Chapter 3

4.5K 163 0
                                    

KINABUKASAN ay maaga ulit akong naghanda para sa unang araw ko sa trabaho. Gaya nga ng sabi ni baklang HR kahapon, hindi ako puweding ma-late.

Nauna ulit ako ng gising. Gusto kong laging mauna para ako ang makapaghanda at makapagluto ng agahan namin. Kahit maliit na bagay, at least may naitutulong ako sa pagtira ko rito sa bahay nila Auntie.

Kinakahabahang pumasok ako sa opisina ni baklang HR na napag-alaman kong tinatawag na Sir Anton o Ma'am Antonia rito sa Montenegro Marketing, ang kompanyang pinag-apply-an ko ng trabaho. Bumungad ulit sa akin ang nakataas kilay na pagmunukha niya.

“Good morning, Sir,” bati ko sa kaniya saka yumuko nang kaunti para dagdag pakita ng pag-respeto. Mahirap na't mabugahan ulit. Ayaw ko na ng part 2.

“Ano’ng maganda sa umaga kung iyang mala-dyosang pag mumukha mo ang bubungad sa 'kin?” mataray na tanong niya. Sabi ko nga may part two.
Kinuha niya ang isang papeles na nakapatong sa kaniyang lamesa saka ito inilahad sa akin. “Pirmahan mo 'yan. Bilisan mo. Naiimbyerna ulit ako sa mukha mo. Pagkatapos mo r’yan, pumunta ka sa 5th floor. Nandoon ang maintenance. Iyon ang magiging quarter mo kasama ang ibang Janitress at Janitors. Doon ka kukuha ng mga gagamitin mo sa paglilinis ng opisina ni Sir Kael. Nasa top floor ang opisina niya. Buong top floor kaya expect mo nang matatagalan ka sa paglilinis doon. Nasa 19th floor ang sekretarya niya. Dumaan ka rin doon, magpakilala ka bilang Janitress sa floor ni Sir at tanungin mo kung ano’ng oras ang out ni Sir Kael para makapaglinis ka ulit. Dalawang beses sa isang araw ka maglilinis doon," paliwanag niya sa 'in. Lumapit naman agad ako sa kaniya para ma-pirmahan iyong kontrata.

Hindi na ako nag-abalang basahin pa kung ano man ang nakasulat doon, ayaw kong magtagal dito sa loob dahil sa sama ng tingin ni baklang HR. Pagkatapos kong pirmahan ay agad ko itong ibinalik sa kaniya.

“Ito na po, Sir.”

“Boba! Sabi ko sa 'yo Ma'am! Hindi Sir! Pinapainit mo na naman lalo ang ulo ko! My Ghad!” Hysterical na sabi nito. Feeling ko kapag nagtagal pa ako lalo rito, sasabunutan na niya ako.

“Ay sorry po Ma'am, nakalimutan ko po. Ang guwapo mo kasi. Crush na tuloy kita!" sabi ko sabay takbo palabas ng opisina niya.

“What the?! Yucks! Kadiri ka! Pwe!” Narinig ko pang sabi nito bago ako tuluyang nakalabas. Napahalakhak ako dahil doon. Namumuro ka ng bakla ka. Akala mo ha.

Umakyat na ako papuntang 5th floor para makakuha ng gagamitin ko sa paglilinis. Nang nakarating ako sa 5th floor ay agad kong hinanap ang maintenance quarter. May nakasalubong akong isa ring Janitress, nakasuot ito ng itim na t-shirt na may nakasulat sa bandang dibdib niya na 'maintenance'.

“Saan po rito puweding kumuha ng mga panglinis?” tanong ko sa kaniya.

“Ah. Hatid nalang kita roon. Ikaw ba 'yong bagong hire na Janitress?” tanong niya na ikinatango ko. Naglakad kami papunta sa kung nasaan ang stock room.

“Oo. Ako nga.”

“Naku! Ang suwerte mo, na medyo malas,” nakangiwing wika niya na ikinakunot ng book ko.
Suwerte na malas? May gano’n?

“Bakit naman?” Medyo weird ang reaksyon niya kaya mas lalo akong nagtaka sa sinabi niyang suwerte na malas.

“Ang suwerte mo kasi lagi mong makikita ang kaguwapuhan ni Sir Kael!” Bakas ang kilig sa kaniyang boses nang sabihin niya 'yon. Gaano ba ka-guwapo iyang Sir Kael na 'yan para mabaliw nang ganito ang mga empleyado niya?

“Oh tapos? Bakit naman malas?”

“Malas kasi bugnutin 'yon! Isang maling galaw mo, bubugahan ka ng apoy n'yon!" Nakangiwi niyang saad. Kanina kilig na kilig, pagkatapos ngayon may pangiwi-ngiwi na? Weirdo.

 The Probinsyana [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon