Chapter 22

4.5K 118 11
                                    

Sa mansyon muna ng pamilyang Montenegro kami pinatuloy ng kambal dahil iyon ang gusto nila, at para matulungan daw nila akong mag-alaga sa kambal. Sabi kasi ng doctor ay hindi pa raw ako puweding magbuhat ng mga mabibigat dahil baka bumuka ang tahi sa tiyan ko at biglaan iyong dumugo.

Kasama ko ngayon si si Klinton, Kurt at Joey. Aliw na aliw ang tatlo sa pagbabantay ng mga pamangkin nila. Hinayaan ko naman muna sila dahil nag-aayos ako ng mga gamit namin dito sa kuwarto ni Kael.

“He really looks like me, Kuya! Look! Ang layo ng mga mukha niyo!” pagmamalaki ni Joey.

“Ano’ng sa 'yo? Hoy! Mata mo plastik! Kitang kita na ngang sa akin nagmana e! Tss,” segunda ni Klinton na mahinang kinukurot-kurot pa ang pisnge ni Klode.

“Tss. Sumbong ko kayo kay Kuya. Sa kaniya kasi 'yan nagmana! Feeling niyo naman, kayo ang ama nila? Ha?” sabat naman ni Kurt.

Buti pa itong si Kurt. Tss. Saan ba nagmana ang mga anak ni tita at tito, at bakit ganito nalang ka ha-hangin ang mga 'to?

Napalingon ako sa biglaang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Kael. Niluwa nito si Tito Eulicio na malapad ang ngiting nakatingin sa kambal na nasa kama at pinapalibutan ng tatlong anak niya.

“How are my grandsons?” tanong nito na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi. Lumapit ito sa kamang hinihigaan ng kambal.

“Thank you sa magandang genes mo, Dad. Tignan mo, pati mga apo mo ang ga-guwapo!” sabat ni Klinton. Ang hangin talaga.

“Silly. Nasa lahi na natin 'yan, mga anak,” mahangin na sagot ni Tito Eulico.

Ay. Alam ko na, sa 'yo pala nagmana ang mga anak mo tito, hindi lang halata kasi seryoso kayo. Hindi ko inakalang mahangin ka rin pala.

Natatawa ako habang nakikinig sa pinag-uusapan ng mag-aama. Puro kahanginan lang ang lumalabas sa mga bunganga nila.

“Maria,” tawag sa akin ni tito.

“Po?”

“Sabi ng doctor ni Kael, may eye donor na siyang nahanap.” Laking pasalamat ko naman sa natanggap kong magandang balita kay tito. Sana ay makaligtas sa operasyon niya si Kael. “Sa Lunes na ang operation niya. Huwag ka nalang munang pumunta roon. Kailangan ka ng kambal dito at kailangan mo ring magpahinga muna. Kami na ang bahala sa kaniya. Babalitaan ka nalang namin sa magiging resulta. We’re hoping na maging successful iyon. We’ll pray for it.”

“Sana nga po, Tito.... Sana nga po,” pagsang-ayon ko sa sinabi niya.

Para sa kambal, Kael. Kayanin mo.

--

Dumating na nga ang araw na hinihintay namin. Ang araw ng operasyon ni Kael. Kinakabahan ako na hindi ko alam. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nae-excite ako na kinakabahan.

Paano kung hindi niya kayanin?

Paano kung pumalpak ang doctor?

P-paano kung...hindi na siya magising?

Pinagmamasdan ko ang kambal na mahimbing na natutulog kama.

Tuwing nakikita ko ang kambal ay naiisip ko ang mukha ng ama nilang sabik na sabik na makita ang mga anak niya, ngunit masyadong mapagkait ang tadhana. Nagkaroon ng isang trahedya sa buhay namin na naging dahilan para pagkaitang makita ni Kael kung gaano nagmana ang kaniyang mga anak sa kaniya.

Sana naman huwag matuluyang mawalan ng paningin si Kael. Huwag naman sanang tuluyang ipagkait ng tadhana na makita niya ang mga anak niya.

Days and weeks, hanggang sa umabot ng buwan. Hindi pa rin nagigising si Kael. Naging okay naman daw ang operasyon ng kanang mata niya. Naghilom na rin ang mga sugat niya sa katawan noong bumisita ako sa kaniya. Ang sabi ng doctor ay habaan pa namin ang aming pasensya at huwag tumigil sa pagdarasal na sana ay magising na si Kael.

 The Probinsyana [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon