Nang gabing nakita ko si Sir Kael at ang girlfriend niyang magkatabi ay parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Umalis ako ng mansyon na wallet lamang ang dala at cellphone. Nang mismong gabing iyon ako umalis. Hindi ko kayang magtagal pa roon. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Umuwi muna ako sa bahay ni Auntie Lucy para kuhanin ang mga gamit na iniwan ko roon. Hindi ko na nakuha ang mga gamit ko sa kuwarto ni Sir dahil baka magising sila at mahuli pa akong nag e-empake ng gamit.
“Ano bang nangyayari, Hija? Gabing-gabi na, ba't ka nag e-empake ng mga gamit mo? Saan ka ba pupunta? Asan na ang asawa mo?” sunod-sunod na tanong ni Auntie. Laking gulat niya nang nabuksan niya ako sa tapat ng pintuan nila kanina.
"Aalis po kami, Auntie. M-may pupuntahan lang. Kailangan ko na pong ilipat ang mga gamiy ko roon dahil 'yon po ang sabi niya sa 'kin, tsaka para makabalik na rin si Kevin dito sa kuwarto niya.”
“Hays. Sige sige. Ngayon na ba kayo aalis?” Tumango ako bilang sagot.
“Ahm... Auntie.”
“Bakit?”
“Manghihiram po sana ako ng pera. Kahit limang libo lang po. May bibilhin sana akong regalo para kay K-kael. Ayaw ko namang manghingi sa kaniya.” Wala na. Napakalaking sinungaling ko na talaga.
“Sige. Tamang-tama. Kaka-suweldo ko lang kanina.” Tumayo ito para kumuha ng pera sa bag niya. Bumalik ito kung saan ako nakaupo habang dala-dala ang hihiramin kong pera.
"Babayaran ko po ito, Auntie kapag nagka-pera na po ako. Nahihiya lang talaga ako kay Kael manghingi kasi pang regalo ko sa kaniya 'yon tapos sa kaniya pa galing ang pera.”
“Sige, sige. Saka mo na ako bayaran kapag may pera ka na. May naitabi pa naman akong pera rito. H’wag mo nang problemahin.”
Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ay nagmadali na akong nagpaalam kay Auntie. Hindi na ako nakapagpaalam sa mga anak niya dahil tulog na ito.
Alas-onse na ng gabi nang nakarating ako sa terminal ng Cavite. Wala ng puweding masakyan dito. Dito nalang muna ako magpapalipas ng gabi. Bukas na bukas, luluwas na ako.
Lord. Kayo na po ang bahala sa akin. Huwag niyo po sana akong pabayaan.
--
“Miss.” Nagising ako nang may maramdaman akong tumapik sa aking balikat. Bumungad sa akin ang isang babaeng sa tingin ko ay kaedaran ko lang. “Gising ka na. Dito ka lang ba nagpalipas ng umaga? Buti hindi ka napagtripan ng mga tambay dito.”
“Salamat ha. Wala na kasi akong masakyan kagabi e. Kaya nagpalipas nalang ako rito.”
“Bakit? Puwede namang umaga ka na pumunta rito. Saan ba ang punta mo?”
“E-ewan. Hindi ko alam.”
“Ha? Bago ka lang ba rito?” Gulat na tanong nito.
“Naglayas ako sa amin.” Nakayukong sagot ko.
“Hala. Mas mabuti pang sumama ka nalang sa akin. Kawawa ka naman. Doon ka nalang muna sa apartment ko. May trabaho kasi ako ngayon e.”
“Hala. Maraming salamat.” Sinama niya nga ako sa apartment niya. Maliit lamang ito. Sakto na para sa pandalawahang tao.
“Pasensya kana ha. Maliit lang ang apartment ko. Hinid ko kasi afford ang ibang apartment dito. Ang mamahal kasi,” wika ni Reese.
Napag-alaman kong naglayas din sa pamilya niya si Reese dahil sa personal na isyu nila. Hindi na rin ako nagtanong dahil ayaw ko namang manghimasok sa buhay nila.
“Okay lang, ano ba. Okay na sa akin. Ang importante may matutuluyan ako.”
“Sige. Alis muna ako, may duty pa ako sa karenderya na pinagtatrabahoan ko. Puwede mong ilagay sa bakanteng cabinet ang mga gamit mo. Magluto ka nalang din ng puwede mong kainin. May mga groceries ako r’yan. Huwag kang mahihiya ah. Feel at home.” Tumango ako sa kaniya. Ang suwerte ko naman, at may nakilala akong tutulong sa akin. Hindi ako pinabayaan ng panginoon. Tama nga ang sabi nila. Believe in God's grace.
“Ahm... Reese. May bakante pa ba sa work mo? Baka puwedi mo akong ipasok d’yan. Kailangan ko ng trabaho, para naman makatulong ako sa ’yo sa gastusin dito.”
“Ay tamang-tama! Naghahanap ng dish washer ang amo ko. Okay lang ba sa 'yo 'yon?”
“Okay na sa akin 'yan. Basta marangal na trabaho.”
“Sige, sige. Bukas na bukas, dadalahin kita roon. Sa ngayon magpahinga ka muna riyan,” ani niya saka ito nagpaalam na aalis na.
Naiwan akong mag-isa sa kaniyang apartment.
Inay, itay. Pasensya na po. Wala na akong maisip na gawin. Hayaan niyo po. Magta-trabaho ako nang mabuti para may maipadala ako sa inyo riyan sa probinsya.
Kinabukasan nga ay dinala ako ni Reese sa pinagta-trabahuhaan niyang karenderya. Malapit lang ito sa terminal kung saan niya ako nakitang natutulog.
“Sige, Hija. Puwede ka nang magsimula bukas,” ani ng amo ni Reese na si Tita Ana. Ang may-ari ng karenderya.
“Puweding ngayon na po? Wala po kasi akong magawa e.”
“Sige. Reese, ituro mo siya sa kusina. Ikaw na ang bahala r’yan at may gagawin pa ako,” sabi nito sabay ngiti sa akin bago umalis.
Sumunod naman ako kay Reese papuntang kusina. Itinuro sa akin ni Reese kung saan nakalagay ang mga stocks nilang sabon at kung saan nilalagay ang mga nahugasan ng mga kagamitan sa kusina.
“Tatlo kayong dish washer dito. Sa dami ng mga huhugasin, hindi mo kakayaning mag-isa.”
Pinakilala rin ako ni Reese sa mga kasamahan nila rito sa karenderya. Halos mababait ang mga tao rito. Naging close ko na agad silang lahat.
“Reese, CR muna ako ha. Naiihi ako e,” paalam ko.
“Sige, samahan na kita. Ituturo ko sa 'yo ang CR dito.” Habang naglalakada kami ay nakaramadam ako ng pagkahilo. Para akong masusuka na ewan.
“Maria? Okay ka lang ba?” nababahalang tanong niya sa akin.
“Oo. Okay lang ako. Mababa na naman siguro ang dugo ko. Nandidilim na naman ang paningin ko.”
“Pa-check up ka kaya. Papahiramin muna kita habang wala ka pang suweldo.” Umiling ako sa alok niya.
“Huwag na. May gamot naman ako para sa anemic ko.” Tumango siya sa akin. Hahakbang na sana ako ulit nang bigla akong naduwal. Tinakpan ko ang bunganga ko dahil ayaw kong masuka sa sahig dito sa kusina.
Agad akong lumapit sa may lalabo saka roon nagsusuka. Parang naisuka ko na ang aking bituka. Puro laway lamang ang naisusuka ko.
Ano ba ang nakain ko? Bakit sumama bigla ang tiyan ko?
“Naku, Maria. Okay ka lang ba talaga?” Naga-alalang tanong ni Reese sa akin. Naghilamos at nagmumog ng bibig.
“Nahihilo ako na hindi ko alam. Wala naman akong kinain na iba, pero bakit sumama yata ang tiyan ko.” Hinaplos ko ang aking noo. Ang sama ng pakiramdam ko. Kaninang umaga pa 'to pagkagising ko. Ang bigat ng katawan ko.
“M-may tanong ako, Maria. Huwag kang ma o-offend ha,” ani niya na parang nagda-dalawang isip kung itutuloy niya ba ang kaniyang sasabihin.
“Ano 'yon?”
“Buntis ka ba” Para akong nanigas sa naging tanong niya. Naalala ko ang gabing nakuha ako ni Sir Kael.
N-nagbunga ba? Nagbunga ba ang nangyari sa amin ng gabing 'yon? Naramdaman kong tumulo ang aking mga luha.
A-ano nalang ang gagawin ko? Paano ko bubuhayin ang bata kung sakaling buntis nga ako?
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
BINABASA MO ANG
The Probinsyana [Completed]
HumorIlongga Series 1: Rage Mikael Montenegro, kilala bilang isang halimaw sa business world. A typical businessman na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Lahat gagawin makuha lang ang kaniyang gusto, lalo na ang pamana ng kaniyang lolo. Bago niya ito tu...
![The Probinsyana [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/242719763-64-k488632.jpg)