Narinig kong bumukas ang pinto ng kuwarto ni Sir Kael. Nagmadali kaagad akong nagtalukbong ng kumot para magpanggap na tulog. Naririnig ko ang yabag nitong papalit sa kama. Naramdaman kong lumubog ang kama sa may bandang paanan ko, tanda na umupo si Sir Kael doon.
Maya-maya ay narinig ko ang malalim na buntong-hininga niya bago tumayo at naglakad papalayo. Dinig ko ang pagbukas niya sa pinto ng walk-in closet para makapag bihis. Hindi nagtagal ay narinig ko ulit ang yabag niyang papalapit ulit sa kama kung saan ako nakahiga at nakatalukbong ng makapal na kumot.
Humiga ito sa kama. Hindi ako kumilos para hindi nito mahalatang gising ako. Ayaw kong makita niya ang mukha kong kakagaling lang sa pag-iyak.
"I messed up," wika nito. Naramdaman kong umusog ito papalapit sa 'kin. Nanlaki ang mata ko nang naramdaman ang mabibigat nitong braso na yumakap sa 'kin. "I'm sorry."
Pinakiramdaman ko lang ang susunod na gagawin niya, ngunit wala na. Hindi na ito gumalaw. Nanatili lamang itong nakayakap sa akin at malalim na ang paghinga nito. Baka nakatulog na.
Unti-unti kong inalis ang pagkakatalukbong ko at nilingon si Sir Kael na nakayakap sa likuran ko. Tama nga ako. Nakatulog na nga ito. Sobrang amo ng mukha, akala mo naman hindi mapanakit. Scammer ka, Sir.
Pa-fall timo sir. Niyakap-yakap mo ako ngayon, pagkatapos mo akong e-scam?
Lumipas ang tatlong araw na hindi ako masyadong umiimik kay Sir Kael. Alam kong nagtataka siya sa kinikilos ko this passed few days. Iniiwas ko lang ang sarili ko sa kaniya, baka ma-fall ako lalo at hindi ko na makayanan pang umahon.
"Grabe ka bayot! Hot topic ka ngayon dito sa buong building!" kinikilig na wika ni Emee. Nakalimutan kong ihulog mula sa rooftop ng building kaya ito siya ngayon, humihinga at daldal nang daldal.
"Hayaan mo na. Wala akong pakialam. Peke lang naman lahat ng 'to."
"Asus! Nagdrama ang soon-to-be Mrs. Montenegro! Enjoy mo nalang ang kasalan niyo ni Sir! Aba! Ang suwerte mo nga e, dahil mararanasan mong makasal sa guwapong katulad ni Sir, pero medyo malas din kasi 'yon nga, 'yong kuwento mong narinig mong usapan ni Sir at ng girlfriend niya." Napabuntong-hininga nalang ako sa mahabang sinabi nito. Na-kuwento ko rin kasi sa kaniya iyong tungkol sa mga narinig ko noong isang araw. Tama nga siya. Suwerte na medyo malas. Lagi nalang. "So, ano'ng plano mo na naman ngayon? Tutuloy ka pa ba sa kasalan na 'yan? Baka masaktan ka lang, bayot."
Ramdam ko ang awa niya sa sitwasyon ko ngayon. Kahit pala minsan nakakairitang kausap 'tong si Emee, may maitutulong din pala tuwing kailangan ko ng karamay.
"Itutuloy ko pa rin 'to. Napag-planuhan na lahat e."
"Puwede ka pa namang umatras, bayot! Naku! Kahit bet ko si Sir para sa 'yo, 'di ako papayag na ganituhin ka niya ano! Sa ganda mong-"
"Hindi makakapantay sa ganda ng girlfriend ni Sir," pagpapatuloy ko sa sasabihin niyang pinutol ko.
"Tsk. Ano ka ba! Ang ganda mo kaya! Hindi halatang probinsyana ka, bayot. Ang kinis mo nga tapos ang puti-puti mo pa. Nagmukha kang city girl, kulang nalang magsuot ka ng nga sexy na damit."
"Hays! Bahala na." Wala na talaga akong ibang maisip. Masakit sa 'kin ang maipit sa ganitong sitwasyon. Lalo na at nahulog na ako kay Sir na kasalukuyang may mahal ng iba.
"Kung ako sa 'yo, bayot. Umatras ka nalang. Huwag kang magpaka-martyr! Hayaan mo na si Sir d'yan! Doon siya magpakasal sa babaeng mahal niya, iyon na rin ang anakan niya ng pito! Bahala na sila sa buhay nila," ani niya.
Ano nga ba ang tumutulak sa 'kin para ipagpatuloy pa ang pagpapakasal sa kaniya? Dahil ba sa mahal ko na siya? Linte lang gid.
Rage Mikael's POV
BINABASA MO ANG
The Probinsyana [Completed]
HumorIlongga Series 1: Rage Mikael Montenegro, kilala bilang isang halimaw sa business world. A typical businessman na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Lahat gagawin makuha lang ang kaniyang gusto, lalo na ang pamana ng kaniyang lolo. Bago niya ito tu...
![The Probinsyana [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/242719763-64-k488632.jpg)