“No, Hija! Ipaglaban mo ang karapatan mo bilang ina ng mga anak niyo ni Kael! Hindi ako papayag na ang babaeng 'yan na walang modo ang makakatuluyan ng anak ko!” Sigaw ni tita. Gustuhin ko man, ngunit wala na akong magagawa dahil kitang-kita naman sa inaakto ng anak niya.
“Mawalang-galang lang po, pero ako po ang mahal ng anak niyo at hindi ang probinsyanang iyan kaya wala po kayong magagawa kung ako ang pipiliin ng anak mo,” matapang na sagot ni Jen.
Bobo. Paano siya magugustuhan ni tita niyan e kasing talas yata ng espada ang dila niya?
“How dare you?” Naniningkit na matang sagot ni tita.
“M-mommy n-naman. H-hindi pa nga ako t-tapos sa sinasabi k-ko,” biglang singit ni Kael kahit hirap na hirap magsalita.
Natigilan kaming lahat sa sinabi nito. Anong ibig niyang sabihin? Hinarap nito si Jen.
“D-don't treat my mom like t-that. H-have some respect. At hindi ba naghiwalay na tayo? Nakipag-hiwalay na ako sa 'yo roon sa condo mo,” pagpapatuloy ni Kael.
Tangina. Nagdrama pa ako. Bwiset! ‘Di ko ma explain ang nararamdaman ko ngayon. Lord, paubaya niyo na po sa akin si Kael. Promise po. Magiging mas mabait pa ako. Pangako po iyan.
"Ha! Kita mo na! Kita mo na! Ang kapal ng mukhang sumugod dito at sagot-sagutin ako! Ex ka naman na pala ng anak ko! Kapal!” biglang ani ni tita saka nilagay ang dalawang kamay sa kaniyang bewang.
“N-no, Kael. H-hindi ako papayag na iiwan mo ako dahil sa babaeng 'yan!” Tinuro niya ako. Wala ko utang sa imo dae. Hindi ko pag tudlo-tudloa.
“She’s not just a girl for me, Jen. She's also the mother of my children,” Ggiit ni Kael.
“Argh!” frustrated na sigaw ni Jen saka ito nagmartsa palabas ng kuwarto. Dinaanan pa ako nito dahil nakatayo ako sa may pinto. Binangga niya pa ako saka inirapan bago tuluyang umalis.
“My God. Nanalo na naman ang manok ko. Hindi na pala kita kailangang i-tulay sa anak ko iha,” bulong ni tita sa akin.
Diyos ko.
“Nasaan na ang mga anak natin?” tanong ni Kael. Natigilan ako sa tanong niya.
Anak natin....
Ang sarap sa pakinggan. Akala ko scam ka na naman Kael na kami ang pinipili mo.
“Nasa bahay ang mga anak niyo. Anyways, nagmana lahat sa 'yo, Anak! Ang gu-guwapo!” kinikilig na sagot ni tita. Siya na ang sumagot dahil wala talaga akong masabi sa nangyayari.
“B-bakit nakatayo ka lang d’yan? Wala kang plano na lumapit sa 'kin? H-hindi mo ba ako na-miss, baby?” nakangising tanong ni Kael.
Makakurog tuhod linte!
“Lumapit ka na, Hija!” si tita, sabay tulak sa akin papalapit sa kaniyang anak. Kita mo 'to. Bugaw masyado tita ha. Amp!
“Alis muna kami, Anak. Para makapag-usap kayo ni Maria,” ani ni Tito Eulicio sa anak.
“T-thanks, D-dad.”
“Kuya, kailangan mo pa ng limang anak para makumpleto ang apo sa tuhod na gusto ni lolo, kaya work hard, Kuya! Fighting! Sharp shooter ka men! Triplets naman kuya.” Sabay nakipag-apir si Klinton sa kuya niya.
Akala niyo naman madaling manganak ano?
Nang nakaalis na silang lahat ay nanatili lamang akong nakayuko sa harap ni Kael.
"Napipi ka na r’yan’?” tanong nito.
Tinignan ko lang siya saka inirapan.
“Na-miss kita,” sagot ko.
“I-I mean, na-miss ka naming lahat. 'Yon! Tama. Na-miss ka namin,” pagbawi ko. Kingina naman, Maria. Umaandar ka na naman.
“Talaga lang ha?” natatawang tanong niya. “So? Tuloy na natin ang kasal? Isabay na natin ang binyag ng kambal,” ani nito.
“A-ano’ng kasal? Hoy?! H-hindi pa nga ako pumapayag e!” reklamo ko.
"Whether you agree or not, magpapakasal ka sa 'kin. You don't have a choice, baby," ani nito saka ako hinila papalapit sa kaniya para yakapin.
“I missed your scent. I missed being this close to you. I missed you,” bulong nito sa may bandang tenga ko. EhEh! Kinikilig ako!
“Heh! Mag-propose ka muna!” sabi ko sabay palo sa balikat niya.
“Aw! Masakit!” daing niya. Patay. Nakalimutan kong may mga pasa pala siya sa katawan.
“Sorry.”
“Nah. Hindi ako tumatanggap ng sorry,” taas kilay na sagot nito. Ay? Ang arte?
“Say you will marry me and you’e forgiven.”
Kita mo 'to! Amp! Pasalamat ka, mahal kita. Baka mapatay na kita.
“Oo na! Oo na! Bakit pa ako magpapakipot! Gusto ko rin naman!” pagsuko ko. Magpapakipot pa ba ako? No, no.
“Wala ng bawian 'yan. I love you,” ani nito.
W-wait. Naglinis ako ng tainga ko kanina nang natapos akong maligo.
“H-ha?”
“I love you,” sagot nito na nakangisi nang nakakaloko.
Bwesit! Bakit ang korni mo?! “Mahal kita, Maria. Late ko nang na-realize pero hindi pa naman huli ang lahat, Hindi ba?”
Sus! Hinding-hindi magiging huli Kael!
“Mahal din kita,” nakapikit kong saad.
Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang dalawang kamay niya saka ako iniharap aa kaniya. Pinatakan niya ng halik ang labi ko nang tatlong beses hanggang sa palalimin niya ito. Marahan ang paraan ng pagkakahalik niya sa akin. Napakapit naman ako sa balikat niya para kumuha ng supporta dahil feeling ko ay matutumba ako. Nanlalambot ang mga tuhod ko sa kilig.
Nang naghiwalay ang mga labi namin ay dinikit niya ang noo naming dalawa. Habal ang hininga dahil sa naging halikan namin.
“I know. Halatang-halata kaya,” natatawang sagot niya.
Kita mo na! Alam naman pala niya tapos—! Bwiset ka talaga, Kael!
“Babawi ako kapag nakalabas na ako rito.”
“Ano’ng babawi? Okay lang naman. Ang importante gising ka na at makakasama ka na namin ng kambal.”
“That's not what I mean. Babawi ako....” Nilapit nito ang mga labi niya sa aking tainga, “Sa kama." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Bwiset!
BINABASA MO ANG
The Probinsyana [Completed]
HumorIlongga Series 1: Rage Mikael Montenegro, kilala bilang isang halimaw sa business world. A typical businessman na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Lahat gagawin makuha lang ang kaniyang gusto, lalo na ang pamana ng kaniyang lolo. Bago niya ito tu...
![The Probinsyana [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/242719763-64-k488632.jpg)