Dumaan ang isang linggong pananatili ko sa mansiyon ni Sir Kael. Ang in-expect kong magsusuot ako ng maids uniform ay hindi natuloy. E kasi naman, biglang dumating ang pamilya ni Sir noong araw na lumipat ako rito.
“Mabuhay pelipens, mabuhay!” sigaw ng kung sinong hayuf na kakapasok lang sa mansiyon. Familiar ang boses, iba na pakiramdam ko rito. May negative energy.
“What the fuck? Mom? Dad?! Bakit kayo nndito? And, what's with that... that luggages?!” Hindi makapaniwalang tanong ni Sir sa mga bagong dating. Ang very amazing family lang naman ni Sir Kael.
“Dito muna kami titira. Pansamantala lang naman anak. Naninigurado lang naman kami na magtatabi kayo ng fiancé mo, pagkatapos makakabuo agad kayo!" excited na ani ng mama ni Sir.
Makabuo agad? Linteg gid! Waay pa gani ko kahambal sa pamilya ko buo agad!
“Mom naman! Pini-pressure niyo naman kami. Oo na! Pumapayag na kami sa kasal-kasal na 'yan, pero huwag niyo naman kaming madaliin 'pag usapang anak! Di madali para sa amin 'yan!" Oo nga naman! Virgin pa ako! Masakit daw kapag first time!
“Ano’ng hindi madali, Kuya? H’wag mong sabihing baog ka?! Itatakwil ka namin sa pamilya! Walang baog sa mga Montenegro!” Nanlalaking matang sabi ng kapatid ni sir na may kulay brown na buhok. Hindi ko pa sila kilala sa pangalan dahil hindi pa naman kami nakakapagpakilala sa isat-isa ng pamilya niya.
Ano pa nga bang ine-expect ko sa mga lumalabas sa bunganga ng mga kapatid niya? Kabulastugan lang naman.
Kaya imbes na maging katulong, ay naging instant donya ako rito. Iyong tipong tabi kami ni Sir matulog, dahil sa kagagawan ulit ng kaniyang ina na si Madam—este Tita Letecia? Oo, Tita raw, dapat nga mommy na ang itawag ko sa kaniya kasi magiging mommy ko na rin daw siya soon. Kita mo. Ang advaaanceeee!
Si Madam Letecia Montenegro ang ina ni Sir na sobrang control freak sa anak. Si Don Eulicio Montenegro Jr. ang ama ni Sir na sobrang seryoso, isang titig niya lang ay parang manlalamig na ako dahil sa kulay asul na mata nito, tulad ng kay Sir Kael. Tahimik din ang daddy ni Sir, may pinagmanahan pala ang ugali ng kaniyang anak na panganay.
Tatlo ang nakababatang kapatid ni Sir, puro sila lalaki. Ani nga ng mommy nila ay mahirap pakisamahan lalo na at lalaki lahat ang anak at may iba't ibang ugali.
Si Joey ang bunsong kapatid ni Sir. Mana ito sa kanilang mommy na si Tita Letecia, at pati ugali ay namana nito. Si Klinton naman ag may brown na buhok, ang pangalawa sa magkakapatid. Pilyo at mana sa ama ang mukha nito. Si Kurt naman ang pangatlo, magkasing tangkad lang si Klinton at Kurt. Gaya ni Klinton, mana rin sa ama ang mukha nito. Si Kurt daw ang pinakapilyo sa magkakapatid.
Araw ng Linggo ngayon. Bukas ang nakatakdang araw para umuwi ako sa probinsya namin kasama si Sir Kael at ang kaniyang pamilya, para naman daw may back-up si sir sa pamamanhikan. Diyos ko.
Hindi pa nga ako umabot ng isang buwan dito sa Maynila, tapos uuwi akong may mamamanhikan na?
--
Lunes, at kakalapag lang ng sinakyan naming private plane ng pamilyang Montenegro. Naka-shades silang lahat pagkalabas ng eroplano. Diyos ko. Ang ga-guwapo naman talaga ng lahi ng pamilyang 'to. Hindi na masamang ma-anakan ng pito. Ang ikinakabahala ko lang ay ang magiging reaksyon ng pamilya ko. Sana naman nawala ni itay ang kaniyang itak.
Sumakay kami sa isang van na puweding rentahan malapit sa airport ng Davao. Mahaba-habang oras pa ang biyahe papuntang Banisilan kaya nakatulog kaming lahat sa biyahe.
Alas-tres ng hapon nang dumating kami sa Banisilan. Isa lamang itong simpleng munisipalidad ng North Cotabato. Maraming puweding puntahan na magandang lugar dito sa North Cotabato. Isa na roon ang Banisilan. Maraming nakatagong falls dito sa lugar namin, gaya ng Kalawaig falls, True love falls, Secret falls, at marami pang iba. Malapit lang din dito sa Banisilan, ang isang sikat na dinadayuhan ng mga taga ibang probinsiya, ang Tent City. Puwedi mag-overnight doon kasama ang pamilya. Masasarap din ang mga pagkaing sine-serve nila sa lugar.
![](https://img.wattpad.com/cover/242719763-288-k488632.jpg)
BINABASA MO ANG
The Probinsyana [Completed]
UmorismoIlongga Series 1: Rage Mikael Montenegro, kilala bilang isang halimaw sa business world. A typical businessman na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Lahat gagawin makuha lang ang kaniyang gusto, lalo na ang pamana ng kaniyang lolo. Bago niya ito tu...