Hey,bakit hindi ka nagpra practice?" Nick.

"Ahh hehe. Pinagbawalan kasi ako ni Ivan,hindi ko alam ang dahilan. Oh speaking of Ivan sorry pala sa ginawa ni Ivan nung araw na yun sayo." Me

" *smile* It's ok. I understand naiintindihan ko naman siya. I guess he's just jealous because your with me" sabi niya. Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Si Ivan nag seselos?

"Hahahhaa! Si Ivan? Nagseselos? Hahahaha. No way. Hindi mangyayare yun noh." Me.

"Grabe ka tumawa ahh. Oh well, gusto mo sabay tayo mamayang lunch?" Nick.

"Sure, I wi-" me.

"What are you doing here?" Bigla akong hinila sa likod nito at tinanong si Nick. Gusto kong tabigin ang kamay ni Ivan sa pagkahawak sa akin pero sadyang malakas talaga siya kaya hindi ko kaya.

"Answer me." Seryosong sabi ni Ivan kay Nick. Si Nick naman ay nakangisi lang siya at tinignan si Ivan.

"I'm just hanging with Aimi,what's wrong with that?" Nick.

"You being with her" ivan

"Haha. *looks at Aimi* Aimi, see you at lunch." Sabi ni Nick at umalis na. Hay buti naman at hindi sila lumaban.

Pagkatapos umalis ni Nick ay hinila ulit ako ni Ivan sa may mga weapons. Binitawan naman na niya ako pagkapunta namin dun.

"Uhh, ano gagawin natin?" Sabi ko na nagtataka kay Ivan. Hindi niya ako sinagot at kumuha ng kunai at medyo lumayo sa akin.

Tumingin siya sa akin, kumuha siya ng isang kunai at anf ikinabigla ko naman ay binato niya ito sa akin at buti naman nakagawa ako agad ng ice shield at hindi ako natamaan.

"A-Ano bang ginagawa mo?! Muntik mo na ako mapatay!" Sigaw ko kay Ivan.

"Don't use your powers use some weapons behind you and block my attack,the one who bleeds first, it's the loser" sabi niya. Seryosos ba siya?! Kumuha ulit siya ng isang kunai kaya bigla kong kinuha agad yung bow and arrow,eto ang  kinuha ko dahil medyo ginagamit ko ito noon I'm a member for archery pero hindi natagalan dahil pinaalis ako dun nang dahil sa kapatid kong walang hiya.

Sunod sunod na ibinato sa akin ni Ivan ang mga kunai niya nakakailag din naman ako. Habang sa pagbabato ng kunai si Ivan ay ginamit ko din ang aking armas sa kaniya. And nakakailag din siya na walang kahirap hirap! Eh samantala ako eh nahihirapan na sa kakailag!

Ilang minuto na kami naglalaban at wala pang nasususgatan sa amin. Magpapana na sana ako pero biglang kumirot ang puso ko at kasabay nun ang pagtira ni Ivan kaya nasugatan ako sa kanang braso.

Napaluhod ako sa sakit ng puso ko. B-Bakit? A-Ang sakit!

'Because of me,princess'

S-Sino yun? Sino ka?

'Your nightmare my princess'

W-What? Biglang nawala naman ang sakit ng puso ko at natauhan ako ng may tumapik sa akin.

"Aimi! Ayos ka lang?!" Pagkatingin ko dun ay si Ivan ang nakita ko. Tumango na lang ako at tumayo at umalis na. Siguro dun muna ako sa mga form powers ko.

Ivan's Pov.

Ilang tawag namin kay Aimi nung lumabas siya pero hindi niya kami pinansin. Kanina napansin kong natigilan siya at parang nasasaktan sa puso dahil nakahawak siya sa bandang puso pero ako ay umatake pa ako.

Bwiset! "Jess,Lyssia. Sundan niyo si Aimi. Please" sabi ko sa kanila. Kita ko ang medyo pagkagulat nila sa sinabi ko. Hindi ko kasi ginagamit ang please na word simula nung namatay ang kapatid ko pero kahit ngayon lang para kaya Aimi.

Tumango na lang silang dalawa at sinundan si Aimi. Gusto ko sana na ako ang sumunod kay Aimi pero hindi ko kaya dahil sa ginawa ko.

I'm... I'm sorry Aimi.

Chris Pov

"Hey bro, may tanong lang ako?" Me

"Ano" Ivan.

"Ba't mo ba kinalaban si Aimi at ba't mo tinuloy yung tira mo sa kanya nung halatang may masakit sa kanya" sabi ko.

" *sigh* sorry, pero kailangan ko muna mapag isa." Sabi niya at umalis na.

Ano nangyare dun?

"Uyy, sa tingin mo anong nangyare kay Ivan? Ngayon ko lang ulit narinig ang please at sorry sa kanya eh" Drew.

"Ako nga rin eh" me.

"Hayaan muna natin sila basta bantayan natin si Ivan baka kung ano pang gawin nyan sa sarili niya."

Sabi ni Andrei,tumango kami sa idea niya at malayong sinundan si Ivan.

Habang sinusundan namin siya sa malayo ay biglang huminto siya kaya agad agad kaming nagtago. Umupo naman siya sa bench at ipinatong niya ang kanang kamay niya sa mga mata niya at sumandal.

Ilang beses na siyang bumuntong hininga na parang may iniisip siyang malalim. At dun nabigla kami sa nakita. Umiiyak ito at sinabing...

"I'm sorry... Ivania...Aimi"

*****

I hope you like it!

Just comment if you have something to say and also vote na rin mga guys.

Tnx very much.

Sakurai Kingdom (The long lost princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon