“Ano? Sumugod dito iyong haliparot na ex ng anak ko?” Hindi makapaniwalang tanong ni Tita Letecia.
“Mom, calm down. Baka tumaas na naman ang BP mo,” sabat ni Kael na nakaupo sa tabi ko.
“Opo, Ma'am! Grabe! Sabi niya pa, nabuntis daw siya ni Sir! Grabe, Ma'am! Nakakagigil ang babaeng iyon!” sagot ng isang kasambahay dito sa mansyon.
“ANO?! BINUNTIS MO ANG HALIPAROT NA IYON, KAEL?!”
“What? No! I know myself Mom na hindi ko siya nabuntis. I'm doing it safe whenever we plan to do it, Mom.”
Linte. Tuwing naiisip ko na may nangyayari sa kanila ng bwiset na iyon, kumukulo ang dugo ko.
“Siguraduhin mo lang, Kael! Dahil ako mismo ang papatay sa inyong dalawa ng haliparot na 'yon! Anyways, sa katapusan na ang kasal niyo pati ang binyag ng mga apo ko. Everything is set na. Ang gagawin niyo nalang ay maghintay sa araw ma iyon.”
One week bago ang araw ng kasal namin ay kinuha ako ni tita sa mansyon ng anak niya kasama ang kambal. Iyon daw kasi ang pinaniniwalaan nila. Bawal magkita ang ikakasal. Wala nang bridal shower na naganap. Ganoon din kay Kael, walang bachelorette party na naganap dahil ayaw niya. Siya ang tumutol sa party na 'yon kaya walang nagawa ang lahat.
Nakaharap ako ngayon sa isang malaking salamin dito sa hotel na gaganapan ng reception ng kasal. Hindi ako makapaniwalang ikakasal na nga ako kay Kael.
“Ma'am, ang ganda niyo po! Grabe! Ang ganda din ng wedding gown mo, nakakainggit! Halatang mahal 'to Ma'am ah. Iba talaga kapag si Madam Letecia ang pipili,” sabi ng make-up artist ma bakla sa akin.
Suot ko ngayon ang gown na si tita mismo ang pumili ng design. Balita ko pinagawa niya talaga 'to. Okay lang naman sana sa akin ang rent lang.
Maganda ang gown, masyadong mabukadkad ito. Puno ng diamond beads sa dibdib. Tube style ito na may glooves na hanggang siko. Para akong reyna dahil sa suot ko.
“Malapit na pong mag-eight, Ma'am. Tara na po,” ani ng isang wedding organizer.
Tumayo naman ako sa inuupuan ko sa harap ng salamin. Tinulungan nila akong bitbitin ang ibaba ng gown ko na sumasayad sa sahig. Grabe naman si tita, feeling yata niya debut ko ngayon.
Dumating kami sa simbahan. Isang puting limo ang sinakyan ko dahil iyon ang gusto ni tita na maging bridal car. Hays. Mayayaman nga naman.
Sarado ang pinto ng simbahan. Iyon kasi ang gusto ni tita para may grand entrance. Tss. May red carpet din na nakalatag mula sa loob hanggang dito sa labas. Nakita ko sila inay at itay na nakatayo sa may pinto, hinihintay ako para ihatid sa loob ng simbahan kung saan hinihintay din ako ni Kael kasama ang mga magulang niya.
“Ang ganda mo, Anak,” bungad ni inay na naiiyak pagkalapit ko sa kanila.
“Hindi mag hibe nay bi. Makahibe ko apil,” natatawang sagot ko na pinipigilan din ang pag-iyak
“Hindi lang kami makapaniwala ng Inay mo Anak na ikakasal ka na nga talaga. Parang kailan lang hinehele pa kita sa mga bisig ko para makatulog,” ma-dramang ani ni itay.
“Huwag kayo mag-alala, Itay. Kahit naman may sariling pamilya na ako, ako pa rin naman iyong anak na si Maria na handang tumulong sa inyo, at hindi ko kayo tatalikuran,” nakangiting sagot ko.
Niyakap ako nilang dalawa. Na-miss ko ang ganitong moment namin nila inay.
“Ma'am, papasok na po tayo sa loob,” ani ng organizer sa amin.
Umayos naman na kami para sa pagpasok. Nakakawit sa braso ni itay ang isang kamay ko, at ang isa naman ay may hawak na bouquet. Si inay naman ay nakatayo lang sa kabilang gilid ko na sumihinghot-singhot pa.
Nang bumukas na ang pinto ng simbahan ay bumungad sa amin ang sobrang ganda na desinyo ng loob. Para itong kasal ng isang reyna at prinsipe. Puno ng mga puting bulaklak ang paligid.
Nagsimula na kaming maglakad na tatlo. Kinakabahan ako na ewan. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko.
Nakita ko sa unahan ang lalaking papakasalan ko kasama ang pamilya niya. Si lolo Anton na nakaupo sa wheelchair, si Tito Eulicio na nakahawak sa bewang ni Tita letecia, si Klinton at Kurt na bitbit ang kambal, at si Joey na prenting nakatayo sa gilid ng lolo nila.
Mas lalong dumagdag ang pagka-attractive niyang tignan dahil sa suot nitong puting tuxedo na pinarisan ng itim na slacks. Groom na groom ang dating.
Nang makarating kami sa kinatatayuan nila ay kaagad akong nilapitan ni Kael.
“Alagaan mo ang anak namin, Kael. Gibaid ko gid bala ang binangon ko. Umandam ka lang gid.” Natawa naman ako sa babala ni itay. Ayan na naman, napasok na naman ang kaniyang itak sa usapan.
“Huod tay ah. 'Di ko ni pasakitan ang bata niyo,” sagot ni Kael, nagulat ako sa pag-i-ilonggo niya. Kailan pa siya natutong mag ilonggo?
Hinawakan niya ang kamay ko tsaka ikinawit sa braso niya.
“Let's go?” Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
Nagsimula na ang seremonyas ng kasal.
“Kung sino man ang tutol sa kasal ng dalawang ito ay maaari nang magsalita, kung mayron man,” ani ng pari. Kinabahan kaagad ako. Hindi ako na-inform na may pa-ganito pala si father.
“Ako! Tutol ako sa kasal ng dalawang iyan!” sigaw ng kung sinong nakaitim na babae at may suot pang belong itim.
“Who the hell is that?” bulong ni Kael.
“Baka isa sa mga babae mo?” nanunuyang sagot ko.
“What the f—”
“Baka nakakalimutan mong nasa simbahan tayo, Kael?” taas-kilay na ani ko.
“Hindi kayo bagay! Ako! Ako ang nababagay sa lalaking 'yan!” Biglang umiba ang boses ng babaeng naka-itim. Parang naging barako? Bakla ba ito?
Nagulat kaming lahat nang biglang tanggalin nito ang kaniyang belo.
“Hi, Sir Kael! Ako ang pakasalan mo, maharot ang babaeng 'yan! Sana hindi ko nalang tinanggap na mag-apply 'yan as janitress mo! Argh!”
Si baklang HR!
“EXCUSE ME! PAHARANG-HARANG KANG BAKLA KA!” Tulak ng babaeng nakaitim din sa baklang HR. Nakilala ko ito dahil wala itong suot na belo.
“Rage!” sigaw ni Jen.
“Ano na naman ba ang ginagawa ng haliparot na 'yan dito?!” naiinis na bulalas ni tita.
“Magpapakamatay ako kapag pinakasalan mo ang babaeng iyan!” sigaw pa nito. Akmang magsasalita na si Kael ng pigilan ko siya.
“Huwag kang magsalita. Ako nang bahala rito.”
Inangat ko ang aking gown para hindi ko matapakan habang naglalakad papunta sa kinatatayuan ni Jen.
Nang makalapit na ako ay tinaasan lamang ako ng kilay nitong peke.
“Kapal talaga ng mukha mo 'no? Tinuloy mo pa talaga ang pagpapakasal kay—” Natigil siya sa pagsasalita nang sinuntok ko siya sa mukha.
Nanggigigil na talaga ako sayong higad ka.
Rinig ko ang mga sigawan ng mga nakakita sa ginawa ko.
Tinignan ko ang walang malay na Jen na nakahiga sa sahig ng simbahan.
“Hoy, Kael!” sigaw ko nang hinarap ko siya. Nasa may altar pa rin siya at halatang nagulat din sa ginawa ko sa kaniyang ex.
“Ito ba ang minahal mo rati? Isang suntok lang tulog na? Weakling naman!”
Sana matagal ko nang sinuntok ang babaeng 'to. Baka matauhan, na ako ang mahal ni Kael at hindi siya. Tss.
Naglakad kaagad ako pabalik sa altar kung saan nakatayo si Kael na hanggang ngayon ay hindk alam kung anong ir-react, ganoon din ang mga tao rito sa simbahan.
“Father! Tuloy na po ang kasal. Wala na pong tututol,” nakangiting ani ko kay father na nakatulala rin.
BINABASA MO ANG
The Probinsyana [Completed]
HumorIlongga Series 1: Rage Mikael Montenegro, kilala bilang isang halimaw sa business world. A typical businessman na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Lahat gagawin makuha lang ang kaniyang gusto, lalo na ang pamana ng kaniyang lolo. Bago niya ito tu...
![The Probinsyana [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/242719763-64-k488632.jpg)