Chapter 17

4.4K 115 4
                                    

Sa loob ng limang buwang pagbubuntis ko ay nakikita ko ang pagbabago sa pakikitungo ni Kael sa akin. Yes! Hindi na Sir. Siya may sabi niyan e.

"Would you please stop calling me, Sir?! Ina ka ng magiging anak ko, pagkatapos Sir tawag mo sa akin?!” naiiritang ani nito.

“Galit ka? Galit?” Nanliliit na matang tanong ko sa kanya. Titiklop 'to, pustahan.

Ganito naman kami lagi. Simula noong gabing sinabi niya'ng pinipili niya kami ng anak niya. Noong una ay nagdalawang-isip pa ako na paniwalaan siya pero nang lumipas ang ilang araw na nag iba ang pakikitungo niya sa akin ay onti-onting naniniwala na ako. Napakahands-on niya sa pag-aalaga sa akin. Tuwing wala siya'ng trabaho ay siya ang nag-aasikaso sa akin. Lahat ng gusto ko ay sinusunod niya.

“Uh...no? Hindi. Hindi ako galit.” Sabay pakita ng hilaw na ngisi nito. Abnoy.

“Hindi e. Naiirita ka na sa akin 'no? Hindi mo na ba love ang anak mo? Nagsisisi ka na ba? Kasalanan mo naman kasi e! Binuntis mo ako! Tapos ngayon, maiirita ka sa akin? Sisihin mo rin ang anak mong nagmana sa ugali mo! Ang arte!”

Ewan ko ba pero 'di ko talaga makontrol ang tantrums ko. Lalo na kung si Kael ang kaharap ko. Siguro dahil sa siya ang pinaglilihian ko?
“N-no! Hindi sa ganoon. Hindi ako naiirita or nagsisisi, okay? In fact, excited na nga akong makita ang anak natin. Tahan na. Makakasama sa 'yo 'yan,” pag-aalo niya sa nagda-dramang si ako.

“Hindi eh! Wah! Sinigawan mo ako kanina!”

“F-fuck!” Natataranta na siya dahil mas lumakas na ang iyak ko. Ewan ko ba. Nag e-enjoy akong makita siyang ganiyan, pero naiirita ako kapag nakikita ko ang mukha niya.

“Oh ayan! Minumura mo pa ako! Lalayas na lang kami ng anak mo! Iiwan ka namin! Isusumbong kita sa Lolo mo!” Sabay bato ng hawak kong kutsara.  Buti nakailag ang loko, sapol sana sa mukha kung hindi lang umilag. Sayang!

Ubos na rin ang kinakain kong mangga na may mayonnaise e. Ibabato ko nalang sa kaniya 'to.

“Uy! Hindi ikaw ang—” Nabitin ang sasabihin sana nito nang batuhin ko siya ng bowl na aking hawak. Buti nalang plastic 'yon. Nakailag ulit ang loko. Aba. Ang galing naman umilag nito?! Kutsilyo! Asan na ba 'yog kutsilyo?!

“Ano’ng uy?! May pangalan ako! Uy mo mukha mo!” sigaw kkosa kaniya, sabay taripas papunta sa kwarto ko. Oo, kuwarto ko. Kasi sa guest room ako natutulog, hindi sa kwarto niya. Naiinis ako sa pagmumukha niya.

“Sorry na, Maria. Sige na, hindi na mauulit. Gusto mo ulit ng mangga na may mayonnaise? Bibilhan kita,” ani nito habang nakasunod sa akin papuntang guest room.

Parang kidlat naman na kaagad akong napalingon sa kaniya. Grasya 'yon. Bawal talikuran ang grasya!

“Talaga?” Nanliliit na matang tanong ko.

“Yes. Ano pa bang gusto mo? Huwag ka nang umiyak. Makakasama sa inyo 'yan ng anak natin. Huwag ka na ring maglayas. I'll behave na. Hindi na kita sisigawan,” wika nito sa malambing na boses.

"Tss. Puwede bang mag-mask ka tuwing lalapit ka sa 'kin? Kumukulo dugo ko sa mukha mo. Tsaka bilhan mo ako ng mangga, tapos ipagbalat mo 'ko kaagad pagdating mo, lagyan mo ng maraming mayonnaise ah!” saka ako dali-daling pumasok sa loob ng kuwarto.

Emee's POV

“Emee,” tawag sa akin ng head namin dito sa Maintenance.
“Pinapatawag ka ni Sir Kael sa opisina niya. Bilisan mo raw.”

Ano naman kayang kailangan ng scammer na Kael na 'yon sa akin? Hindi na ba kinaya ang topak ni buntis? Kaagad akong nagpunta sa top floor dahil baka masigawan ako sa sobrang bad mood. Dito niya kasi nailalabas ang inis niya dahil sa kaabnuyan ni Mariang Juntis.

 The Probinsyana [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon