“What?! Pitong anak ang gusto ng lolo ni Sir Kael?! Baboy yata tingin sa 'yo, gurl!" si Emee saka ito humagalpak ng tawa. Bwesit.
Na-kuwento ko kasi sa kaniya ang nangyari simula sa part na lasing si Sir, hanggang sa naging usapan namin sa bahay nila Sir Kael. Kailangan ko kasi ng advice tapos ito pa ang napala ko, pagtatawanan lang ako. Bitayin ko kaya patiwarik 'to?
“Gapangayo ta advice simo pai! Tapos tatawanan mo lang ako? Hayuf ka, Emee!” Hinampas ko siya sa balikat. Nanggigigil ako sa babaeng 'to ha.
“E kasi naman, gurlalo. Hindi pa tayo gumagawa ng moves para akitin si Sir, pagkatapos, viola! A-anakan ka na ng pito! Papakasalan ka pa! Ang suwerte mo kaya! Papakasalan ka na ng crush mo, h’wag ka nang mag-inarte. Iyong iba nga r’yan hindi na ni-crushback.” Napa-face palm ako sa kaniya.
Ang galing. Ang galing-galing naman mag- advice ng babaeng 'to. Nakakatulong siya, sobra.
Tinaasan ko siya ng kilay sa mga pinagsasabi niya. Oo, crush ko nga si Sir. May balak akong landi-landiin dahil ako ay isang malaking slight malandi, pero hindi ko naman yata in-expect na aabot sa kasalan at a-anak pa ng pito! Paano ko naman sasabihin sa nanay at tatay ko?! Baka atakihin si itay, Diyos ko! Trabaho ang pinunta ko rito sa Maynila, hindi paga-asawa at mag-anak ng pito!
“Bayot. Be practical. Sa panahon ngayon, kapag mayaman, grab agad. Sa hirap ng buhay ngayon bayot! Iyong iba nga r’yan, pumapatol sa MMMM e!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Anong MMMM?” Daming alam ng babaeng 'to. Grabe, hindi ko kinaya.
“Matandang Mayaman na Madaling Mamatay! Ganern!” What?! Papatol sa matanda para lang sa pera?!
“Bad naman 'yan! Ayaw ko namang patulan si Sir dahil lang sa pera, ano! May respeto ako sa sarili ko. Ayaw ko ng ganiyan. Hindi ganiyan ang itinuro ni inay at itay sa amin. Dapat matuto kaming paghirapan ang mga bagay-bagay."
“Ay wow naman! Abait abata naman this bayot uy! Pero 'yon nga. May point ka rin. Baka makarma ka pa kapag ginawa mo 'yan. So, ano na nga? Paano mo 'yan sasabihin sa mga magulang mo?” Kingina naman nito oh!
“Wala pa naman kaming pinag-usapan ni Sir kung papayag ba kami sa kagustuhan ng lolo at magulang niya.” Nagulo ko ang aking buhok na tila pinagbagsakan ng langit at lupa.
“Basta kung ano ang maging desisyon niyong dalawa ni Sir, supportado ko kayo. Number one shipper niyo kaya ako! Imagine, magiging Mrs. ka ng isang Rage Mikael Montenegro! Hot, may abs, umiigting ang panga, yummy, guwapo, mayaman, full package, bayot! Diyos ko!” Binu-buwesit talaga ako lalo ng hinayupak na 'to. Minsan nga ihuhulog ko 'to sa rooftop ng building.
“Baliw. Dami mong alam.” Umirap ako sa kaniya.
Hindi na ulit ako nakapag-duty sa Montenegro Marketing dahil nga sa sinabi ni Sir kahapon noong nahuli niya kami ni Emee sa Maintenance Quarter na pinag-uusapan siya.
Binayaran naman ako ng kompanya para sa isang araw na duty ko. May ipinalit na rin daw sa akin bilang tagalinis ng opisina ni Sir Kael.
Nakausap ko na rin si Auntie Lucy tungkol sa paglipat ko ng trabaho. Noong una ay hindi pa siya pumayag, ngunit kalaunan din ay napapayag ko rin naman siya. Nag-aalala lang daw kasi siya dahil baka abusuhin daw ako ng magiging Boss ko. Tsk. Kung alam mo lang Auntie.
Ngayong araw ang nakatakdang paglipat ko sa bahay ni Sir Kael. Pagkagaling ko sa Montenegro Marketing kanina para makuha ang suweldo ko para sa isang araw na trabaho ay agad akong umuwi dahil sabi ni Sir Kael kanina, kailangan ko na raw na lumipat sa bahay niya.
Hindi ko na dinala lahat ng gamit ko. Isang buwan lang naman ako roon sa bahay niya. Nang matapos akong magligpit ng gamit ay saktong dumating na ang inutusang driver ni Sir Kael para sumundo sa 'kin at ihatid ako sa bahay niya.
BINABASA MO ANG
The Probinsyana [Completed]
HumorIlongga Series 1: Rage Mikael Montenegro, kilala bilang isang halimaw sa business world. A typical businessman na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Lahat gagawin makuha lang ang kaniyang gusto, lalo na ang pamana ng kaniyang lolo. Bago niya ito tu...
![The Probinsyana [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/242719763-64-k488632.jpg)