Masaya kaming nagtatawanan dito habang kumakain. Gabi na pero ang sigla sigla pa din nila. Samantalang ako ay nanghihina na. Para bang gusto kong magpahinga."Ayos kalang? Gusto mong matulog?"tanong ni Lucas pero umiling lang ako. Baka bukas ay hindi na ako magising mahirap na. Hahaha.
"Reign. Dito ka lang ha? May kukunin lang ako." Paalam ni Lucas saka ngumiti. Ano naman kayang kukunin niya?
Napansin ko din ang pagtayo ng iba kong mga pinsan. Tanging si Lola lang ang nasa tabi ko. Ano kayang gagawin nila?
"Apo. Alam mo ba ang kwento ko sa islang ito?" Tanong ni Lola. Ang alam ko lamang ay ang pag propose ni Lolo dito sa kanya. At wala na akong ibang alam. Yun lang naman ang na ikwento ni lola eh.
"Hindi po. Pwede po bang i kwento niyo?" Nakangiting pakiusap ko. Gusto ko kasing malaman kung anong nangyari sa kanila ni Lola dito.
"Umuulan noon apo.. naghahanap ako ng pwedeng gawing silungan dahil nakakatakot ang iba.. Ang lolo mo naman ay biglang nawala." Kwento niya. Hmm. Ano naman kayang ginagawa ni Lolo? "Hinahanap ko siya. Laking gulat ko nalang ng makita ko siya sa gilid ng punong iyon. Nakangiti at nakaluhod." Pagpapatuloy niya. Ibig sabihin sa punong iyon nag propose si lolo? Kaya ba ay hindi ipinapapputol ni Lola iyon? "Sabay sabi ng "Will you marry me?" Nang gabing iyon ay wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Alam mo kung bakit? Kasi sa wakas ay makakasama ko na ang lalaking mahal ko." Nakangiti niyang kwento. Alam kong masakit para kay lola na mawala si Lolo. Pero alam kong tanggap niya na iyon. Dahil nga kung mahal mo ang isang tao ay handa mong palayain ito.
Magsasalita pa sana ako ng mag simulang tumugtog ang mga pinsan ko. Ano namang ginagawa niya?
It's a beautiful night,
we're looking for something dumb to do
Hey baby, I think I wanna marry you
Is it the look in your eyes,
or is it this dancing juice
Who cares baby,
I think I wanna marry you
Well I know this little chapel on the boulevard
We can go No one will know Oh, c'mon girl
Who cares if we're trashed
Got a pocket full of cash we can blow
Shots of Patron And it's on girl
Don't say no, no, no, no no
Just say yeah, yeah, yeah yeah, yeah
And we'll go, go, go go, go
If you're ready, like I'm ready.
Kanta nilang sabay sabay. At saka may hawak silang mga board. Ang mga babae ay nakasuot ng puting dress at ang mga lalaki naman ay maayos ang damit. Abot tenga ang mga ngiti nila bago tumigil sa pagkanta. Tanging ngiti nalang ang nagawa ko dahil hinang hina na ang katawan ko.
Sumunod na tumogtoy ay si Lucas. Na ngayon naman ay naka suot ng summer outfit niya. Alam ko ang kantang iyan!
105 is the number that comes to my head
When I think of all the years I wanna be with you
Wake up every morning with you in my bed
That's precisely what I plan to do
And you know one of these days when I get my money right
Kanta niya habang papalapit sa akin. Isa isang nagpatakan ang mga luha ko dahil sa kanta. Ano ang ginagawa niya?
Buy you everything and show you all the finer things in life
Will forever be enough, so there ain't no need to rush
But one day I won't be able to ask you loud enough
Pagpapatuloy niya sa kanta saka hinawakan ang mga kamay ko.
I'll say will you marry me
I swear that I will mean it
I'll say will you marry me
Kasabay ng mga linyang yun ay ang pag taas naman ng mga board ng aking mga pinsan na may nakasulat na "Will you Marry Me?" Sunod sunod ang pag hagulgol ko dahil sa ginawa nila.
"Reign? Will you marry me?"
Tanong niya. At halos lahat naman ay sumisigaw ng "yes". Ngunit may parteng pumipigil sa akin sapagkat kapag nagpakasal ako sa kanya ay baka.. hindi ko magawa ang gusto niyang maging pamilya. Pero alam kong maari pa siyang makakilala ng iba...
Isang malaking ngiti ang ipinakita ko sa kanila saka dahan dahang tumango. Kita ko naman kung paano magsigawan ang mga pinsan at ang buong pamilya ko. At halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap sa akin ni Lucas.
"I love you Reign! Ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko!" Bulong niya saka pinaulanan ako ng halik.
Habang nagpapahinga sa tabi ni Lucas ay pinag uusapan na namin ang kasal. Ang sabi niya sa akin ay bukas na bukas din daw agad ang magiging kasal. Ngunit hindi ko alam kung kaya ko pa..hinang hina na ang katawan ko. Gustong gusto ko ng ipikit ang mga mata ko. Ayaw kong biguin si Lucas ganon din ang pamilya ko. Lahat sila ay umaasang lalaban ako. Pero hindi na talaga kaya ng katawan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/241271494-288-k271647.jpg)
YOU ARE READING
Waves Of Love (Island Of Love Series 1)
Dla nastolatków"I'm the daughter of Rony Mercado! I can do whatever I want so leave me alone!" Reign Mercado. The spoiled brat among the Mercado Family. For her. Money can buy anything. Not until he met Lucas. The man of her life. Welcome to Island of Love.