Chapter 1

7K 186 47
                                    

Kasalukuyan akong nag i-impake ng mga damit ko dahil bukas na ang punta ko sa Manila para maghanap ng trabaho. Mahirap kumita rito sa probinsya ng pera, at kung may trabaho man na p’wede ako, ay hindi naman sapat ang kita. Isang magsasaka ang itay at isang labandera lamang si inay. May tatlo pa akong nakababatang kapatid na nag-aaral sa elementarya.

“Maria. Mag-iingat ka roon ha. Waay bala kami ni tatay mo didto. Alagaan mo ang sarili mo ha.” Hindi naiwasang maiyak ni Inay habang sinasabi 'yon.

“H’wag na nga kayong umiyak, Inay. Baka 'di na ako matuloy bukas sa kakaiyak niyo ni Itay. Para din naman sa atin 'to e,” garalgal na boses na sagot ko sa kanya.

Naiiyak na rin ako. Nalulungkot ako na malalayo ako sa kanila, ngunit wala akong pagpipilian, kailangan kong magtrabaho para matulungan sila sa pag papaaral ng tatlo ko pang kapatid. Ako ang panganay, kaya ako ang nag-iisang puweding tumulong sa kanila.

“Pasensya ka na anak. Sana kung naging mayaman lang tayo. E di sana nasa paaralan ka na ngayon, nag-aaral,” si tatay na namumula na rin ang mga mata.

“Kaya nga po kailangan kong lumuwas ng Maynila, Itay. Para makatulong ako sa inyo. Okay lang naman sa 'kin kahit 'di ako makapagtapos ng pag-aaral, ang importante ang mga kapatid ko, Itay, Inay.” Mas lalo lamang silang naiyak sa sinabi ko. Hays! 'Di ko talaga trip ang puro drama sa buhay. Dapat always positive. No. No. Negative!

“Ang suwerte namin anak at binigyan kami nang Diyos ng anak na kagaya mo. Sobrang bait,” si inay saka ako niyakap nang mahigpit.

“Mam-miss ka namin anak. Maghalong ka gid didto ha?” ani itay saka niyakap kami ni inay.

Kinabukasan ng madaling araw ay sinamahan ako nila papuntang terminal dito sa Banisilan, isang munisipalidad dito sa North Cotabato.

“Anak ha? Ang mga bilin namin sa 'yo h’wag mong kakalimutan,” pahabol ni inay. Tumango naman ako. Ayaw ko nang magsalita pa ng kung anu-ano, at baka maiyak lang ulit ang dalawa.

“Sige Inay, Itay. Sasakay na po ako. Ingat po kayo pauwi.” Kumaway ako sa kanilang dalawa habang papasakay na ng bus papuntang Davao.

Nang nakasakay na ako ay kaagad akong naghanap ng puweding maupuan. May nakita akong bakante sa front seat kaya roon ko napag-desisyunang maupo. Puwede na 'tong puwestong 'to, para hindi ako masuka habang nasa biyahe. Hindi kasi ako sanay sa mga long distance na biyahe tulad nito.

Saktong alas-siyete ng umaga ay dumating na ang sinasakyan sa bus terminal dito sa Davao. Pagbaba ko ay agad akong naghanap ng masasakyang taxi papuntang airport. 11 AM ang flight ko kaya dapat ay nandoon na ako ng 9 AM.

Pagdating sa airport ay agad akong naghanap muna ng puweding kainang karenderya. Kailangan kong kumain para hindi ako masuka sa loob ng eroplano. Budlay ning dagaton ta bala ah.

May nakita akong isang maliit na karenderya, kaya roon na ako kumain. Um-order ako ng dalawang serve ng kanin at isang serve ng ulam na ampalaya na may itlog. Paborito kong ulam. Magana akong kumain dahil medyo gutom na rin ako dahil sa haba ng biyahe.

Sumapit ang alas-nuwebe ay kailangan ko nang pumasok sa loob ng airport para maghintay na tawagin ang flight number ko.

Alas-onse. Sa wakas at tinawag na rin ang flight ko papuntang manila.

Dala-dala ang isang maleta, isang bag pack at paper bag ang bitbit ko habang naglalakad papasok ng eroplano.

Goodbye for now Mindanao.... Bayan kong sinilangan. Tanahan ng mga Diyosa!

--

My God! Kahit busog ako, nasuka pa rin ako habang nasa biyahe! Deponggol nga ubra! Pakiramdam ko nasuka ko yata lahat ng kinain ko kanina.

 The Probinsyana [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon