Epilogue

6.8K 168 19
                                        


Rage Mikael's POV

A boss na nainlove sa isang empleyado. How common and cliché love story that we have? Hindi ko naisip na sa sobrang pagkabaliw ko sa isang Jennica Melindez ay mawawala na parang bula dahil lamang sa isang Janitress?

People fall in love in mysterious ways. Tama nga sila. Sobrang misteryoso nitong gumalaw na hindi mo napapansin ang taong hindi mo inaakalang mamahalin mo ay siya pa ang magiging kababaliwan mo pagdating ng panahon?

Simula nang una ko siyang nakita noong na bunggo ko ang snatcher na kumuha ng kaniyang bag, hanggang sa magkita kami ulit dahil nag-apply siya bilang Janitress sa kompanya ko.

Noong una ay gustong-gusto ko lang siyang inisin dahil sa nakita ko ang bag niyang puno ng panty. Kailanman ay hindi ako nahilig magbiro sa isang tao, not until I met her. Ewan ko ba. Nakakaramdam ako ng saya tuwing nakikita ko ang mukha niyang naiinis.

Pagpasok ko sa Maintenance Quarter ay may naririnig akong nag-uusap. Kanina pa ako tawag nang tawag sa head nila rito kasi may ipapalinis ako sa pantry ko sa opisina, ngunit walang sumasagot.

“H-hoy! Hindi ah! Nagtanong lang naman k-kung ano...,” rinig kong sagot ni Panty girl.

Nakita kong kausap niya ang isa sa mga Janitress dito sa kompanya ko. I'm not that familiar sa mga empleyado rito lalo na rito sa mga naka-assign sa maintenance kaya hindi ko kilala ang kausap niya.

"Na ano?"

“Na ano...t-totoo bang s-single siya! Ganern! Tama! Tama! Hindi kasi kapani-paniwala e! Sa mukha niyang napaka-babaero? Single? Naku! Scam 'yan! Scam!” So they're talking about my love life?

“Scam what? Me? Babaero?” sabat ko sa usapan nila.

Napalingon silang dalawa sa kinatatayuan ko. Nang nakita ako ay parang binuhusan ng malamig na tubig ang dalawa. Halata sa mga mukha nila ang gulat at takot nang nakita ako.

“S-sir! Napadalaw po kayo!” natatarantang bati ng kasama ni panty girl.

“Kanina pa ako tawag nang tawag sa telepono niyo rito sa Maintenance, pero walang sumasagot. Tapos ito ang naabutan ko? Tulog pala kaya walang sumasagot. May gising nga pero pinagt-tsismisan naman ako. Enjoying yourself talking behind my back, ladies? Hm?”
Kagat-labing yumuko si panty girl sa sinabi ko.

“S-sorry po, Sir Kael. Hindi na po mauulit,” paghingi ng tawad ng kasama niya.

“And what, Miss? Scam? Iyong relationship status ko, scam? Babaero? Paano mo naman nasabi, Miss whoever you are? Manghuhula ka ba?” taas-kilay na dagdag ko pa.

Tuwing naaalala ko ang mukha niya noong time na 'yon, ay hindi ko mapigilang matawa. She looks like she would faint anytime.

Hindi mawala ang ngiti ko sa araw na iyon. Sinabi kong sa bahay na niya ako pagsisilbihan, at ang kamalas-malasang nangyari ay nahuli kami ng mga magulang ko sa opisina ko na magkapatong no'ng gabi'ng nag lasing ako.

Doon na nagsimula ang hindi maipaliwanag na nararamdaman ko. Noong gabing naghalikan kami dahil sa kalasingan ko. Nanggaling ako sa pantry ng opisina ko noon, doon ako nag-iinom kapag stress ako o, hindi kaya ay magkaaway kami ni Jen, ang secret girlfriend ko. Tago ang relasyon namin dahil magkaaway ang pamilya naming dalawa. Ayaw kong ipaglayo kami kaya tinago naming ang kung ano’ng mayroon kami.

 The Probinsyana [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon