Chapter 21

4.3K 112 3
                                    

Maria's POV

Binabawi ko na ang pagpayag na maikasal kay Kael! Ang kapal ng mukha ng babaeng 'yon para sabihing kaya niya maging ina sa mga anak ko?! Ano’ng tingin niya sa'kin? Walang kuwentang ina? Hindi kayang maging ina sa kambal? Kahit pa magsama sila ni Kael, wala akong pakialam! ‘Wag lang nilang kukunin ang mga anak ko sa akin. Ako ang naghirap ng ilang buwan tapos gano'n lang? Aakuin niya ang pagiging ina ng mga anak ko? Hayahay!

Lumabas kaagad ako ng ICU dahil baka ano pa ang magawa ko sa babaeng 'yon. Nakakainit ng dugo! Isaksak niya sa baga niya si Kael!

Isa pa iyang Kael na 'yan! Ano’ng sabi niya?! Pinipili niya kami ng mga anak niya? Tapos ano? Malalaman kong nangako ulit siya ng kasal sa bwiset niyang girlfriend?!

Magsama silang dalawa!

Nakabalik ako sa room ko rito sa hospital nang nakasimangot. Gusto kong matulog. Sumasakit ang tahi ko sa tiyan. Bwiset!

Tinulungan ako ng nurse para makahiga ako nang maayos sa hospital bed. Tangina. Dumagdag pa itong ulo ko. Ang sakit. May sugat din kasi ako sa noo dahil sa natalsikan din ako sa nabasag na salamin ng sasakyan ni Kael.

Nang lumabas na ang nurse na tumulong sa akin ay kaagad na akong pumikit para makatulog, pero huta! Kahit ano’ng pilit ko, hindi ako makatulog kakaisip sa bwiset na girlfriend ni Kael! Nanggigigil ako! Kailangan ko na sigurong maghanda ng itak kapag nagkita kami ulit ng babaeng 'yon. Subukan niya lang na magsalita ng masakit sa tainga ko, hindi ako magdadalawang-isip na itakin siya.

Hanggang sa nakaramdam nalang ako ng gutom, hindi parin ako makatulog. Ano’ng oras na ba kasi?

Nilibot ko ang paningin ko rito sa hospital room.

May nakita akong wall clock. Hala? Ala-una na pala ng tanghali? Kaya pala gutom na ako.

Tinignan ko ang lamesa na nasa aking tabi kama. May pagkain na roon. Kinuha ko kaagad 'yon para kumain. Mayroon ding sabaw na nakalagay sa isang maliit na bowl. Malamig na ang sabaw, ngunit okay na 'yon at least makakakain na ako. Kailangan ko ring humigop ng sabaw kasi sabi nila nakakadagdag daw ng gatas ito.

Nang natapos akong kumain ay sakto naman ang pagpasok ng dalawang nurse na babae habang hawak-hawak ang mga anak ko. Na-excite ako nang nakita ko ang dalawa. Sa wakas, makikita ko na rin sila.

Kasunod ng dalawang nurse si Kurt at Tito Eulicio. Nakangiti ang dalawa na halatang na e-excite ring hawakan ang mga anak ko.

“Hi po, Mommy. Nandito na po ang dalawang baby niyo. Manang-mana po kay Daddy!” sabi ng isang nurse.

Ibinigay niya ang isang kambal sa akin. Kaagad ko namang tinggap dahil sa sobrang excited na ako.  Nawala na parang bula ang nararamdaman kong inis kanina nang nakita ko ang aking dalawang anghel.

“Ito po ang isang baby ni, Ma'am. Puwede niyo na po silang i-breastfeed. Baka nagugutom na po ang kambal,” sabi pa ng isang nurse saka nilapag sa kama ko ang isang kambal. Hindi ko pa kayang pagsabayin silang buhatin at baka bumuka ang tahi ko. Tsaka, napansin ko ring sobrang malusog ang dalawa dahil may katabaan sila.

“Ang lulusog ng mga apo ko,” ani ni Tito Eulecio habang nangigiting nakatitig sa kambal.

“Paanong hindi magiging malusog 'yan, Dad, e noong buntis pa si Ate Maria, grabe kung kumain 'yan e!” Natawa ako sa sagot ni Kurt sa ama. Grabe, hindi naman ako ganoon ka-takaw noong buntis pa ako.

“Grabe ka sa 'kin, Kurt!”  natatawang ani ko.

“Totoo naman, Ate. Sumakit nga tiyan mo noon e! Nasobrahan sa pagkaing kinakain mo.”

Sabi ko nga.

“Ma'am, puwede na po ba naming makuha ang pangalan ng mga bata? Para ma-register na po ang birth certificate nila,” tanong ng isang nurse sa akin na may hawak na papel.

Matagal ko nang naisip ang mga pangalan na ito. Kahit naiinis ako sa kaniya, isusunod ko pa rin ang pangalan ng mga anak ko sa kaniya.

“Kaydge Mikolo Dimagiba Montenegro at Klode Reagan Dimagiba Montenegro,” nakangiting sagot ko sa nurse.

“Ang astig naman ng pangalan nila, Ate. Hindi halatang kinuha mo sa pangalan ni kuya ha. Promise, hindi halata,” si Kurt.

“Baliw ka talaga, Kurt,” natatawang sagot ko.

Nang natapos ilista ng dalawang nurse ang pangalan ng mga anak ko ay kaagad na silang umalis para asikasuhin ang birth certificate ng kambal.

Hawak ko si Klode dahil siya ang unang naiyak, nagugutom na siguro kaya pina-dede ko muna. Si Kaydge naman ay nanatiling tulog sa bisig ng kaniyang Lolo Eulecio.

Malalaman mo ang pinagkaiba ni Kaydge at Klode dahil ang isa sa kanila ay may nunal sa leeg, nagmana sa akin dahil may nunal din ako sa leeg. Si Kaydge ang may nunal sa leeg, pareho silang mistiso, manang-mana sa ama nila, nunal lang yata ang nakuha ni Kaydge sa akin. Tss. Nagsisi tuloy akong ang ama nila ang pinaglihian ko.

“Maria!” sigaw ng kung sinong kapapasok lang sa kuwarto. Kilala ko ang boses na iyon.

“Itay! Inay!”

“Aguy! Ka-gwapo gid sang apo ko ba!” masayang ani ni itay nang nakalapit sa akin.

“Hindi naman sa atin nagmana ang anak mo, Maria,” natatawang ani ni inay.

“Si Kuya po kasi ang pinaglihian, kaya gano’n po,” sabat ni Kurt.

“Bakit naman kasi siya, Anak? Sana iba nalang. Kita ko tuloy, hindi man lang nakuha ang kagandahan at kagwapuhan ng lahi natin," sagot ni itay.

Medyo mahangin ka rin itay ha.

“Kamusta ka na anak? Balita ko na aksidente raw kayo ng asawa mo? Naasan na siya?” nag-aalalang tanong ni Inay.

"Okay lang naman po ako, Inay. Niligtas po kami ni Kael. Siya nga po ang ipinag-aalala ko kasi siya ang napuruhan. Nasa ICU po siya ngayon.”

“Diyos ko. Buti nalang at nakaligtas siya. Sana gumaling na siya. Kawawa naman ang mga anak niyo.”

“Salamat, Inay,” nakangiting sagot ko.

Maghapon na nagbantay sa akin sila inay at itay. Umuwi muna si Kurt at tito dahil may aasikasuhin pa raw si tito at si Kurt naman ay uuwian daw muna si tita, baka hindi raw 'yon nagpapahinga.

Alas-singko ng hapon nang kuhanin ng mga nurse ang kambal para ibalik sa nursery room. Ibabalik pa raw nila ito bukas. Puwede naman na raw akong lumabas bukas, kakausapin lang daw ako ng doctor para sa mga paalala at dapat gawin para mabilis na maghilom ang tahi ko sa tiyan.

Kinabukasan nga ay naayos na ang lahat sa hospital para ma-discharge ako. Nakausap ko na rin ang aking doctor. Si Tita Letecia ang umayos sa mga hospital bills ko rito. Nahihiya nga ako kasi kahit piso ay hindi kami hinayaang makagastos ni Tita Letecia. Napag-alaman ko rin na ipinasundo nila ang mga magulang ko sa probinsya namin.

“Ayan, Bayot! Ang ga-guwapo ng mga junaks mo! Ninang ako ha!” nae-excite na ani ni Emee sa tabi ko. Kasalukuyang tinatanggal na ng nurse ang akong dextrose dahil mamaya ay lalabas na kami ng hospital.

“Aba! Ako rin! Huwag mo akong kakalimutan, Maria ha! Ninang din ako,” sabat naman ni Reese. Magkakilala na sila ni Emee at naging magkaibigan na rin. Plano nga sana naming e-recommend si Reese kay Tita Letecia para ipasok sa kompanya nila kahit bilang Janitress lang din.

“Oo naman. Ninang kayong dalawa, basta huwag niyong kakalimutan ang regalo ng ina-anak niyo ha,” pabirong sagot ko.

“May ipon na ako para r’yan, Bayot! Donchawori!”

“Same. Same. Inform mo lang kami kung kailan ang binyag.”

Binyag.... Napaisip agad ako. Kailan ka ba magigising Kael?

“Plano ko sana na kapag naging okay na si Kael, saka na bibinyagan ang mga bata. Gusto kong nandoon siya, kasi excited pa naman 'yon sa mga anak niya,” sagot saka ngumiti.

Sana maging okay na ang lahat. Kahit hindi ako ang end game mo, Kael. Ang importante ay makilala ka ng mga anak mo.

 The Probinsyana [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon