Chapter 2

5.8K 194 37
                                        

Kasalukuyan kaming naghihintay ni kuyang g’wapong attitude rito sa waiting area sa may emergency room ng hospital. Hinihintay naming lumabas ang doctor na tumingin kay kuyang snatcher dahil hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay.

Nakaupo kaming dalawa sa panglimahang upuan. Nakayuko lamang siya habang naka-crossed ang dalawang braso sa kaniyang dibdib.

Hindi kami magkatabi. Hindi naman ako ganoon ka-maharot para magpapansin sa kaniya. Slight lang. Whatever.

Napabuntong hininga ako sa sobrang inip. Kanina pa kami rito. Kaming dalawa lang ang naiwan, kasi may inasikaso pa ang mga pulis. Nang dumating sila kanina ay kinausap lamang nila ang Doctor tungkol sa kaso ni kuyang snatcher. Kinuha na rin nila ang statement ko tungkol sa snatching na naganap kanina para hindi na raw ako ma- hassle sa pagpunta sa presinto. Tinanong nila ako kung magsasampa pa raw ba ako ng kaso kay Manong, ngunit sinabi ko hindi na kailangan. Sila na ang bahala roon.

“Bakit ayaw mong mag-file ng kaso?” tanong sa akin ni kuyang pogi na ma-attitude.

“A-ah…naawa kasi ako kay Manong. Siguro naman nagawa niya lang iyon kasi kailangan nila ng pera para sa pamilya niya,” pangangatwiran ko.

“Tss. Buti naman at nabunggo ko 'yong lalaki kanina, pa’no kung hindi? E di wala kang pera ngayon?” taas kilay na tanong niya sa 'kin.

Ay kuya, kung alam mo lang kung ano’ng laman ng bag kong kinuha ni manong, baka mawindang ka. Hilaw akong natawa sa kaniya.

“Ah. Naku. Wala na 'yon. Wala namang perang laman 'yong bag na nakuha niya.” Hindi ko naiwasang pamulahanan ng mukha.
“Then why did you chase him? Wala naman palang pera 'yon. Sana hinayaan mo nalang. Pa’no kung may kasamahan pala 'yon sa may unahan? E di patay ka?” pabalang na tanong niya.

Concern kuya?

Kinikilig ako! Medyo maharot lang ako kuya, huwag kang ganiyan.

“E…kasi ano…basta ano….” Napakamot ako sa aking ulo. Teka? Ano ba ang isasagot ko? Hinabol ko kasi panty ko 'yong laman ng bag na 'yon? Tangeks! Hindi puwede! Cancel! Delete! “Basta ano… may ano roon...may importanteng gamit ako roon. 'Yon. Tama, tama. Hehe.” Muli ay hilaw akong napatawa. Effective na palusot hindi ba? Sobra!

“Like what?” What? Hindi pa tapos? Hampas ko kaya sa 'yo itong bag na puno ng panty ko kuya?

“A-ano nga…basta importante talaga sa 'kin 'yon. 'Di puweding mawala.” Bumaba ang tingin niya sa paanan ko kung saan nakalagay ang bag ko na kinuha ni Manong snatcher kanina.

Nanlaki ang mata ko nang makitang medyo nakabukas ang zipper nito at klarong nakikita ang tatak ng panty kong So-En.

Yudeeeepuutaaaaaaaa! Kalahuya timo Maria!

“Ah. Importante nga. Sobrang importante na 'di puweding mawala.” Nakakalokong ngumingising saad nito na lalong nagpapula sa aking mukha.

Nang-asar ka pa kuya!

Linte! Kalahuya gid!

Isang hilaw na tawa lang ang nagawa kong isukli sa kaniya.  Tangina. Ang malas ko naman sa araw na 'to. Kotang-kota ka na, Maria!

Hapon na nang nakaalis kami sa hospital. Nagkamalay na rin si Kuyang snatcher. Wala naman daw itong seryosong natamo sa katawan. Nawalan lang daw ito ng malay dahil sa sobrang nerbyos nang nabangga ito ni Kuyang pogi.

Nag-taxi lamang ako papunta sa terminal ng Cavite. Wala pa akong masyadong alam sa lugar na 'to dahil first time ko palang na mapadpad sa Manila at dito sa Cavite kaya sinundo nalang ako ng anak na lalaki ni Auntie Lucy sa may terminal nila.
Pagdating namin sa bahay nila na hindi gaanong kalakihan ay ramdam ko ang buong puso na pagtanggap nila sa akin dito sa pamamahay nila. Mabait ang tatlong anak ni Auntie Lucy. Panganay na anak niya pala iyong sumundo sa akin sa may terminal. 3rd year college na ito sa UP Diliman. Ang nakababatang kapatid naman niya ay kambal na babae. Kasalukuyang nasa grade 6 pa at nag-aaral sa isang pampublikong paaralan dito sa baranggay nila. Ang asawa ni auntie Lucy ay matagal nang wala, apat na taon na ang nakakalipas, ngunit kahit mag-isa nalang si Auntie na bumubuhay sa mga anak niya ay makikita mong masaya sila rito sa maliit nilang tahanan. Halatang napalaki nang maayos ni Auntie ang kaniyang tatlong anak.

 The Probinsyana [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon