“Itay...,” tawag ko kay itay na nasa duyan dito sa likod bahay namin.Gabi na at nandito pa rin siya sa labas. Kailangan kong makausap si itay. Alam kong galit siya sa 'kin dahil sa ibinalita ko kanina.“Gabi na po. Malamig na rito sa labas. Baka sipunin po kayo,”dagdag ko at tsaka pinatong ang dala kong jacket niya sa balikat niya.
Nanatili lamang itong tahimik at tulala. Nako-konsenya ako lalo. Alam kong mahirap ito para sa kaniya. Hindi madali para sa isang magulang ang magpakasal nang ganito kaagap ang kanilang anak. Sa tagal ng panahon na inalagaan nila ako. Parang hindi pa nila tanggap na bubuo na ng sariling pamilya ang kanilang anak.
“Sorry po, Itay. Kabalo ko akig kamo ni nanay sa akon.” Naiiyak ako. Naku naman.“Alam kong mahirap para sa inyo ito, Itay. Masyado pang maagap para magpakasal ako.” Nilingon niya ako. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata ni itay.
"Ka-bata pa sa imo nak para magpakasal. Bente anyos ka palang, anak."
“Sorry po.” Wala akong ibang masabi. Ano naman ang ira-rason ko? E fixed marriage lang naman ito dahil sa nahuli kami ng mga magulang ni Sir Kael na magkapatong?
"Palangga mo gid siya nak haw? Kailan ba kayo nagkakilala niyan? Hindi ka pa nga umabot ng isang buwan sa Maynila, pagkatapos uuwi ka nang magpapakasal?” emosyonal na tanong niya. Napansin kong may tumulong luha sa mga mata niya. Ayan na nga ang sinasabi ko.
“O-oo, Itay. Mahal ko po siya. M-matagal na po kaming magkakilala ni Kael, Itay. Magka-chat po kami niyan sa facebook," ani ko sabay singhot pa na akala mo may sipon talaga. Pasensya na talaga, itay. Kailangan kong magsinungaling sa inyo ngayon. Patawad po. Kasalanan po ito ni Sir Kael. Kung hindi naman po kasi siya isang malaking manyakis! E 'di sana hindi na umabot sa ganito.
“Kung saan ka masaya, anak
Su-suportahan kita. Kung sasaya ka sa kaniya. Payag na kami ng nanay mo. Siguraduhin niya lang na totoo ang sinabi niyang mamahalin ka niya at aalagaan tulad nang gigawa namin bilang magulang mo,” ani nito, saka ako niyakap. Tatay naman e. Kino-konsensya niyo pa ako lalo.“Maraming salamat po, Itay. Huwag po kayong mag-alala. Tutulong pa rin po ako sa inyo ni Inay, kahit bubuo na ako ng sarili kong pamilya. Hindi ko po kayo tatalikuran. Mahal ko po kayo,” maluha-luha pa kunong ani ko. Pero totoo. Mahal ko talaga sila at hindi ko sila tatalikuran kahit ano’ng mangyari. Luha ko lang ang peke.
“Pero bago kayo magpakasal anak, may gusto sana akong hilingin sa'yo.” Napapunas ako ng luha.
“Pabughaa anay nang bana mo ka kahoy nak. Ginakapoy dugid ko ah,” ani niya na nakapalaglag ng panga ko.
Si Sir?! Magbibiyak ng kahoy?!
Kinaumagahan nga ay nawindang ang lahat sa gustong mangyari ni itay. Galing pa sila sa isang hotel sa Wao dahil hindi sila kasya sa maliit na bahay namin. Nahihiya rin naman kami na rito sila patulugim dahil wala kaming malambot na higaan para sa kanila. Baka sumakit lang ang likod nilang lahat kapag sa sahig sila natulog at isang manipis na banig lamang ang sapin.“The heck? Ang old naman ng tradisyon niyo, Ate Maria. Kawawa ka naman kuya kung gano’n. Ayaw ko naman tulungan ka bukod sa ikaw lang ang sabi ng ama ni Ate Maria, masisira pa ang pinang-iingatan kong guwapong pagmumukha. Maraming babae ang iiyak kung gano’n,” madramang sabi ni Klinton.
“Same, Bro. Same. Kawawa ang mga girls,” pagsang-ayom naman ni Kurt. Aba. Kung hindi ba naman napakalaking mahangin ang dalawang ito.
“Mom. Bakit mo pa ba sinama ang dalawang 'to?” naiinis na tanong ni Sir.
“Aba’y sumama lang naman 'yan anak kasi sabi nila para may back-up ka raw. Pero tama nga naman sila, anak. Masisira ang gwapong mukha ng mga kapatid mo, kaya mabuti pang simulan mo na ang pagbibiyak ng kahoy para maaga ka pang matapos,” ani Tita Letecia saka kinuha ang pangbiyak ng kahoy at binigay ito sa anak.
Laglag panga naman itong tinanggap ni Sir Kael.
“Son. You told me last night you want to prove them that you're sincere right? Then, go,” ani ng ama ni Sir Kael. Natawa naman ako. Ang seryoso ng pagkakasabi nito na parang hindi halatang iniinis pa lalo ang anak.
Alas-singko na ng hapon, ngunit patuloy pa rin sa pagbiyak ng kahoy si Sir Kael. Ang mga walang hiyang kapatid niya naman ay todo cheer pa sa kuya nila.
“Go, Kuya! You can do it! You're a Montenegro! Walang hindi kayang gawin ang isang Rage Mikael Montenegro!” sigaw ni Klinton habang hawak ang isang bucket ng popcorn sa kaliwang kamay.
Kanina pa nila pinapanuod si Sir Kael magbiyak ng kahoy. Pawis na pawis na ito at seryosong nagbibiyak ng kahoy. Noong una ay nahirapan ito kaya tinuruan ko muna, madali lang namang turuan si Sir kaya hindi kalaunan ay natuto na nga siya.
Habang abala ako kakapanood sa kaniyang magbiyak ng kahoy ay hindi ko namalayang lumapit sa akin si Joey, ang bunsong kapatid ni Sir.
“Hi, Ate!” bati niya nang nakalapit ito sa akin.
“Hello.” Umupo siya sa inuupuan kong upuan na gawa sa kawayan.
“Ang gwapo ng kuya ko, Ate 'di ba?" Oo Joey. Ang guwapo ng kuya mo. Crush ko nga e.
“Oo. Nasa lahi niyo na yata ang pagiging gwapo e.” Grabe na bata 'to. Ang cute! Sarap isako at ipaanod sa Maritubog.
“Ate. Nakakagutom ang abs ni kuya, 'di ba?” ani niya na nakanguso sa kung saan ang kuya niya ay abala sa pagbiyak ng kahoy.
Nilingon ko naman ang kinaroroonan ni Sir. Laglag panga ako sa aking nakita. Diyos ko mahabagin! Kitang-kita ko kung paano hinubad ni Sir ang suot niyang branded na t-shirt saka ito pinang punas sa pawis niyang tumutulo sa mukha niya papunta sa abs nitong perpekto ang hulma.
Parang bumagal ang takbo ng oras sa kalagitnaan ng pagpupunas niya.
“Sarap, Ate, 'no?”
“Oo. Mesheeerep,” tulalang sagot ko kay Joey.
“Gusto mo mahawakan, Ate?” Tumango ako bilang sagot. Makasalanang mata. Huwag kang pumikit.
“Gaano ka-sarap, Ate?”
“Parang seasoning. Magic Sarap.” Hutanes! Sarap hawakan naman that body! Pahawak Sir, isa lang!
Ang isang slight na marupok at slight na maharot na tulad ko ay dapat h’wag pagkaitan na humawak ng abs. Bad 'yon.
Tutok na tutok ako sa bawat paghagod ng kamay niyang may hawak na t-shirt at nagpupunas ng pawis sa katawan niya. Sir, bakit ka ganiyan? Amp!
“Ate 'yung laway mo, tumutulo.” Kaagad akong napatingin kay Joey nang tinapik nito ang balikat ko. Mabilis kong kinapa ang gilid ng aking labi ko. May laway nga! May hawak itong panyo at inilahad sa akin. “Punasan mo, Ate. Baka makita ni kuya. Maturn-off sa 'yo,” dagdag niya na ikinataranta ng aking sistema.
LINTE! NAKAKAHIYA!
BINABASA MO ANG
The Probinsyana [Completed]
HumorIlongga Series 1: Rage Mikael Montenegro, kilala bilang isang halimaw sa business world. A typical businessman na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Lahat gagawin makuha lang ang kaniyang gusto, lalo na ang pamana ng kaniyang lolo. Bago niya ito tu...