Pagmulat ng mata ko ay halos wala akong maaninag. Hinang hina na ata ako. Ngayong araw daw ay bibisita ang mga tita ko galing ibang bansa.
"Apo. Sure ka bang ayaw mong mag pa confine sa hospital?" Nag aalalang tanong ni lola. Si lola lang ang kasama ko ngayong araw dahil sina Daddy at Tita Kristin ay kinakausap ang doctor ko.
Flasback.
Matapos ng pag uusap ay kaming dalawa ng Doctor ang natitira. Better to ask him the truth.
"Doc? Hindi na po ba talaga ako tatagal?" Umaasa kong tanong. Kung sana ay maaga kong nalaman.
"Ms. Mercado. I really am sorry. Hindi ka na magtatagal." Nakayuko niyang sambit. Mapait akong napangiti dahil sa naging sagot niya.
"Kung maaga mong ipina konsulta iyan ay maaari pang maagapan." Seryoso niya pag dagdag. Kung sana ay pumayag nalang akong mag pa check noong nakakaramdam na ako ng kakaiba.
"Mahihirapan ka ng maagapan iyan Reign. Pero kung gusto mo ay bibigyan kita ng treat---." Agad agad kong pinutol ang gusto niyang sabihin saka ngumiti. Alam ko na ang kapalaran ko. Kung eto talaga ang mangyayari ay sasabayan ko na ito pag agos.
End of Flashback.
Hinarap ko si Lola suot ang ngiti ko. Ayaw kong pati sila ay mahirapan sa magiging desisyon ko.
"Opo Lola...Wag niyo po sanang sabihin ito kay Lucas.." pag papaalala ko sa kanya. Simula nung nakipag hiwalay ako sa kanya ay walang Lucas ang pumunta dito. Napangiti ako ng mapait dahil siguro ay napaisip na siyang tama ang mga sinabi ko. Ang hirap hirap niyang pakawalan..
"Apo. Masasaktan si Lucas sa ginagawa mo. Iyan na ba talaga ang desisyon mo?" Pangungulit niya. Mahina akong natawa dahil sa inaasal niya. Kung noon ay ayaw na ayaw niya akong nakikipag relasyon sa mga lalaki ngayon naman ay halos siya na ang magtulak sa akin kay Lucas..
"Lola. Para sa kanya din iyon. Ayaw ko lang na makulong siya sa akin. Mabuti na din ang ganon." Tuloy tuloy kong sabi dahilan para halos malagutan ako ng hininga. At ang mga mata ko ay namumungay na. Hindi ko na ata kaya eh.
"Apo. Kanina pa siya nasa labas at nag sisisigaw...wala ka bang balak na kausapin siya?" Gulat akong napalingon kay Lola dahil sa sinabi niya. Kung ganoon? Totoo nga ang panaginip ko kagabi?
Flashback.
Mahimbing akong natutulog ng biglang may magbato sa bintana ko. Gusto kong tumayo at silipin iyon ay hindi ko magawa.
"Reign! Please! Let's talk!" Sigaw ng isang lalaki. Alam ko kung kanina ang boses na iyon. Pero anong ginagawa niya dito?
"Reign! Hindi ako aalis dito hanggang hindi ka nakikipag usap sa akin!" Sigaw niya dahilan upang magtubig ang mata ko. Nahihirapan na ako Lucas wag ka namang ganyan.
"Reign! Hindi ako naniniwala sa rason mo! Reign! Labas ka naman oh!" Mahihinang hikbi nalang ang nagawa ko habang walang tigil siyang sumisigaw.
End of Flashback.
"Pero lola. Bakit hindi niyo siya paalisin?" Nag aalalang tanong ko. Umaambon pa naman sa labas. Mamaya ay kung mapaano siya.
"Ginawa na namin apo. Sadyang makulit lang siya." Natatawang tugon ni Lola. Gusto ko siyang puntahan pero hindi na kaya ng katawan ko.
"Apo..Kausapin mo na muna siya. Ipaintindi mo apo.." mahinang bulong niya dahilan para lingunin ko si lola. Ipaintindi? Ang alam ko kay Lucas ay isang salita lang ay naiintindihan niya na.
"Lola. Pero....papasukin niyo na po.." pakiusap ko dahilan para ngumiti siya. Kung ipapaintindi ko lang naman ay siguro makakaya ko. Kahit na hirap akong tumayo ay pinilit ko pa ding tumayo at saka nag ayos ng mukha. Ang laki pala ng pinayat ko. Ang mga mata ko. Ang pungay pungay na.
Pagkababa ko ay bumungad sa akin ang magulong itsura ni Lucas. Ano bang ginagawa niya? Gusto ko siyang lapitan at yakapin at tanungin kung maayos ba siya ngunit hindi ako makakilos.
"Reign! Ok ka lang ba? Tapos na ba ang prank mo?" Nakangiting sabi niya saka niyakap ako. How I miss him. Pero Reign mali ito alam mo!
"Ano ba Lucas? Hindi ba tapos na tayo? Bakit ba ginugulo mo pa din ba ako?" Pilit kong inaayos ang boses ko para hindi siya makahalata. Hanggang kailan ka magiging ganito Lucas? Magising ka na Lucas!
"Diba mahal mo ako? Bakit ganito ang ginagawa mo!" Namamaos niyang sigaw saka pilit hinahagip ang kamay ko. Damn it! Kung hindi ako makakapag pigil ay mayayakap ko siya ng wala sa oras.
"Lucas! Gumising ka na nga! Hindi kita minahal! Ginamit lang kita! Pinag laruan lang kita!" Paulit ulit ko bang sasabihin yan para magalit ka sa akin Lucas? Para makawala ka na sa akin?
"Tangina! Hindi ako naniniwala Reign! Bakit Reign!?" Sigaw niya pabalik. Ganon niya na ba ako kamahal kaya hindi siya naniniwala sa akin? Damn Lucas! Nabubulag ka na sa akin!
"Wala akong pakialam kung hindi ka naniniwala! Basta ang sinabi ko! Sinabi ko! Now leave this fucking place! Bago kita ipalabas sa mga guard!" Sigaw ko saka dahan dahan ng umalis. Wag na wag kang lilingon Reign. Isipin mo na para sa kanya ang ginagawa mo.
"Reign! Sinasabi ko sayo! Kung lalayo ka! Hahabulin at hahabulin kita!" Sigaw niya. Shit. Ang bigat bigat sa pakiramdam. Ang sakit sakit mo pakawalan Lucas.
"Pinag laruan mo ako? Fine! Play with my damn feelings! Just...just! Stay with me!" Basag ang boses niya matapos niyang sabihin ang mga yun. I am sorry.
"Lucas.. I can't sorry...." mahinang bulong ko bago mandilim ang paligid ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/241271494-288-k271647.jpg)
YOU ARE READING
Waves Of Love (Island Of Love Series 1)
Ficção Adolescente"I'm the daughter of Rony Mercado! I can do whatever I want so leave me alone!" Reign Mercado. The spoiled brat among the Mercado Family. For her. Money can buy anything. Not until he met Lucas. The man of her life. Welcome to Island of Love.