Chapter 3

29 0 0
                                    

"Apo. Mag iingat ka ha? Nariyan si Anton ihahatid ka niya."

Paalam ni lola bago ako umalis ng bahay. Maganda kaya sa school na yun? Madami kayang mayayaman na katulad ko? Na pwedeng makasama? Sabagay kay lola ang school na yun. Paniguradong katatakutan nila ako.

"Mang Anton. Malayo pa ba?"

"Ilang minuto lang ang byahe Miss Reign."

Ah. Edi pwedeng lakarin? Sa susunod kaya lakarin ko na? Why not diba? Para ma try ko ding maglakad lakad. Charot nakakatamad pala.

"Miss Reign susunduin ko nalang po kayo."

Ang sabi ni lola ay dumiretso daw ako sa dean's office. Para kunin ang schedules at uniform ko. Maganda din naman dito. Slight nga lang. Mas maganda pa din syempre sa dati kong school.

"Good Morning Ms. Mercado. Have a seat."

"Morning."

"So here's your schedule and uniform. Sa ngayon sa second subject ka na pumasok."

"Salamat."

Cool. Dahil gutom ako ay naisipan kong dumiretso na muna sa canteen. Kaya habang nagmamasid masid ako ng pwedeng maupuan ay agad na nahagip ko ang isang pamilyar na yun. Teka? Kilala ko ito ah! Tama!

"Buboy!? Ikaw ba yan?!" Sigaw ko na dahilan kaya siya napalingon suot ang mukha niyang gulat na gulat.

"Reign? Ikaw ba yan? Kelan ka pa umuwi dito?"

"Buboy ikaw nga! Kahapon lang. Ikaw kailan ka pa nandito?"

"Noong nakaraang buwan pa. Utos ni daddy eh. Tara dito."

Aya niya saka pinaupo ako sa bakanteng upuan sa tabi niya. Buti nalang talaga at may kasama ako! Hindi na magiging boring ito.

"Kamusta ka na? Mas lalo kang gumanda."

Tanging tawa nalang ang naisagot ko. Well sanay naman na akong nasasabihan ng maganda.

"Ikaw din. Lumaki ata katawan mo ah. Hahaha."

Pagbibiro ko. Totoo naman. Nung last ko siyang nakita ay napaka payat niya. Samantalang ngayon medyo maskulado na siya. Tsk.

"Bakit ka andito? Ang alam ko kasi ayaw mo sa probinsya."

"Punish--- Ang ibig kong sabihin gusto kong samahan si lola."

Muntik na ako doon ah. Ngayon ko lang napansin na may dalawa siyang kasamang babae at dalawang lalaki. Mayayaman kaya itong mga ito? Sa tingin ko hindi. Sa mga suot palang nila. Cheap.

"Friends ko nga pala. Si Casey, yan naman si Carina. Eto naman si Jason at Timothy."

Isang pekeng ngiti nalang ang naipakita ko sa kanila. Medyo hindi ako sanay na makipag usap sa mga katulad nila. Oh well sanay ako sa mga mayayamang tulad ko.

"Oorder lang ako ng pagkain."

Pag papalam ko. Pero ang totoo nyan ay gusto ko lang talagang makaalis sa pwesto nila. Naiilang ako eh. Sobra. Dire diretso ako sa paglalakad ng biglang mapaupo ako sa sahig. Oh damn! My butt.

"Shit! You bastard! Tumitingin ka ba sa dinadaanan mo?!"

"Oo. Eh ikaw? Hindi nag cecelphone ka eh."

"What the!? Ikaw na naman!? Argh. Kasalanan mo to!"

"Tsk tanga ka lang talaga." Sambit niya saka iniabot ang kamay niya. Ano bang ginagawa niya? Ramdam ko naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nagsisimula na naman. Agad ko siyang tiningnan dahil sa pagtataka.

"Abutin mo. Tsk tanga talaga."  Aabutin ko na sana nang bigla niya itong hagipin at saka nagpatuloy na sa paglalakad. What the hell? What was that!?

"Oopsss nakita niyo yun?"

"Assuming kasi. Tsk as if naman tutulungan siya ni Lucas."

"Oo nga. Hahaha."

Dahil sa inis at pagkapahiya ko ay dali dali akong tumayo at nagpagpag.

"You! All of you. Ang kakapal ng mukha niyo para pag usapan ako!"

"Bakit sino ka ba? Natatawa lang kami sayo!"

"I swear! Ipapatanggal ko kayo sa school na to!"

Sigaw ko saka dali daling nilisan ang canteen na iyon. Nakakainis. Unang araw ko palang dito ganito na agad ang nangyari sa akin!

Kakausapin ko na talaga si daddy na ibalik niya na ako sa Manila. Hindi ako bagay dito! Tanging mahihirap lang ang pwede dito! At saka ang mga babaeng yun ay sisiguraduhin kong matatanggal sila sa school na ito.

9:30 na ibig sabihin ay second subject ko na. Asan ba dito ang room ng mga Diamond Section. Dun ako napunta eh. Special section kaya iyon?

Pagkapasok ko ay mga estudyanteng may kanya kanyang grupo ang bumungad sa akin. Ang iba ay nagbabatuhan. Yung iba naman ay nagbabasa ng libro. At yung iba nagkakantahan. Oh my gosh!

"Oy. Siya ba yung bago?"

"Ang ganda niya. Anak mayaman ata oh."

"Halata nga. Mamahalin ang bag oh."

"Shut up. Manahimik kayo. Hindi ba dapat ay iwewelcome natin siya!?"

"Oo na president. Sungit."

"Welcome sa Diamond Section."

Sabay sabay nilang pagbati. Dahil sa pagkailang ko ay ngiti nalang ang naisukli ko sa kanila. Hindi ko alam kung anong mararanasan ko dito. Argh sana naman ay marunong silang sumakay sa trip ko. Para naman hindi maging boring.

At dahil malapit ng mag start ang klase ay umupo na agad ako sa napili kong upuan. Napaka comfortable naman dito.

"Hi! Ako pala si Helena. Welcome sayo."

Nakangiting bungad niya.  Bakit ganon ang name niya? Masyado ng pang sinaunang panahon! Gusto kong matawa pero baka ma offend siya. Kaya wag nalang.

"Hi." Maikling bati ko. Dahil ang totoo ay hindi ako mahilig na mag entertain ng ibang tao. Unless uutusan ako ni daddy na i entertain sila. Habang tahimik na naghihintay ay kanya kanyang tilian ang mga kaklase kong babae.

Ay anong meron? May dumating bang artista? Bakit grabe silang magtilian. Tsk tsk tsk.

"Ngayon lang ulit pumasok si Lucas no!"

"Oo nga! Gwapo pa din hihi."

"Sinabi mo pa!"

"Hala! Yung baguhan nakaupo sa pwesto ni Lucas."

Agad akong napalingon sa nagsalitang babae. Ako lang naman ang baguhan dito?  Pagkatingin na pagkatingin ko sa lalaking nakatalikod sa akin ay halos kumulo ang dugo ko. Ibig sabihin ay kaklase ko siya! Ugh! Ang malas ko!

"Umalis ka dyan. Pwesto ko yan." Mahinang sambit niya. Aba! Hindi niya ba alam ang katagang first come first serve!? Ako ang nauna.

"Bakit ako aalis? Hindi naman iyo to."

"Aalis ka o ako mismo ang kakaladkad sayo?"

Seryosong sambit niya kaya agad akong napatingin sa kanya. Sa saglit na pagtama ng aming mga mata ay halos magwala na ang puso ko. Ano bang problema ko?

Waves Of Love (Island Of Love Series 1)Where stories live. Discover now