Chapter 14

4.3K 127 1
                                    

Rage Mikael ’s POV

Nagising ako nang may nararamdamang humahalik sa aking leeg. Pagmulat ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Jen.

“Good morning, Babe.” Binigyan niya ako ng halik sa labi.
Nag sink-in sa utak ko ang sinabi niya sa akin. Morning? The fuck?

Binati ko siya pabalik nang nakangiti. Hindi ko pinahalatang kinakabahan ako. Umuwi kaya si Maria kagabi? Nakita niya ba kami ni Jen na magkatabi? Saan siya natulog?

“I prepared something for you, Babe. Let's eat na.” Bumangon kaagad ako at saka nag-ayos ng sarili.

As I finished fixing myself. Bumaba kaagad ako para kumain. The thought of Jen preparing breakfast every morning for me, makes my heart melts.
Naabutan kong naglalagay na ng mga plato sa lamesa si Jen.  A very wife material, indeed.

“Kain ka na. Mali-late ka na sa trabaho mo. Sabi mo last night you still have a lot of paperworks left sa office mo,” Sshe said while smiling widely.

How I love this kind of morning with the girl I love.  Nai-imagine ko na ang bubuohin kong pamilya kasama si Jen.

Naunang natapos na kumain si Jen sa akin dahil nagmamadali rin ito. May photoshoot pa raw siya mamayang 9:00 AM. Naiwan akong mag-isa sa lamesa, habang umiinom ng kape.

“Magandang umaga po, Sir,” si Manang Raquel. Ang mayordoma rito sa mansyon. Nilingon ko ito saka nginitian.
Naalala ko naman si Maria.

“Manang, umuwi ba kagabi si Maria?”

“Opo, Sir. Pero umalis din kaagad. Nagmamadali nga po e. Baka bumalik po sa bahay ng magulang mo, Sir.”
Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa sagot ni Manang.

Nakita niya....

Kinuha ko ang aking cellphone na nakapatong sa lamesa. Tinawagan ko kaagad si mommy para tanungin kung magkasama nga sila ni Maria. Iba na ang pakiramdam ko sa nangyayari. Paano kung naglayas siya?

“Hello, Anak?”

“Morning, Mom. Nandiyan po ba si Maria?”

“Huh? Ang agap naman para pumunta siya rito anak. Wala siya rito.” What the fuck? Sinasabi ko na nga ba.

Pinatay ko kaagad ang tawag kahit hindi pa ako nakakapagpaalam kay mommy. Heck! Saan ko siya hahanapin?!
Tinawagan ko ang private investigator namin para humingi ng tulong na hanapin si Maria. I messed up again! Fuck!

Maria's POV

Dalawang pulang linya. Positive. May buhay sa loob ng tiyan ko. Nagbunga ang isang gabing pinagsaluhin namin ni Sir Kael. Napahawak ako sa tiyan ko.

Anak....

“P-paano 'yan, Maria? Umuwi ka nalang kaya sa asawa mo. Sabihin mo, buntis ka,” si Reese na bakas sa boses ang paga-alala.

“H-hindi puwede. May iba siyang mahal, at hindi ako 'yon.” Napahagulgol ako. Paano na ako nito? “Hindi naman kami kasal e. Hindi na matutuloy dahil nandyan na ang babaeng totoong mahal niya. Pinagkasundo lang naman kami ng lolo niya,” dagdag ko pa.

“Hays! Sige. Kung 'yan ang gusto mo. Mamaya, puwede ka na raw lumabas. Ako na muna bahala sa bayarin dito sa hospital,” ani niya habang hinahaplos ang buhok ko.

“Maraming salamat sa 'yo, Reese. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kailangan kong mag-trabaho para sa pamilya ko, pero hindi ko inaasahang may isa pang kailangan kong buhayin at alagaan.”

“Huwag mo nang isipin 'yan sa ngayon, Maria. Nandito naman ako. Tutulungan kita.”

“Maraming salamat talaga. Babawi ako sa 'yo pagkaluwag-luwag na ako.”

 The Probinsyana [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon