Chapter 12: Prom

10 1 0
                                    

Mag gagabi na at magsisimula na ang prom. Excited na ako.

"Apo. Nariyan na ang isusuot mo. Handa ka na ba?" Bungad ni lola na suot suot na ang dress niya. Pupunta din kasi siya. Syempre siya ang may ari ng school eh.

"Opo lola. Maliligo lang po ako saka mag aayos na." Dahil wala na si mommy ay natutunan ko na kung paano ayusan ang sarili ko.

Matapos kong maligo ay agad akong nag ayos ng mukha ko. Light make up lang ang nilalagay ko dahil ang sabi ni mommy ay hindi daw sa akin ang mga dark. Pero ang weird favorite ko ang dark colors. Hahaha.

Matapos kong mag ayos sa mukha ko ay parang ibang Reign ang kaharap ko. Charot. Agad kong isinuot ang dress na binili ni lola. Sleeveless at backless ang ipinasuot sa akin. Wews. Hapit na hapit neto ang balakang ko. Ang sexy ko pala.

"Apo napakaganda mo naman. Narito na ang sundo mo." Bungad ni lola sabay yakap sa akin. Well. Kanino pa ba ako magmamana ng kagandahan? Syempre kay mommy.

"Wow Reign. Mas lalo ka atang gumanda." Bungad ni Buboy saka inalalayan akong makasakay sa kotse niya. Ngayon ko lang napansin na may red spots at pasa pala ako. Ano bang nangyayari. Naalala ko nga pala na mag papa  check up ako kung kailan ko gusto. Sa tingin ko ay hindi na kailangan. Simpleng lagnat lang naman daw eh.

"Nagmukha kang binata Buboy. Hahaha. Ang gwapo mo!" Pamumuri ko sa kanya dahilan bakit siya namula. Parang noon lang ay naghahabulan kami at lagi siyang taya dahil napakapayat niya. Ngayon ay maskulado na siya.

"Tsk Reign. Matagal na no. Ano na tara na?" Ano kayang itsura ni Lucas at Helena? For sure mas maganda ako. Just kidding.

Pagkarating namin sa venue ay kanya kanyang bulungan ang mga tao dito. Karamihan sa kanila ay ako ang pinag uusapan.

"Ang ganda ni Reign no? Bagay na bagay sa kanya ang suot niya."

"Oo nga no. Ang sexy niya pa."

"Grabe iba talaga kapag anak mayaman."

"Oo nga. Siya na ata ang may pinaka mahal na dress dito."

Isang ngiti lang ang ipinapakita ko sa kanila. Dahil ngayon ay puro sila papuri. Ng magsimula ng magsalita ang emcee ay nilapitan ako ni Helena. Woah. Aaminin ko ang ganda niya sa simpleng suot niya.

"Hi Reign. Mas lalo ka atang gumanda." Pagbibiro niya. Tanging tawa lamang ang napakita ko sa kanya. Dahil sa totoo lang hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o seryoso. Tsk.

"Ok! Boys! Grab your partner! Sayawan naa!"

Sigaw ng emcee kaya agad akong nilapitan ni Buboy.

"May I have this dance beautiful lady?" Saad niya sabay lahad ng kamay niya sa aking harapan na agad ko namang tinanggap.

Nagsimula na ang tugtugin. Muli dito ay kitang kita ko kung paano kumislap ang mga mga mata ni Helena habang sayaw si Lucas. And suddenly i felt my heart ache.

Heart beats fast

Colors and promises

How to be brave

How can I love when I'm afraid to fall

But watching you stand alone

All of my doubt, suddenly goes away somehow

One step closer

I have died everyday, waiting for you

Darling, don't be afraid, I have loved you for a thousand years

I'll love you for a thousand more

Habang tumutugtog ang kanta ay kay Lucas lang ako nakatingin.

"Gusto mo siya ano?" Gulat akong napatingin kay Buboy.

"A-anong sinasabi mo? Sayaw lang tayo." Utal kong sagot sa kanya. Sino naman kaya ang tinutukoy niya.

"Ako ang kasayaw mo pero siya ang nasa isip mo tama?" Nakangiti niyang tugon dahilan bakit ako matigilan.

"Dalaga ka na Reign. I'm happy for you." Bulong niya saka ibinaon ako sa dibdib niya. Alam niya?

"Paano mo naman nalaman?" Tanong ko habang sayaw sayaw pa din siya.

"Tsk. Parang kapatid na din kita. Alam ko na ang mga galaw mo no." Natatawa niyang sagot saka ako hinalikan sa noo.

"Pero baka hindi niya ako gusto Buboy. Natatakot ako." Bulong ko.

"Paano mo naman nasabi yan? Umamin ka na ba?" Oo nga ano. Pero natatakot ako sa baka anong maging sagot ni Lucas kapag umamin ako. Paano kung totoong ginagamit niya lang ako?

"Natatakot lang ako." Bulong ko. Ganon na ba ako kahalata na may gusto ako kay Lucas?

Matapos ang ilang minutong pagsasayaw ay nagsalita muli ang emcee. Manatili na muna daw kami at saka kumain.

Habang kumakain ay paulit ulit akong napapatingin sa pwesto nina Helena at Lucas. Wala ba siyang balak puntahan ako? Mula dito ay kitang kita ko ang saya tuwing kausap niya si Helena. Lucas. Anong ginawa mo?

Imbes na titigan lang sila ay itinuon ko nalang ang pansin ko sa pagkain. Mula kanina ay wala talaga akong gana. Mas lalo at akong nawalan ng gana dahil sa nakita kong nagtatawanan na si Lucas at Helena.

Tita Marga calling...

"Hello tita?"

"Hello Reign? Nasaan ba kayo? Walang tao sa mansyon eh."

"Prom po namin tita eh. Si Lola nalang po tawagan niyo."

"Hindi na siguro. Maghihintay nalang ako. Enjoy your night sweetie."

"Sige po tita."

Call ended.

Ano naman kayang ginagawa ni tita dito? Ang alam ko doctor siya sa ibang bansa eh. Ano kayang ginagawa niya dito?

Muli akong napatingin kay Lucas na ngayon ay kumakain na. Eto namang si Helena ay pilit sinusubuan si Lucas. Tsk may kamay naman si Lucas bakit niya pa kailangang subuan. Are they trying to be sweet?

"Everyone! Sino sa tingin ninyo ang magiging King and Queen of the night?" Sigaw ng emcee. Malamang ay si Helena at si Lucas na naman daw.

"Everyone. Makinig kay Señora ang may ari ng School." At saka tumayo sila at umakyat sa stage.

"Good evening everyone. Nag eenjoy ba kayo?" Tanong niya.

"Wuhoooo opo!"

"Ang saya po!"

"Super po lalo na sa seniors!"

"Students just enoy your night. Lalo na sa mga seniors dahil last niyo na ito?" Oo nga pala at last na namin ito. Aish. Pero ok lang.

"Sige. At maya maya rin ay i aannounce na ang King and Queen of the night."

Sino nga kaya? Pwedeng si Buboy at ako ang king at queen.



Waves Of Love (Island Of Love Series 1)Where stories live. Discover now