“Tita, sagutin niyo pa ang tanong ko,” naiiyak na tanong ko. Kinakabahan ako sa magiging sagit ni Tita Letecia.
Yumuko ito bago ako binigyan ng sagot sa katanungan ko. Nakita ko ang masaganang pagbuhos ng kaniyang mga luha na mas lalong nagpakaba sa akin.
“He's in comma. Masyadong malala ang natamo niya sa aksidente dahil sa pagyakap niya sa 'yo para protekhan kayong mag-ina.” Mas lalong bumuhos ang luha ko sa narinig kong sagot ni Tita.
Bakit kailangan pang mangyari sa amin ito kung saan makikita niya na sana ang mga anak niya? Naalala ko kung gaano siya sa excited na makita ang kambal. Tapos ganito pa ang nangyari sa amin, sa kaniya.
“May nakuhang basag na salamin malapit sa kaniyang mata. Ang sabi ng doctor ay kailangan siyang ma-operahan dahil may pumasok na iilang bubog sa kaniyang kanang mata. Natatakot ako para sa anak ko, Hija. Para sa mga apo ko, sa inyo,” humahagulgol na ani nito.
Tulala ako sa mga naririnig ko mula kay Tita Letecia. Niligtas niya kami ng mga anak niya. Hindi bali nang siya ang masaktan, ang importante ay ligtas kami ng kambal. Ang sakit isipin na kung kailan lumabas na ang kambal ay doon pa siya na-comma.
“Puwede ko po ba siyang puntahan Tita? Kahit saglit lang po.” Sabay punas ko sa mga luha kong patuloy lang ang pagdaloy sa aking pisngi. Ayaw nitong tumigil na tila isang sirang gripo.
“Baka mabinat ka, Hija.”
“Okay lang po ako, Tita. Kaya ko na po. Kailangan ko lang po siyang makita. Nag-aalala po ako sa anak niyo.” Bumuntong hininga ito saka tumango. “Maraming salamat po.”
--
Pagpasok ko pa lang sa ICU habang naka-wheelchair ay bumuhos na agad ang mga luha sa aking mata. Nakita kong nakahiga sa hospital bed si Kael habang may mga nakakabit na aparatus sa katawan nito. May benda sa mukha, na may maliit na bahid ng dugo. Puno ng galos ang mga braso. Mas lalo lamang akong naiyak sa nakikita kong ayos ni Kael ngayon.
Itinulak ng nag-aassist sa aking nurse ang wheelchair ko papalapit sa hospital bed kung saan nakahiga si Kael. Nang nakalapit ako, ay kaagad kong hinawakan ang kamay nitong may nakaturok na dextrose. Maputla ang balat nito.
“Kael...okay daw 'yong kambal. Ang sabi ni Tita, parehas daw lalaki. Tama nga ang hinala mo. Sa 'yo talaga sila nagmana. Hindi ko pa sila nakikita kasi ikaw agad ang unang gusto kong puntahan. N-nag-aalala kasi ako. S-salamat sa pagligtas mo sa amin ng mga anak mo,” ani ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
Nasasaktan ako ngayon Kael. Alam mo ba 'yon?
“Lumaban ka para sa mga anak mo ha? 'Di ba, excited ka nang makita sila? S-sabi mo... sabay tayong mamimili ng gamit nila. Kaya magpagaling ka agad ha? Hihintayin ka namin ng mga anak mo.” Hawak-hawak ko parin ang maputla niyang kamay.
Aamin pa nga ako sa 'yong nahuhulog na ako at papayag na akong magpakasal sa 'yo. Payag na ako sa gusto ng girlfriend mo. Puwede niyong e-annul ang kasal natin kapag nakuha mo na ang mana mo.
Natigil ako sa iniisip ko nang may biglang nagbukas ng pinto rito sa loob ng ICU. Niluwa nito ang babaeng nakasuot ng hospital gown at may suot na hospital mask. Kahit na natatakpan nito ang mukha niya ay nakilala ko pa rin kung sino iyon.
Jen....
Napaatras ako nang bigla itong sumingit sa kung saan nakapuwesto ang wheelchair ko. Nabitawan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Kael. Kaagad na niyakap ni Jen ang nakahigang si Kael. Malakas ang naging iyak nito, halatang nasasaktan sa nangyari sa kaniyang boyfriend.
“Oh my God! Rage...,” naiiyak na banggit niya sa pangalan ni Kael. First name basis.
Nanatili lamang akong tahimik na umiiyak at nanunuod sa kung paano yakapin at haplusin ni Jen ang walang malay na si Kael. Nakakainggit ang pagmamahalang mayroon sila.
BINABASA MO ANG
The Probinsyana [Completed]
HumorIlongga Series 1: Rage Mikael Montenegro, kilala bilang isang halimaw sa business world. A typical businessman na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Lahat gagawin makuha lang ang kaniyang gusto, lalo na ang pamana ng kaniyang lolo. Bago niya ito tu...
![The Probinsyana [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/242719763-64-k488632.jpg)