Chapter 19

4.8K 112 5
                                        

“Freaking hell,” bulong ni sir bago nawalan ng malay.

“SIR!” sabay na sigaw ng doctora at ni Emee.

Twins...

Kambal...

Kaluha...

Kapid...

“If you’re wondering Misis, kung bakit nalaman kong kambal, it’s because, I ask your friend na we’ll bring you to my clinic by the help of my nurses here kanina. While you're still unconscious, in-ultrasound kita Misis, dahil baka may nangyari sa bata noong sumakit ang tiyan mo, and I found out na, your babies’ fine. Then yeah, I did found out too, na you’re having twins. Congratulations!” ani ni doc.

Nanatili lamang akong nakikinig sa sinasabi ng doctor habang ang dalawang lalaking nurse na tinawag ni Emee kanina ay pinagtulungang buhatin si Sir papunta sa sofa na hinihigaan nito kanina.

Kakayanin ko bang manganak? Mahirap bang umire? My God!

After 9 Months.

Kabuwanan ko na. Natatakot akong manganak lalo na't kambal pa ang anak ko. Hindi namin inalam kung ano’ng gender ng kambal. Gusto kasi ng lolo ni Kael ay surpresa nalang daw. Gusto niya ang may thrill. Tss.

Nasa opisina ako ngayon ni Kael. Ayaw niya kasi akong iwan sa mansyon dahil nga kabuwanan ko na raw. Natatakot daw siya baka biglang sumakit ang tiyan ko. OA nito. Kung mangyayari man 'yon, may mga katulong naman na puweding tumulong sa 'kin, tsaka may driver din na puweding mag dala sa 'kin sa hospital.

Kaninang alas-nuwebe pa ako rito. Hindi niya ako isinabay kasi maagap siyang pumasok, pagkatapos ako tulog pa. Pinahatid niya lang ako sa driver.

“Kael. Puwedi ba akong lumabas sandali? May bibilhin lang ako,” pagpapaalam ko sa kaniya. Nakaupo lang ako sa itim na sofa niya rito sa office. Medyo nahihirapan kasi akong tumayo dahil sa malaki na talaga ang tiyan ko.

“Ano’ng bibilhin mo? Ipapautos ko nalang sa sekretarya ko. Hindi ka puwedeng umalis dito sa opisina, ayaw kong mawala ka sa paningin ko, baka mapaano ka pa,” sagot niya habang nasa mga papeles na hawak niya ang tingin.

Kikiligin na sana ako kaso naalala ko, 'yong bata pala ang pinag-aalala mo. Psh.

“Huwag na, ako nalang. Nakita ko kanina pagpasok ko rito sa office mo, busy siya, ang dami niyang inaayos na mga papeles.”

“Huwag na matigas ang ulo, Maria, please,” giit niya. No choice. Tss.

“Okay. Huwag nalang. Nabo-bore lang talaga ako. Kanina pa akong umaga rito sa opisina mo, walang magawa. Hindi naman puwedeng magbabad ako sa gadgets kasi bawal daw sabi ng doctor,” pagpapa-awa ko pa. Last weapon ko na 'to. Kung hindi pa e-epekto, e di h’wag!

Binaba nito ang hawak niyang papeles saka ako tiningnan. Napanguso tuloy ako. Iyong mukha niya kasi parang naiinis na ewan. Tumayo ito sa inuupuan niyang swivel chair tsaka lumapit sa akin.

Umupo siya sa tabi ko. Tss. Pasalamat ka hindi na ako naglilihi. Amp!

“Ginagamitan mo nanaman ako niyang technique mong paawa, Maria. Hindi na tatalab sa’kin 'yan,” kunot-noong saad nito sa akin. Wala na. Sabi ko nga, walang epekto.

“Hala.” Nagulat ako nang naramdaman kung sumipa ang mga bata sa tiyan ko. Hinawakan ko ito para mas maramdaman ang pagsipa nila. Medyo nakikiliti ako.

“What’s wrong? Masakit ba?” nag-aalalang tanong niya.

“Sumipa ang kambal,” nakangiting sagot ko.

Malapit ko na silang mahagkan sa mga bisig ko. Excited na ako kahit medyo natatakot at kinakabahan din. Pero sabi nga nila Inay noong tumawag ako sa kanila, masakit daw manganak, ngunit walang katumbas ang nararamdaman mong saya bilang ina kapag narinig mo na ang unang iyak nila.

Pinapangako kong magiging mabuti akong ina sa mga magiging anak ko. Gusyo kong bigyan sila ng pamilya na katulad ng meron ako. Kahit hindi ganoon kayaman pero sagana naman sa pagmamahal.

“Really? Can I hold your tummy?” nag-aalangang tanong nito sa akin. Tumango naman ako at kinuha ang kamay niya para ipahawak sa tiyan ko.

Saktong pagdapo ng kamay niya ay sumipa ulit ang anak namin.

“Heck. Excited na siguro silang lumabas,” wika niya na nakangiti.

“Kaunti nalang mga anak. Lalabas din kayo r’yan sa tiyan ng Mommy niyo. Huwag niyo pahirapan si Mommy niyo ha? Lagot kayo sa 'kin,” natatawang ani nito habang hinahaplos ang maumbok kong tiyan.

“A-aray!” napadaing ako nang naramdamang humilab ang aking tiyan. Manganganak na ba ako lord?
“ARAY!”

“M-maria?!” tawag nito sa pangalan ko habang nakatingin sa inuupuan ko.

“Manganganak na yata ako, Kael!” pilit na sambit ko. Nakita kong basang-basa na ang inuupuan ko dahil sumabog na ang tubig ko, tanda na manganganak na talaga ako.

Dali-dali naman akong binuhat ni Kael saka agad ma lumabas ng opisina niya. Lakad-takbo ang ginagawa niya dahil sa sobrang taranta nito.

Nakita ko ang gulat sa mga mukha ng mga empleyadong nakakasalubong namin. Nang nasa parking lot na kami ay kaagad niya akong ipinasok sa passenger seat ng kaniyang kotse. Nagmamadali ang kilos nito.

“H-hinay-hinay lang Kael, baka maaksidente tayo,” pagpapaalala ko sa kaniya. Masyado na kasing mabilis ang pagpapatakbo nito.

“S-sorry. Kailangan mo nang madala sa hospital. Nag-aalala na ako, Maria. Please. Hold on,” ani nito sabay abot ng isang kamay niya sa kamay kong nakapatong sa aking tiyan.

“Ang sakit...,” ani ko sa mahinang boses.

“Malapit na tayo. Kaunting tiis nalang,” pagpapakalma niya sa akin.

Papaliko na kami sa isang crossing papuntang hospital nang may makasalubong kaming isang kotseng itim na mabilis din ang pagpapatakbo.

“KAEL!!" sigaw ko nang nakitang malapit na ang sasakyan sa amin. Nahinto ni Kael ang kotse para i-atras sana, ngunit huli na ang lahat dahil na bangga na kami nito.

“SHIT!” rinig kong sigaw ni Kael bago ko naramdaman ang mahigpit na yakap niya sa akin.

Dahil sa lakas ng pagkabangga ng kasalubong naming kotse ay nabasag ang salamin ng kotse. Nakita ko pa kung paano na tusok ng isang basag na salamin sa mukha si Kael. Nakita ko ang maraming dugo na umaagos sa kaniyang mukha.

Nanghihinang hinawakan ko ang mukhang sugatan ni Kael na wala nang malay.

Diyos ko.... At dahil sa nanghihina na rin ako ay nawalan din ako ng malay.
Ang huli kong narinig bago tuluyang pumikit ay ang mga sigawan ng mga tao sa labas.

Iligtas mo po si Kael at ang mga anak ko, Panginoon.

Nagising ako nang nakaramdam ako ng uhaw. Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang puting kisame. Naalala ko kaagad ang nangyaring aksidente na nasangkot kami.

“Kael!" sigaw ko saka napabangon.

“Ate! Mommy! Gising na si, Ate Maria!" sigaw ng isang boses na batang lalaki. Hinawakan ko ang tiyan kong hindi na maumbok.

Ang mga anak ko....

“Ang anak ko!” sigaw ko habang humahagulgol.

“Maria!” boses iyon ni Tita Letecia. Lumapit ito sa akin saka ako niyakap nang mahigpit. “Thanks God! You’re awake! Don't worry. Your babies’ okay. Cesarean delivery ang ginawa sa 'yo dahil wala kang malay nang naisugod dito sa hospital. Ssh...tahan na,” wika nito habang niyayakap ako at hinahagod ang aking likod para kumalma.

“Nasaan na po sila?” naiiyak ko pa ring tanong.

“Nasa nursery room sila, Hija. You'll see them later okay? Kumalma ka muna baka bumuka iyang tahi mo sa tiyan.” Tumango naman kaagad ako.

“Si Kael po Tita? Okay lang ba siya?”
Natahimik si tita sa tanong ko.
No. Okay lang si Kael. Sabihin niyong okay lang siya.
“Tita? Nasaan po siya?" Kinakabahan ako sa magiging sagot ni Tita. Nakita ko ang luhang tumulo sa mga mata nito.

No. No. No.... Kael....

 The Probinsyana [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon